Ang GRN ay isa sa nangunguna sa pagkakaloob ng Kristyanong kagamitan sa audio visuals para sa ebanghelyo at pag didisipulo sa mga lupon ng wika na nasa malayong lugar na hindi pa naaabot sa buong mundo. Aming masidhing hangarin ay makagawa at makapagsalin ng Banal na Kasulatan sa mga lugar kung saan wala pang lokal na Iglesya, o kung saan ay may nasalin o bahagi ng nasaling Banal na Kasulatan na magagamit ngunit iilan lamang, kung mayroon man na nakababasa at nakakaunawa nito.
Ang kagamitang Audio visual ay partikular na mabisang gamit sa pag-eebanghelyo para ipaunawa and Magandang Balita sa pamamagitan ng kwento na tama sa mga hinde marunong bumasa. Maaari ng i-dowload ng libre and mga programa mula sa amin website, at ipamahagi sa pamamagitan ng CD's, email, Bluetooth at iba pa.
Simula pa noong 1939, nakagawa na kami ng mga programa na mahigit pa sa 6,500 na wika. Ito ay mahigit sa 1 wika kada linggo. Karamihan dito ay para sa hindi maabot na grupong wika sa buong mundo.