unfoldingWord 44 - Pinagaling ni Peter at John ang Lumpo
概要: Acts 3-4:22
文本編號: 1244
語言: Tagalog
聽眾: General
目的: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
狀態: Approved
腳本是翻譯和錄製成其他語言的基本指南,它們需要根據實際需要而進行調整以適合不同的文化和語言。某些使用術語和概念可能需要有更多的解釋,甚至要完全更換或省略。
文本文字
Isang araw pumunta sina Peter at John sa Templo. Habang papalapit sila sa pasukan ng templo may nakita silang isang lumpong lalaki na namamalimos.
Pinagmasdan ni Peter ang lalaking lumpo at sinabi niya, “Wala akong perang maibibigay pero ito ang maari kong gawin sa iyo!” Nagsalita siya at sinabing, “Sa ngalan ni Jesus tumayo ka at lumakad!”
Agad na pinagaling ng Diyos ang lumpong lalaki. Naglakad lakad siya, tumalon-talon at pinuri niya ang Diyos. Namangha ang mga tao na nasa labas ng Templo.
Kaagad na pumunta ang maraming tao para tingnan ang gumaling na lumpo. Sinabi ni Peter sa mga tao, “Bakit kayo namangha na gumaling ang lalaking ito? Hindi siya gumaling dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabutihan kundi gumaling siya dahil sa kapangyarihan ni Jesus at dahil sa pananampalataya niya sa kanya.”
“Kayo ang nagsabi sa gobernador na si Pilate na patayin si Jesus. Pinatay niyo ang pinagmulan ng buhay, pero binuhay siyang muli ng Diyos. Hindi niyo alam kung ano ang nagawa niyo pero ginamit iyon ng Diyos para matupad ang propesiya na papahirapan ang Messiah at mamamatay kaya dapat magsisi kayo at sumunod sa Diyos para malinis ang mga kasalanan ninyo.”
Hindi natuwa ang mga pinuno ng Templo sa mga sinabi nina Peter at John kaya hinuli sila at ikinulong. Pero marami sa mga tao ang naniwala sa ipinangaral ni Peter at umabot sa 5,000 na katao ang naidagdag sa naniwala kay Jesus.
Kinabukasan dinala ng mga pinuno ng mga Hudyo sina Peter at John sa pinakapunong pari at sa mga iba pang pinuno ng relihiyon. Tinanong nila sina Peter at John “Anong kapangyarihan ang ginamit niyo para pagalingin ang lumpo?”
Sinagot sila ni Peter, “Gumaling ang lalaking iyon dahil sa kapangyarihan ni Jesus, ang Messiah. Ipinako niyo siya sa krus pero binuhay siyang muli ng Diyos! Hindi niyo siya tinanggap pero walang ibang paraan para maligtas kundi sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesus.”
Nagulat ang mga pinuno sa katapangan ng pananalita nila Peter at John dahil nakita naman nilang mga karaniwang tao lang sila at ni hindi nakapag-aral pero naalala nilang nakasama nila si Jesus. Pagkatapos nilang pagbantaan sina Peter at John pinalaya rin sila.