1. Ang Pangangailangan ng Magandang Balita
Kung wala ang Mabuting Balita ng Panginoong HesuKristo ang tao ay habang-buhay na hiwalay sa Dios. Ang Magandang Balita ang kapangyarihan ng Diyos para sa Kaligtasan ng lahat ng mananampalataya (Roma 1:16). At, "Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas." (Roma 10:13). "Ang Kaligtasan ay hindi matatagpuan kanino man, sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas." (Gawa 4:12)
2. Pagpapasakop sa Diyos
Ang pananampalataya sa Diyos at ang pagpapasakop sa Kanya ay inihubog na sa bawat hibla ng kanyang misyon mula ng ito'y itatag. Ito ay nakikita sa aming pagtatalaga sa pananalangin bilang pangunahing paraan sa bawat aspeto ng aming misyon. Ang iba pang paraan ay bunga lamang ng panalangin at marapat na sumasang-ayon sa pamantayan ng Kaharian ng Diyos. Hindi namin pinangingilagan ang mga matinding hamon sa aming pangitain. Sa Diyos ay walang imposible.
3. Ang halaga ng pakikinig sa mensahe
"Kaya nga ang pananampalataya ay nakakamit sa pakikinig" (Roma 10:17) Para sa mga hindi nagbabasa, hindi makabasa o hindi makakabasa, ang pakikinig lamang ang maaaring maging paraan upang maiparating sa kanila ang salita ng Dios. Kahit sa karamihang nagbabasa, ang makapakinig ng mensahe, na naisalin sa pamamagitan ng pinaka-angkop na kultura, at kinasihan ng Banal na Ispirito ay maaaring magdulot ng malalim na epekto. Ang mga recordings ang isa sa pinaka-mabisang paraan upang maiparinig ang mensahe sa mga tao.
4. Pagmamalasakit para sa maliliit na lupon ng mga tao
Walang sinoman o anumang lupon ang hindi isinasama sa mga istratehiya ng GRN dahil lamang sa kanilang bilang. Kung masaliksik na kinakailangan ng recordings upang maiparinig ang Magandang balita sa kanila, sa biyaya ng Diyos, sisikapin ng GRN na mapunan ang pangangailangang iyon.
5. Ang kaugalian pasasalamat na may pagpupuri
Isinasapuso namin ang mga kautusan sa Kasulatan na sa lahat ng pagkakataon kami ay mapuspos ng kagalakan at papuri sa lahat ng pagkakataon (1Thess. 5:16-18). Ito ang nasa ng aming puso na makita sa amin ang kagalakan mula sa Panginoon kahit sa mahirap na pagkakataon.