unfoldingWord 15 - Ang Lupang Pangako
Uhlaka: Joshua 1-24
Inombolo Yeskripthi: 1215
Ulimi: Tagalog
Izilaleli: General
Inhloso: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Isimo: Approved
Imibhalo ayiziqondiso eziyisisekelo zokuhunyushwa nokuqoshwa kwezinye izilimi. Kufanele zishintshwe njengoba kunesidingo ukuze ziqondakale futhi zihambisane nesiko nolimi oluhlukene. Amanye amagama nemiqondo esetshenzisiwe ingase idinge incazelo eyengeziwe noma ishintshwe noma ikhishwe ngokuphelele.
Umbhalo Weskripthi
Sa wakas panahon na para pumasok ang mga Israelita sa Canaan, ang Lupang Ipinangako. Pinapunta ni Joshua ang dalawang espiya para tignan ang lungsod ng Jericho na protektado ng matibay na pader. Sa loob ng lungsod, may nakatirang isang babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw, si Rahab. Itinago niya ang dalawang espiya at saka niya pinatakas. Ginawa niya iyon dahil naniniwala siya sa Diyos. Ipinangako nilang ililigtas nila si Rahab at ang pamilya niya kapag sinalakay na nila ang Jericho.
Kailangan tumawid ng mga Israelita sa Ilog Jordan bago sila makapasok sa Lupang Ipinangako. Sinabi ng Diyos kay Joshua, “Paunahin mo muna ang mga pari.” Nang tumapak ang mga pari sa Ilog Jordan, biglang huminto ang pagdaloy ng tubig sa ilog at natuyo ito at nakatawid sila sa kabilang pampang.
Nang nakatawid na ang mga Israelita sa Ilog Jordan, ipinaliwanag ng Diyos kay Joshua kung paano nila lulusubin at masasakop ang makapangyarihang lungsod ng Jericho. Sinunod ng mga tao ang sinabi ng Diyos. Nagmartsa ang mga kawal at mga pari paikot sa Jericho. Ginawa nila ito isang beses sa isang araw sa loob ng anim na araw.
Sa ikapitong araw, pitong beses pa na nagmartsa paikot sa lungsod ang mga Israelita. Sa ikapitong pag-ikot nila, nagsigawan ang mga kawal. Hinipan naman ng mga pari ang mga trumpeta nila.
Biglang gumuho ang pader ng Jericho! Sinira ng mga Israelita ang lahat ng makita nila sa lungsod, gaya ng utos sa kanila ng Diyos. Si Rahab lang at ang kanyang pamilya ang iniligtas nila na naging kabahagi na ng Bayang Israel. Natakot ang iba pang mga nakatira sa Canaan nang mabalitaan nila ang pagsira ng mga Israelita sa Jericho. Natakot sila na baka sila ang susunod na salakayin ng mga Israelita.
Iniutos ng Diyos sa mga Israelita na huwag silang makipagkasundo sa kahit anong lahi na nakatira sa Canaan. Pero may isang lahi mula sa Canaan na taga-Gibeon ang nagsinungaling kina Joshua. Sinabi nilang mula pa sila sa malayong lugar. Sinabi nila na gusto nilang makipagkasundo kina Joshua. Pumayag sina Joshua at ang mga Israelita na gumawa sila ng kasunduan nang hindi muna nagtatanong sa Diyos kung saan talaga galing ang lahing ito
Nagalit ang mga Israelita nang malaman nila na niloko sila ng mga taga-Gibeon pero nanatili ang kasunduan nila dahil pangako iyon sa harapan ng Diyos. Di nagtagal, nabalitaan ng mga haring Amoreo na isang lahi sa Canaan na nakipagkasundo ang mga taga-Gibeon sa mga Israelita. Pinagsanib nila ang mga sundalo nila at nakabuo ng malaking pwersa. Sinalakay nila ang mga taga-Gibeon. Nagpadala naman ang mga taga-Gibeon ng mensahe kay Joshua na nanghihingi sila ng tulong.
Kaya tinipon ni Joshua ang sundalo ng Israel at naglakad sila buong gabi para makarating sa kinaroroonan ng mga taga-Gibeon. Nang mag-umaga na, binigla nila ang mga sundalo ng mga Amoreo at sinalakay nila ang mga ito.
Ang Diyos ang lumaban para sa Israel nang araw na iyon. Nilito ng Diyos ang mga Amoreo at nagpaulan siya ng malalaking tipak ng mga yelo na pumatay ng marami sa kanila.
Pinahinto din ng Diyos ang araw. Hindi ito lumubog para magkaroon ng sapat na oras ang mga Israelita para tuluyang matalo ang mga Amoreo. Isang malaking tagumpay ang ginawa ng Diyos para sa Israel nang araw na iyon.
Matapos talunin ng Diyos ang mga hukbong iyon, may iba’t iba pang mga lahi ng tao sa Canaan ang nagsanib-pwersa para salakayin ang Israel. Nilabanan naman nila Joshua at ng mga Israelita ang hukbong ito at pinagpapatay sila.
Pagkatapos ng labanan, binigyan ng Diyos ang bawat tribo ng Israel ng kanya kanyang bahagi sa lupaing ipinangako ng Diyos at sa tulong din ng Diyos naging mapayapa ang buong Israel at mga kalapit bansa.
Nang tumanda na si Joshua, tinipon niya lahat ng mga Israelita. Ipinaalala niya sa mga tao ang tungkulin nila sa pagsunod sa kasunduan nila sa Diyos na ginawa sa Bundok ng Sinai. Nangako naman ang mga tao na mananatili silang tapat sa Diyos at susundin nila ang mga kautusan niya.