unfoldingWord 28 - Ang Mayamang Pinuno
Grandes lignes: Matthew 19:16-30; Mark 10:17-31; Luke 18:18-30
Numéro de texte: 1228
Lieu: Tagalog
Audience: General
Objectif: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Statut: Approved
Les scripts sont des directives de base pour la traduction et l'enregistrement dans d'autres langues. Ils doivent être adaptés si nécessaire afin de les rendre compréhensibles et pertinents pour chaque culture et langue différente. Certains termes et concepts utilisés peuvent nécessiter plus d'explications ou même être remplacés ou complètement omis.
Corps du texte
Isang araw may isang mayamang pinuno na lumapit kay Jesus at nagtanong, “Mabuting guro, ano ba ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinawag na mabuti? Isa lang ang mabuti, ang Diyos. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan dapat mong sundin ang mga utos ng Diyos.”
“Ano sa mga utos ng Diyos ang dapat kong sundin?” tanong ng pinuno. Sumagot si Jesus, “Huwag kang papatay, magnanakaw, magsisinungaling at mangangalunya. Igalang mo ang iyong ama at ina at mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa sarili mo.”
Ngunit sumagot ang mayamang pinuno, “Sinunod ko naman lahat ng mga utos na iyan mula pa sa pagkabata ko. Ano pa ba ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Nahabag si Jesus habang nakatingin siya sa mayamang pinuno.
Sinabi ni Jesus, “Kung gusto mo talagang maging matuwid na tao, ibenta mo lahat ng kayamanan mo at ipamigay sa mahihirap ang pera at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit, pagkatapos mong gawin iyon bumalik ka at sumama sa akin.”
Nang marinig niya ito, labis siyang nalungkot dahil napakayaman niya. Ayaw niyang ibenta at ipamigay ang mga kayamanan niya kaya umalis siya at iniwan si Jesus.
Sinabi ni Jesus sa mga apostol, “Talagang napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos. Totoong mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos.”
Nagulat ang mga apostol sa sinabi ni Jesus, kaya sinabi nila,“Kung ganoon, sino ang mga maliligtas?”
Tinignan ni Jesus ang mga apostol at sinabi, “Imposible ito sa mga tao pero sa Diyos posible ang lahat ng bagay.”
Sinabi ni Peter kay Jesus, “Iniwan na namin ang lahat ng pag-aari namin at sumama na kami sa iyo. Ano naman ang matatanggap naming gantimpala?”
Sumagot si Jesus, “Sinumang handang iwan ang kanilang bahay, ama, ina, kapatid, o mga ari-arian dahil sa akin ay tatanggap ng 100 na ulit pa at magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nahuhuli ang mauuna, at maraming nauuna ang mahuhuli.”