Kasakitan ang Pumigil sa Kanya ...
Ang Ministeryo ng Gospel Recordings ay natatag sa Los Angeles noong 1937. Ng mga panahon na yun si Joy Ridderhof ay nakaratay sa kanyang higaan pagkatapos mangaling sa isang malayong lugar bilang misyonaryo mula sa Honduras. Pagkabigo at pagdadalamhati ang kanyang nararamdaman dahil sa naiwan niyang mga mananampalataya- mga tao na karamihan ay hinde marunong bumasa o sumulat at umaasa lamang sa pasalitang mensahe upang ihatid ang katuruan ng pagliligtas ni Hesus.
Isang Bagay na Maaaring Iwan
Kung mayroon lamang syang maaaring iwan na mga narekord na mga mensahe sa kanilang sariling wika sa Espanyol, napakaganda para maging pamana! Sa Ganitong paraan ang mga kasalukuyang mananampalataya ay titibay at tatatag sa kanilang pananampalataya at ang ibang tao ay maaabot... dahil dito, "ang pananampalataya ay nakakamit sa pakikinig at sa pakikinig ng Salita ng Diyos."
Unang Rekording noong 1938!
Salamat sa mga galanteng kaibigan, nagawa ni Joy na makita ang simulaing ito na unti-unting namumunga habang nag re-record ng mga paunang Magandang Balita sa Espanyol noong mga huling araw ng 1938. Sa simula ay para lamang itong ambon ng ulan pero ito ay naging malakas na bagyo na bumabaha sa dami ng mga nagtatanong tungkul sa mga record sa Espanyol hinde lamang yung mula sa Honduras, ngunit higit na madami mula sa mga lugar at bansa na nagsasalita ng Espanyol sa Gitna at ganoon din sa Timog Amerika
Bagong Pangyayari
Ang bagong pangyayari ay nagagnap noong 1940. Tinanong si Joy kung pede sya na gumagawa at magrekord ng Magandang Balita para sa mga taga Navajo Indians sa Arizona. Bawat karagdagang wika ay nagbubunsod sa mas marami pang hiling na mai rekord din sa iba pang wika. Pumayag siya, dahil dito nagkaroon ng kaganapan sa marami ang paghayo sa malawak na lugar - dala ang Magandang Balita hanggang sa dulo ng daigdig.
Sa Kasalukuyan - sa mahigit na 30 Bansa
Ang Gospel Recordings ay nalikha na maging isang pandaigdigang misyon na mayroong mga sentro at himpilan sa mahigit na 30 bansa.
Ang pag-rerekord ay ginagawa sa pasadyang istudyo sa mga bahay sambahan, silid aralan, o kahit sa ilalim ng isang punong kahoy. Ang mga materyal na ito ay ini-edit at sinasamahan ng musika o mga awit, para mas maayos na ihanda bago maipamahagi.
Ang pagbabahagi ay ginagawa ng mga munting lupon ng tao na lumilpat sa ibat-ibang nayon, o sa pamamagitan ng mga misyonaryo o mga simbahan na nakatayo sa partikular na wika na pagbibigyan. Ang mga recording ay mapapakinggan o matatagpuan sa mga klinika, paaralan at sa mga pamilihang bayan. Ang mga taga nayon ay nakakaring (karamihan ay sa unang pagkakataon), ng Salita ng Buhay - sa taal na wika na kanilang nauunawaan.
Ang Hinaharap
Ang Misyon ay patuloy na naghahanap ng paraan na maitaas ang antas ng uri ng kagamitan at paraan upang mas maging epektibo na maabot ang mga tao; may libo-ibong bagong recording na dapat mai-record at mga luma naman na dapat na palitan; mga bagong recordist na sasanayin: at bagong pamamaraan ng pagbabahagi tulad ng makabagong teknolohiya ng mobile phone at ang mga pagpapaunlad nito.
Namamanhikan po kami na suportahan ninyo ang gawain ng GRN sa panalagin para sa mga Kasapi na naglilingkod sa buong daigdig, at sa mga proyekto na kung saan na sila ay magiging bahagi. Ipanalangin din po ninyo ang patuloy na pagdaloy ng mga bagong mangagawa para ganapin ang tungkulin. Napakalaki pa ang dapat gawin upang maibahagi ang Mabuting Balita sa lahat ng mga tribo at wika at ito ay magaganap lamang sa pamamagitan ng suportang panalagin ng mga taong tapat sa Diyos.