Pinadaling Pagbabahagi ng Magandang Balita!
Ang GRN ay nakagawa ng mga sumusunod na Audio visual para sa pagtuturo ng mensahe ng Mabuting Balita ng naayon sa pagkakasalaysay sa Bibliya -
Ang artikulong ito ay nagbibigay ng kaalaman sa ilang mga pamamaraan kung paano magagamit ang mga materyales na ito.
1. Ministeryo sa mga Matatanda
- Pangunahing Pagpapahayag ng Magandang Balita
- Sa mga ospital, bilangguan, paaralan, lugar para sa detensyon atbp.
- Pagbisita sa mga Tahanan
- Pagpapahayag ng Magandang Balita sa liwasan, mga lansangan at lugar pamilihan
- Personal na patotoo
- Pakikipag-ugnayan sa mga taong nagsasalita ng ibang wika
- Panimulang Pagdidisipulo
- Pag-aaral ng Bibliya, Mga Panggrupong Talakayan
- Pagsasanay sa Pagpapahayag ng Magandang Balita
- Pagsasanay at pagbibigay ng mas maraming kaalaman sa mga pastor sa mga kanayunan (lalo na yung naglilingkod sa mga lugar na limitado ang karunungan sa pagbasa at pagsulat at umaasa lamang sa pagsasalita bilang uri ng pakikipag-ugnayan)
2. Ministeryo sa mga Bata
- Pangunahing Pagbabahagi ng Magandang Balita
- Panimulang Pagdidisipulo
- Pagsasanay sa Pagpapahayag ng Magandang Balita
Ang mga audio track at mga larawan ay dinisenyo upang magkasabay na gamitin. Ngunit, may mga pagkakataon din na maaari silang magkahiwalay na gamitin. Ang audio track ay dapat lang gamiting mag-isa kung ito nakadisenyong gamitin sa ganitong layunin at ito ay di tumutukoy sa mga larawan (i.e mayroong mga salin ng script ng Mabuting Balita na maaaring gamitin kung may kasabay na larawan o wala. Ito ay may nakatatak na simbulong ^ (GN^) sa presentastyong audio.)
Ang mga larawan ay maaring gamitin kasabay ng audio track o maaring gamitin ng isang "mangangaral na nagkukwento ng Bibiliya". Maaari silang gamitin ng 'guro´sa isang grupo o kahit sa isang tao. Sa pinaka payak na antas, ang isang gumagamit ng mga materyales (ang tagapahayag) ay kailangan lang malaman ang paggamit ng aparato at ang sabay na pagpapakita ng larawan. Subalit mas maganda kung ang tagapagpahayag ng Magandang Balita ay makikipag ugnayan sa mga nanonood sa pamamagitan ng pagbibigay ng paksang mapag uusapan, pagtatanong at pagbibigay kasagutan at pagbibigay ng marami pang kwento at halimbawa. Kaya nararapat na ang tagapagapahayag ng Magandang Balita ay sanay sa script at maunawaan ang mensahe ng bawat larawan. Makakabuti kung ang nagpapahayag ay magsasanay ng ilang beses bago gamitin ang mga materyales sa aktuwal na presentasyon.
Mga Halimbawa
Ang mga sumusunod na sitwasyon ay halimbawa kung paano magagamit ang mga materyales sa pangunahing pagpapahayag ng Magandang Balita at pagdidisipulo.
Sitwasyon1. "Magkasabay"
Ang audio track ay patuloy na pinatutunog (hanggang ang mga tao ay gustong makinig) habang may isang nagpapakita ng mga larawan sa lahat sa pamamagitan ng pagbuklat sa mga larawan sa tamang pagkakataon kasabay ng salita sa audio track (kadalasan ang pagbuklat ay may kaakibat na tanda na tunog mula sa audio track.
Ang pamamaraang ito ay hindi nangangailangan ng pagsasanay o preparasyon. Maari itong gamitin sa isang indibidwal, sa isang grupo o pamilya, sa isang lupon sa publikong pamilihan, sa isang simbahan, o sa kung saan man na may grupong gustong makinig at manood.
Maaring mag iwan ang tagapagpahayag ng mga kopya ng rekording at mga larawan sa mga tagapakinig upang sila ay makapakinig nang maraming beses. Maari din syang mag iwan ng aparato (playback machine) para dito. Kung maaari ay magandang makabalik ang tagapagpahayag upang kumustahin ang mga nakapakinig; malaman kung naunawaan ba nila, kung sila ba ay nagdesisyong maging tagasunod ni Hesus, o kailangan ba nila ng karagdagang impormasyon at pagtuturo?
