Ang Global Recordings Network ay binubuo ng halos 50 operasyon (Mga sentro at Mga himpilan) sa buong mundo, pinaguugnay ng iisang pagtatalaga at adhikain sa Saligang Batas ng GRN.
Ang mga Sentro ay maaaring wala o may kakayahang pananalapi ngunit may sariling pamahalaan sa ilalim ng sariling lokal na Board at ang karamihan sa mga mangagawa at pinuno ay mula sa sariling lokal na lugar din. Ang mga himpilan ay pinamamahalaan sa ilalim ng Sentro na itinalaga sa kanilang pagkakalikha.