unfoldingWord 25 - Tinukso ni Satan si Jesus
Esquema: Matthew 4:1-11; Mark 1:12-13; Luke 4:1-13
Número de guión: 1225
Idioma: Tagalog
Audiencia: General
Propósito: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Estado: Approved
Los guiones son pautas básicas para la traducción y grabación a otros idiomas. Deben adaptarse según sea necesario para que sean comprendidas y relevantes para cada cultura e idioma diferentes. Algunos términos y conceptos utilizados pueden necesitar más explicación o incluso ser reemplazados o omitidos por completo.
Guión de texto
Pagkatapos mabawtismuhan si Jesus, ginabayan siya ng Banal na Espiritu para magpunta sa ilang. Nag-ayuno siya doon ng 40 na araw at 40 na gabi. Dumating naman si Satan at sinubukan niyang tuksuhin si Jesus na magkasala.
Tinukso ni Satan si Jesus at sinabing, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos gawin mong tinapay ang mga batong ito para makakain ka.”
Sumagot naman si Jesus, “Nakasulat sa salita ng Diyos na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang mga tao kundi sa bawat salitang nanggagaling sa bibig ng Diyos.”
Pagkatapos dinala ni Satan si Jesus sa pinakamataas na bahagi ng Templo at sinabi ni Satan, “ kung ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka dahil nakasulat din naman sa Salita ng Diyos na uutusan niya ang mga anghel niya para saluhin ka para hindi man lang sumayad ang mga paa mo sa mga bato.”
Pero sumagot si Jesus na gamit din ang salita ng Diyos at sinabi, “Nakasulat din sa Salita ng Diyos na iniutos niya sa mga tao ‘huwag mong subukin ang Panginoong mong Diyos.”’
Pagkatapos, ipinakita ni Satan kay Jesus ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kapangyarihan at yaman ng mga ito. Sinabi niya, “Ibibigay ko sa iyo lahat ng ito kung luluhod ka sa harapan ko at sambahin mo ako.
Sumagot si Jesus, “Layuan mo ako Satan! Ayon sa Salita ng Diyos, ‘Tanging ang Panginoon mong Diyos lang ang dapat mong sambahin at sa kanya lang dapat maglingkod.”’
Hindi hinayaan ni Jesus na matukso siya ni Satan kaya iniwan siya nito. Dumating naman ang mga anghel at pinaglingkuran si Jesus.