Hangad ng GRN na papurihan ang Panginoon sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pananalapi, kabilang ang paraan ng pagtanggap at pagpapasiya ng paggastos ng pondo. Kami ay ganap na naniniwala na ang pagtitiwala, mapanalanging puso ay mahalaga sa Panginoon. Kasing halaga din ang integridad at pananagutan kung papaano pangangalagaan ang pondo.
Naniniwala ang GRN na ang Diyos ang ganap na nakakaalam at tutugon sa gawain na ipinagkaloob niya sa amin upang ito ay matupad, at Siya ang pinagmumulan para tugunin ang lahat ng aming mga pangangailangan. Ang aming pananagutan ay hanapin ang Kanyang kalooban at manalangin ng may pagsang ayon sa Kanyang kalooban at pagkatapos ay maghintay ng may kagalakan sa mga inaasahan na Siya ang magbibigay ng lahat ng mga pondo na kailangan upang ang Kanyang kalooban ay matupad.
Kinikilala ng GRN na ang mga tao ng Diyos ang mga karaniwang daluyan na kung saan Siya nagkakaloob upang tugunin ang mga pangangailangan ng trabaho. Kaya, kami ay mayroon ding pananagutan upang makipag-usap sa kanila sa pamamagitan ng panitikan, mga pulong at personal na ugnayan upang sa paraan na ito ay sila ay magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa ministeryo, kabilang ang isang malinaw na paunawa kung paano sila ay maaaring makibahagi.
Kami ay nagbibigay ng mga impormasyon na walang paghingi.
Mga kagamitan ng GRN ay karaniwang ibinebenta sa mababang halaga, at minsan ang gawad ay magagamit. Hindi namin gusto ang sinuman na malimitahan sa pagtanggap sa ebanghelyo dahil lamang sa mga kakulangan sa pananalapi.