unfoldingWord 26 - Sinimulan ni Jesus ang kanyang Paglilingkod

unfoldingWord 26 - Sinimulan ni Jesus ang kanyang Paglilingkod

Uhlaka: Matthew 4:12-25; Mark 1-3; Luke 4

Inombolo Yeskripthi: 1226

Ulimi: Tagalog

Izilaleli: General

Inhloso: Evangelism; Teaching

Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture

Isimo: Approved

Imibhalo ayiziqondiso eziyisisekelo zokuhunyushwa nokuqoshwa kwezinye izilimi. Kufanele zishintshwe njengoba kunesidingo ukuze ziqondakale futhi zihambisane nesiko nolimi oluhlukene. Amanye amagama nemiqondo esetshenzisiwe ingase idinge incazelo eyengeziwe noma ishintshwe noma ikhishwe ngokuphelele.

Umbhalo Weskripthi

Pagkatapos pagtagumpayan ni Jesus ang panunukso sa kanya ni Satan, bumalik siya sa tulong ng Banal na Espiritu sa Galilee kung saan siya nakatira. Pumunta siya sa iba’t ibang lugar para magturo. Pinuri siya ng mga taong nakarinig sa kanya.

Pumunta si Jesus sa bayan ng Nazareth kung saan siya tumira nung bata pa siya. Sa Araw ng Pamamahinga, pumunta siya sa lugar kung saan sumasamba ang mga tao. Ibinigay sa kanya ang nakarolyong kasulatan ng Propetang si Isaiah para basahin. Binuklat ito ni Jesus at binasa niya sa mga tao ang ilang nakasulat doon.

Binasa ito ni Jesus, “Pinagkaloob sa akin ng Diyos ang Espiritu niya para masabi ko ang mabuting balita sa mga mahihirap, kalayaan para sa mga nabihag, kagalingan sa mga bulag at para na rin makalaya ang mga pinahihirapan dahil ito ang panahong mararanasan ng mga tao ang kabutihan ng Diyos.”

Pagkatapos ay umupo si Jesus. Nakatingin sa kanya lahat ng naroon. Alam nilang tungkol sa Messiah ang binasa niya. Kaya sinabi ni Jesus, “Ang mga bagay na binasa ko sa inyo ay nangyayari na sa mga oras na ito”. Namangha lahat ng mga tao doon at sinabi nila, “Hindi ba’t siya ang anak ni Joseph?”

Pagkatapos sinabi ni Jesus, “Totoo ngang hindi talaga tinatanggap ang isang propeta sa sarili niyang bayan. Noong panahon ng propetang si Elijah, maraming babaeng balo sa Israel. Nang hindi umulan sa loob ng tatlo’t kalahating taon, hindi pinapunta ng Diyos si Elijah para tumulong sa isang balo sa Israel kundi pinapunta siya para tumulong sa isang babaeng balo na taga ibang bansa.

Pinagpatuloy ni Jesus ang pagsasalita, “Noong panahon ng propetang si Elisha marami din sa Israel ang may sakit sa balat pero hindi pinagaling ng propeta ang kahit isa sa kanila. Si Naaman lang na kapitan ng mga kaaway ng Israel ang pinagaling ni Elisha.” Mga Hudyo ang nakikinig kay Jesus kaya nagalit sila sa kanya nang marinig nila ang mga sinabi niya.

Kinaladkad ng mga taga Nazareth si Jesus palabas mula sa pinagsasambahan ng mga tao para dalhin sa gilid ng bangin para ihulog doon at mamatay pero lumakad lang si Jesus palayo sa kalagitnaan ng maraming tao. Umalis siya sa bayan ng Nazareth.

Nilibot ni Jesus ang rehiyon ng Galilee at maraming tao ang sumunod sa kanya. Dinala nila kay Jesus ang mga maysakit at may kapansanan pati ang mga bulag, pilay, bingi at pipi. Pinagaling silang lahat ni Jesus.

Marami ring mga taong sinapian ng mga demonyo ang dinala kay Jesus. Lumabas ang mga demonyo sa mga sinapian nila sa utos ni Jesus at ang kadalasan nilang isinisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Maraming tao ang humanga sa kanya at sumamba sila sa Diyos.

Pagkatapos ay pumili si Jesus ng labindalawang lalaki at tinawag niya silang mga apostol. Sumama sila sa mga pinupuntahan niya at natuto sila kay Jesus.

Ulwazi oluhlobene

Free downloads - Here you can find all the main GRN message scripts in several languages, plus pictures and other related materials, available for download.

The GRN Audio Library - Evangelistic and basic Bible teaching material appropriate to the people's need and culture in a variety of styles and formats.

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares it's audio, video and written scripts under Creative Commons