Pinapayapa ni Jesus ang bagyo
Grandes lignes: Story of Christ asleep in the boat, etc. from Matt.8. Application for the unsaved. Prayer of repentance. Two narrators take turns talking.
Numéro de texte: 065
Langue: Tagalog
Thème: Sin and Satan (Sin, disobedience); Christ (Saviour of Sinful Men); Character of God (Power of God / Jesus); Living as a Christian (Faith, trust, believe in Jesus); Eternal life (Rest for our souls, Heaven); Problems (Fear, Problems, troubles, worries)
Audience: General
Objectif: Evangelism
Features: Monolog; Bible Stories; Extensive Scripture
Statut: Approved
Les scripts sont des directives de base pour la traduction et l'enregistrement dans d'autres langues. Ils doivent être adaptés si nécessaire afin de les rendre compréhensibles et pertinents pour chaque culture et langue différente. Certains termes et concepts utilisés peuvent nécessiter plus d'explications ou même être remplacés ou complètement omis.
Corps du texte
Victor: Noong si Jesus ay nandito pa sa lupa, noong naglalakad sya sa tabi ng dagat. Madaming tao ang gustong lumapit sa kanya dahil pinagagaling nya ang mga may sakit, mga lumpo, at mga bulag. Kinakausap nya ang mga ito at tinuruan nya sila tungkol sa maraming bagay, at sa paghahari ng Diyos...lagi nyang sinasabi na mahal sila ng Diyos.
Minsan, isang gabi, si Jesus at ang mga disipulo nya ay nagpunta sa kabila ng dagat sa pamamagitan ng maliit na bangka. Si Jesus ay napagod pagkatapos ng mahabang araw nyang pakikipag usap sa maraming tao. Si Jesus ay nagpunta sa bandang likod ng bangka, nahiga, at madaling nakatulog.
Biglang ang ihip ng hangin ay lumakas. (Pause 3 seconds) Biglang ang malakas na bagyo ay dumating. Ang malalaki at matataas na alon, at dahil dito ay nagkatubig sa loob ng bangka. Natakot ang mga disipulo, dahil lalong lumalakas ang bagyo. (Pause 3 sec.) Pero si Jesus ay tulog pa rin. Pero ang mga disipulo ay hindi na mapakali. Ginising nila si Jesus...”Sabi nila...Panginoon, lumulubog na tayo, iligtas mo kami!” Nakita ni Jesus ang malalaking alon, pero ang sabi nya sa kanila, “Bakit kayo natatakot?" At sya ay tumayo at sinabi nya sa mga alon at malakas na hangin, “Pumayapa kayo!: (Pause 3 sec.) At agad...ang lahat ay biglang tumahimik. Walang alon, hangin, at bagyo. Lahat ay tumahimik. At lahat sila ay ligtas. At sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo: (Jesus voice) "Bakit kayo ay natatakot? Bakit kayo ay mga walang pananampalataya?" At lahat sila ay nagulat, na kahit na ang dagat, at ang hangin ay sumusunod sa utos ni Jesus.
Rose: Tayo, bilang tao, ay maraming kasalanan at kasamaan sa ating puso. At kapag tayo ay may problema, madalas, tayo ay natatakot na para bang tayo ay nasa gitna ng isang malakas na bagyo. Ang sabi ng salita ng Diyos...."Maniwala ka kay Jesus at ikaw ay maliligtas, at ikaw ay kanyang tutulungan.”
Victor: Si Jesus ay pumunta dito sa lupa upang tayo ay tulungan. Tayo ay ililigtas nya sa ating mga kasalanan. Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Pero tayo ay maililigtas ni Jesus. Bibigyan nya tayo ng kapayapaan sa ating puso....
Rose: Gusto mo bang iligtas ka nya sa iyong mga kasalanan? Sabihin mo sa kanya, “Panginoon, iligtas mo ako sa aking mga kasalanan at gawin mo akong iyong anak.” Ama mo, Nakikinig sya at sasagutin nya ang iyong panalangin. Bibigyan ka nya ng kapayapaan sa puso mo..hindi mo na kailangan pang matakot, dahil lagi ka niyang gagabayan. Lagi ka nyang ipagtatanggol at iingatan. Lagi ka nyang tutulungan sa mga problema mo sa buhay...at pag tapos na ang buhay mo dito sa lupa, ikaw ay dadahin nya sa kanyang kaharian.
Victor: Ang sabi ni Jesus... “Lumapit kayo sa akin, kayo na nahihirapan at nabibigatan, at kayo ay magkakaroon ng kapahingahan...humayo ka, ako ay laging sumasaiyo. Huwag kang mag alala....manampalataya ka!!”
Ariort'ow ni Tunog: tubig at hangin; bagyo; hindi pag-imik.
Marcos 4:40; Mga Gawa 16:3l; Mateo11:28.