Ang Mabuting Balita ay isang audio visuall ng pagpapahayag ng magandang balita at pagtuturo ng Bibliya. Ito ay nagpapakita ng maikling buod ng Bibliya mula sa Paglikha ng mundo hanggang sa pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Hesu Kristo sa pamamagitan ng 20 larawan kasama ang 20 iba pang larawan ng saligang katuruan ng pamumuhay ng Kristyano. It ay partikular na angkop sa paghahatid ng mensahe ng Magandang Balita at ng saligang katuruan ng mga Kristyano sa mag taong di nakababasa o nakasusulat.
Ang mga larawan ay malilinaw at may magandang kulay upang makahikayat lalo na ng mga hindi pa sanay sa viual na paraan ng pagtuturo. Tingnan ang iskrip at ang halimbawang larawan dito.
Na record na Audio
Ang mga recording ng pagsasalaysay ay nakasalin at maaring gamitin sa mahigit na 1300 wika at nakalaang iparinig kasabay ng pagpapakita ng mga larawan. Ang pagpapalabas at pagpapatugtog ay maaring itigil at ibalik kung kinakailangan upang magbigay ng oras na sagutin ang mga katanungan o kung kinakailangan ang mas mahabang pagpapaliwanag.
Hanggat maari, ang mga recording ay ginagawa at isinalasalaysay ng mga taong taal na nakatira at iginagalang sa lokal na komunidad. Paminsan minsan ay naglalagay din ng mga katutubong awit at musika sa pagitan ng pagpapalabas ng mga larawan. Gumagamit din ng ibat ibang paraan ng pagsusuri upang matiyak ang kawastuhan ng pagsasalin at paghahatid ng mensahe.
Ang mga recording ay maaring makuha sa MP3 na pormat o kaya ay sa CD at cassette na pormat. (Hindi lahat ng pormat ay mayroon sa bawat lahat ng wika)
Mga Nakalimbag na Materyales
Flip chart
Ang mga ito ay may sukat na A3 (420mm x 300mm o 16.5" x 12") at naka "spiral bound" sa taas na bahagi upang madaling buklatin. Ito ay angkop sa pagtuturo sa malaking grupo ng tao
Malit na Aklat
Ang mga ito ay may sukat na A5 (210mm x 140mm o 8.25" x 6") at naka isteypler. Ito ay angkop sa pagtuturo ng maliit na grupo at pang indibidwal na gamit.
Maliliit na Aklat
Ang mga ito ay may sukat na A7(cassette) (110mm x 70mm o 4.25" x 3"), at maganda para sa pang indibidwal na gamit
Mga nakasulat na talata
Ang mga ito ay maaring makita sa internet sasimpleng Ingles at Pranses, Espanyol at iba pang mga wika.
Ang mga talatang ito ay panimulang batayan ng pagsasalin at pagrerecord sa ibang mga wika. Sila ay kailangang iangkop sa wika, kultura at paraan ng pag-iisip ng mga tao. Ang ilang mga salita at konseptong ginamit ay maaaring kailangan pa ng mas buong paliwanag o maari ding alisin sa ibang kultura. Maaari ding gumamit ng mga angkop na lokal na kwento at aktuwal na aplikasyon sa buhay upang idagdag sa iskrip upang mas maayos na maipahatid ang pangunahing katuruan ng bawat isang kwento.
Bag na lagayan ng Flip chart
Ang mga bag na ito ay maaring gamitin na lalagyan ng mga flip chart at iba pang materyales upang madali itong mabuhat at madala.
Mga Larawan Hango sa Bibliya Clip art
Ito ay CD na naglalaman ng lahat ng larawan mula sa "Mabuting Balita" at maging buhat sa"Magmasid, Makinig& Mabuhay" at "Ang Buhay na Kristo" Magmasid, Makinig & Mabuhay" na serye ng mga larawan. Ang mga imahe ay nasa mataas na resolusyon na itim & puti TIFF files para sa pag-imprenta (hanngang sa sukat na A4 na may 300 DPI), at sa katamtamang resolusyon na may kulay na JPEG files para sa pang displey sa computer (sa 900x600 pixels) o kaya ay pang imprenta (hanggang sa A7 na sukat na may 300 DPI). Ang mga talata at iba pang materyales ay nakalagay din sa CD.