unfoldingWord 23 - Ang Kapanganakan ni Jesus
概要: Matthew 1-2; Luke 2
文本编号: 1223
语言: Tagalog
听众: General
目的: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
状态: Approved
脚本是翻译和录制成其他语言的基本指南,它们需要根据实际需要而进行调整以适合不同的文化和语言。某些使用术语和概念可能需要有更多的解释,甚至要完全更换或省略。
文本正文
Nakatakda nang makasal si Mary sa mabuting taong si Joseph. Nang malaman niya na buntis si Mary alam niyang hindi niya anak iyon kaya binalak niya itong hiwalayan ng palihim para hindi siya mapahiya. Bago pa man niya gawin iyon, kinausap siya ng anghel sa panaginip niya.
Sinabi ng anghel kay Joseph, “Huwag kang matakot na pakasalan si Mary dahil nabuntis siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at lalaki ang magiging anak niya. Jesus ang ipangalan niyo kanya (Yahweh na nagliligtas ang ibig sabihin) dahil siya ang magligligtas sa mga tao mula sa mga kasalanan nila.”
Kaya pinakasalan nga ni Joseph si Mary at isinama niya sa bahay nila pero hindi sila magkatabing natutulog hanggang manganak si Mary.
Malapit ng manganak si Mary ng mga panahong inutos ng pamahalaang Romano sa lahat ng mga tao na umuwi sila sa kani-kanilang bayan kung saan tumira ang mga ninuno nila para maibilang sa sensus kaya umalis si Mary at Joseph mula sa Nazareth kung saan sila nakatira. Naglakbay sila ng malayo papunta sa Bethlehem dahil doon tumira si David na ninuno nila.
Nang dumating sila sa Bethlehem, wala silang matuluyan na bahay. Ang nahanap lang nilang pwedeng matuluyan ay silungan ng mga hayop. Doon na niya naipanganak ang sanggol. Inihiga nila ang sanggol sa lalagyan ng pagkain ng mga hayop dahil walang higaan para sa kanya. Pinangalanan nila siyang Jesus.
Nang gabing iyon may mga pastol sa malapit na nagbabantay ng mga tupa nila. Nang biglang may nagpakitang nagliliwanag na anghel sa kanila kaya natakot sila. Sinabi sa kanila ng anghel, “Hindi kayo dapat matakot dahil may mabuti akong balita para sa inyo. Ipinanganak na ang Messiah, ang Panginoon, sa Bethlehem!”
“Pumunta kayo para hanapin ang sanggol at makikita niyo siya na nababalot ng lampin at nakahiga sa lalagyan ng pagkain ng mga hayop.” Biglang nagkaroon ng mga napakaraming nagpupuring anghel, halos takpan na nila ang kalangitan. Sinabi nila, “Kaluwalhatian sa Diyos ng langit. Kapayapaan sa mundo para sa mga taong kinalulugdan ng Diyos!”
Lumipas ang panahon, dumating nga ang mga pastol sa lugar kung nasaan si Jesus at nakita nila siyang nakahiga sa lalagyan ng pagkain ng mga hayop gaya ng sinabi ng anghel. Sobra silang natuwa at bumalik sila sa pastulan ng mga hayop at pinuri nila ang Diyos sa mga narinig at nakita nila.
Sa malayong bayan ng Silangan, may mga lalaking dalubhasa at nakakita sila ng naiibang bituin sa kalangitan. Naisip nila na ang ibig sabihin nito ay maaaring ipinanganak na nga ang bagong Hari ng mga Hudyo kaya pumunta sila para makita ang haring ito kahit na napakalayo ng kailangan nilang lakbayin. Nakarating sila sa Bethlehem at nakita nila ang tirahan nila Jesus at ng mga magulang niya.
Nang makita ng mga lalaking dalubhasa si Jesus kasama ng kanyang ina lumuhod sila at sumamba kay Jesus. Nagbigay sila ng mga mamahaling regalo sa kanya at saka umuwi.