Sitwasyon 2. "Serye"
Maaring gawin ng tagapagpahayag na 'serye´ang programa. Kailangan niyang iplano kung saan puputulin ang kwento (halimbawa pagkatapos ng isang larawan o grupo ng larawan) at itigil ang pagpapatunog ng audio sa bawat putol. Maaring sa bawat putol ay magkaroon sya ng pakikipagtalakayan sa mga nakikinig. Maari syang maghanda ng mga tanong upang makarkula ang pagkaunawa. Maari nyang isalaysay ulit ang kwento. Maari din nyang ipasalaysay ang kwentong ipinakinig sa isa sa mga tagapakinig. Maari syang magdagdag ng maikling aral o sariling mensahe at ulit ulitin ang ilang bahagi ng kwento.
Sa sitwasyong ito, ang tagapagpahayag ay maaaring bumalik kinabukasan o sa sususnod na linggo upang ituloy ang presentasyon. Maari nyang gawing serye ang programa sa bawat bahay, sa bawat indibidwal o kahit sa bawat nayon!
Sitwasyon 3. "Interactive"
Ang tagapagpahayag ay maaaring tumigil sa kahit anong saglit upang makipagtalakayan sa mga tagapakinig ayon sa pinakamabuting pagkakataon ayon sa kanyang palagay.
Sitwasyon 4."Walang rekording"
Kung ang tagapagpahayag ay bihasa na sa Bibliya, maari nyang gamitin ang mga larawan at sabihin ang kwento sa kanyang sariling paraan. Maari syang tumigil kung kailan nya naisin at makipagtalakayan sa mga nakikinig at magpatuloy sa tamang sandali.
Sitwasyon 5."Malaking Grupo
Ang mga kagamitan ay maaring gamitin sa pagpapahayag sa mga pampublikong liwasan katulad ng lansangan at pamilihan. Maaring kailanganing gumamit ng pampalakas ng tunog (Extension speakers) at malalaking flip chart ng mga larawan mula sa Bibliya. Anuman sa mga nabanggit na halimbawang situwasyon ay maaaring gamitin para dito.
Paggamit ng Rekording sa pagtuturo at pagpapahayag ng Magandang Balita.
Ihanda ang MGA KAGAMITAN
Orderin ng maaga ang kailangang programa bago ito gamitin.
Suriin ang inyong aparato sa pagpapatugtog (ang paggamit, lakas ng tunog, baterya)
Suriin ang uri ng programa kung ito ba ay naririnig at nauunawaang mabuti ang nilalaman ng mensahe.
Ihanda and iyong SARILI
Ipanalangin ang mga makikinig ng recording ng mensahe.
Pumili ng naaangkop na mensahe bago simulan ang programa.
Pakinggan muna ang programa sa iyong sarili.
Kung makakaya, basahin ang mga talata mula sa Bibliya na ginamit sa programa. Isipin kung ano ang sinasabi sa Bibliya at tumingin ng iba pang basihan o ibang aklat tungkol sa paksa na tinatalakay. I
Maghanda ng mga katanungan, karagdagang ilustrasyon o paliwanag at iba pang puntong maaaring talakayin.
MAHALAGA: Ang programa ay maaaring gamitin kaagad ngunit iwasang umaasa lamang dito! Ang mahusay na paghahanda ay nagbubunga ng maganda at mas mabisang resulta.
Kung mayroong problemang teknikal na hindi malutas ng mag isa, maaaring makipag ugnayan sa GRN para sa tulong.
Ihanda ang MINESTERYO
Kung isang grupo ang gagawa ng programa, gawin ang mga nabanggit na paghahanda kasama ang grupo.
Iplano ang inyong programa:
- Pumili ng magandang oras kung saan ang mga tao ay malayang makakapakinig.
- Humanap ng magandang lugar na malayo sa anumang ingay at kaabalahan.
- Pumili ng magandang lugar upang ilagay ang mga aparato ng pagpapatunog, pampalakas tunog (loud speakers), at mga larawaran at iba pang materyales
- Iplano kung saan uupo ang mga tao upang masiguro ang kanilang partisipasyon.
- Isipin kung paano mahihikayat ang mga tao na lumahok sa pakikinig at talakayan.
Maghanda upang matulungan ang mga tao na tumugon sa mensahe, halimbawa maging handa na akayin sila kay Krsito, anyayahan sila sa iba pang pagkakataon, mag iwan ng mga CD o casette sa kanila.
Magsanay! Ang pinakamabisang paraan upang matuto ay ang pag-eensayo. Kung gagamitin ang mga recording sa grupo, madaling matututunan ang mga mabibisang paraan ng pagpapaliwanag ng mga paksang mahirap maintindihan, pagtatanong ng magagandang katanungan, at pagbibigay ng mas maliliwanag na pagsasabuhay at halimbawa.
Itala ang Paggamit ng mga Materyales
Kung madalas gumamit ng kagamitan ng GRN, magiging malaking tulong ang pagtatala ng mga recording, larawan at aparato na iyong ginagamit, kailan sila ginagamit at saan sila ginagamit.
Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang"Paano gamitin ang Audio visual ng GRN - Ika 2 Bahagi: Pagiging Mas-malalim".