Ang ating Panginoong H esus ang pinakamahusay sa pakikipag ugnayan na nabuhay sa mundo. Gumamit siya ng mga kwento sa kanyang pagtuturo tungkol sa Kaharian ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga talinghaga, ay pinukaw niya ang puso ng mga tao upang ang mga ito ay magkaroon ng pagkauhaw sa katotohanan.
Sa ngayon, ang pagkukwento ay nananatiling mabisang paraan sa pag abot ng mga pusong tunay na nagsasaliksik. Ang pagkukuwento ay isang makapangyarihang paraan para pukawin ang puso at imahinasyon at maipasa ang mahalagang kaalaman sa bawat henerasyon, Ang bagay na umuukit ng mabuti sa ating mga isip ay hindi ang salita tungkol sa "tatlong mahalagang puntos" kundi kung pano ito naisalarawan sa ating mga kaisipan. Mula sa pasimula, sinusunod ng GRN ang pamamaraang ito ng ating Panginoong Hesus, gamit ang mga kwento sa Bibliya upang magpahayag mga ispirituwal na katotohanan na patuloy na nagbubunga nga kahanga-hangang resulta.
Isa sa pinaka hindi makalilimutang halimbawa ay nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Isang mag asawang misyonero ang mula sa ibang pangkat ng mga misyonero ang ipinadala sa isang ilang na lugar sa Upper Volta (ngayon ay Burkina Faso) sa Aprika upang magpahayag ng salita ng Diyos. Nagulat sila sa kanilang pagdating sapagkat ang tribo ay nakakakilala na kay Hesus. Labinlimang taon na ang nakararaan, isang kasapi ng aming pangkat ang gumawa ng pagsasadula ng mga kwento sa Bibliya sa tape gamit ang sariling wika ng naturang tribo. Namangha ang mga tao sa mga kwentong kanilang napakinggan at ang mga kwento at mensahe ay kanilang isinapuso at itinanim sa isip at kanilang nalaman ang daan ng kaligtasan bago pa man dumating ang misyonero.
Sa kasalukuyan, maraming buhay ang patuloy na namamangha at naantig ng mga kwento sa Bibliya na naisadula sa aming mga tape. Isang punong ebanghelista ang nagpatotoo sa amin at nagsabing " Mula ng matanggap ko ang mga tape ng Ebanghelyo ng ating Panginoon, limampu na ang naniwala at nanampalataya mula sa aming lugar, dalawampu mula sa katabing kabukiran at labingtatlo mula sa karatig na mga pook."
Isang matandang lalaki mula sa Zimbabwe ang nagsabi sa isang Kristyanong manggagawa nang ganito:" Buong buhay ko ay nag-aalay at nagdarasal ako sa aking mga ninuno upang humingi ng gabay at tulong. Ilang tao ang dumating sa aking tahanan isang araw at kanilang ipinarinig ang mensahe sa kanilang tape tungkol sa Panginoong Diyos at kanyang mga nilikha. Sa unang pagkakataon sa aking buhay ay aking naunawaan ang tungkol sa tunay na Diyos. Nagpapasalamat ako na narinig ko at nalaman ang mensaheng ito bago ako sumakabilang buhay."
Sa kasalukuyan, maraming buhay ang patuloy pa ding naaakiti at naaantig ng kwento ng Bibliya. Para lalong maging makabuluhan sa pagkukwento kailangan na ang magkukwento ay taal at lumaki sa sariling bayan, na walang sagabal ng anumang kakaibang punto. Ang pinag sama-samang bahagi ng kwento sa BIbliya, taal na tagapagsalita at panalangin ng mga tao ng Diyos ay nakatutulong upang kahit ang pinaka lumang kwento ng Bibliya ay makakapagbago ng mga buhay sa mundong ito.