!["Ang Buhay na Kristo" audio-visual](https://static.globalrecordings.net/images/avatars/thelivingchrist.jpg)
Ang serye ng Buhay na Kristo ay mga larawan hango sa Bibliya na nagpapahayag ng Buhay ni Kristo, mula sa Paglikha ng daigdig hanggang sa kanyang muling Pagbabalik. Ito ay partikular na angkop sa pagpapahayag ng Magandang Balita ng Panginoon at mga pangunahing katuruang Kristyano sa mga taong hindi nakakabasa o nakakasulat. Ang mga larawan ay malinaw at may matitingkad na mga kulay upang mahikayat ng mga tao lalo na yung mga hindi pa nakararanas ng ganitong uri ng visual na pagpaphayag ng pagtuturo. r
Audio Recordings
Ang mga recording ng pagsasalaysay ay nakasalin at maaring gamitin sa ibat ibang wika at nakadisenyong iparinig kasabay ng pagpapakita ng mga larawan. Ang pagpapalabas at pagpapatugtog ay maaring itigil at ibalik kung kinakailangan upang magbigay ng oras na sagutin ang mga katanungan o kung kinakailangan ang mas malalim na pagpapaliwanag.
Hanggat maari, ang mga recording ay ginagawa at isinalasalaysay ng mga taong taal na nakatira at iginagalang sa lokal na komunidad. Paminsan minsan ay naglalagay din ng mga katutubong awit at musika sa pagitan ng pagpapalabas ng mga larawan. Gumagamit din ng ibat ibang paraan ng pagsusuri upang matiyak ang kawastuhan ng pagsasalin at paghahatid ng mensahe.
Ang mga recording ay maaring makuha sa MP3 na format o kaya ay sa CD at cassette na format. (Hindi lahat ng format ay mayroon sa lahat ng bawat wika)
Mga Nalimbag na Materyales
Ang Kalipunan ng Larawan
Mayroong 120 na magkakahiwalay na pahina ng mga may kulay na larawan sa sukat na A4 (300mm x 215mm o 12"x8.5") na kayang umangkop sa kahit anong 2, 3 o 4 na ring binder.Ang kalipunan ng larawan ay mayroon ding kasamang script sa simpleng Ingles.Kasama din ay isang kalipunan ng maiikling script, na nagpapakita ng ilang piling paksa sa buhay ng ating Panginoong Hesu Kristo, halimbawa ay ang mga Himala na ginawa ng Panginoong Hesus, na magandang gamitin sa pagtuturo sa maraming pagkakataon.
Mga script
Ang buong script ay maaring makuha sa internet sasimpleng Ingles.
Mayroon ding dalawampung aralin na may ibat ibang paksa, at bawat isang aralin ay may kasamang mga piling larawan.
- Ang Kapanganakan ng Panginoong Hesu Kristo
- Ang Kamatayan ng Panginoong Hesu Kristo
- Ang Pagkabuhay na muli ng Panginoong Hesu Kristo
- Ang Buhay na Kristo ay Babalik
- Ang Buhay na Kristo ay Naghahanap ng mga Naliligaw
- Ang Buhay na Kristo ay Mas Makapangyarihan kaysa Kamatayan
- Ang tagumpay ng Panginoong Hesu Kristo laban kay Satanas
- Ang Panginoong Hesu Kristo ang ating Mabuting Pastol
- Ang Katuruan ng Panginoong Hesu Kristo tungkol sa Pagdarasal
- Ang Ilaw ng Sanlibutan
- Paano tayo magiging Kalugod lugod sa Diyos
- Ang Buhay na Kristo at ang Kapatawaran
- Ang Buhay na Kristo at Ang Salita ng Diyos- Unang Bahagi
- Ang Buhay na Kristo at Ang Salita ng Diyos- Ikalawang Bahagi
- Ang Buhay ng Kristo ay nagpapakita kung pano tayo Kinakalinga ng Diyos
- Sino si Hesus?- Unang Bahagi
- Sino si Hesus - Ikalawang bahagi
- Ipinakita ng Buhay na Kristo ang Daan Patungo sa Langit
- Paglago sa Buhay Kristyano
- Ang Buhay na Kristo ay Nangaral tungkol sa Kaligtasan
Ang lahat ng mga script na ito ay panimulang batayan ng pagsasalin at pagrerecord sa ibang mga wika. Sila ay kailangang iangkop sa wika, kultura at paraan ng pag iisip ng mga tao. Ang ilang mga salita at konseptong ginamit ay maaaring kailangan pa ng mas buong paliwanag o maari ding alisin para sa ibang kultura. Maaari ding gumamit ng mga angkop na lokal na kwento at aktuwal na aplikasyon sa buhay upang idagdag sa script upang mas maayos na maipahatid ang pangunahing katuruan ng bawat isang kwento.
Mga Larawan Hango sa Bibliya Clipart
Ito ay CD na naglalaman ng lahat ng larawan mula sa "Ang Buhay na Kristo" at maging galing sa"Mabuting Balita" at "Magmasid, Makinig; Mabuhay"na serye ng mga larawan. Ang mga imahe ay nasa mataas na resolusyon na itim & putiTIFF files para sa pag-lilimbag (hanngang sa sukat na A4 na may 300 DPI), at sa katamtamang resolusyon na may kulay sa JPEG files para sa display sa computer (1620 x 1080 pixels) o kaya ay pag lilimbag (hanggang sa A5 na sukat na may 300 DPI). Ang mga script at iba pang materyales ay nakalagay din sa CD.