unfoldingWord 37 - Binuhay ni Jesus si Lazarus
概要: John 11:1-46
文本編號: 1237
語言: Tagalog
聽眾: General
目的: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
狀態: Approved
腳本是翻譯和錄製成其他語言的基本指南,它們需要根據實際需要而進行調整以適合不同的文化和語言。某些使用術語和概念可能需要有更多的解釋,甚至要完全更換或省略。
文本文字
Isang araw nabalitaan ni Jesus na may malubhang sakit si Lazarus. Malapit na kaibigan ni Jesus si Lazarus pati na ang mga kapatid niyang sina Martha at Mary. Nang malaman ito ni Jesus sinabi niya, “Hindi hahantong sa kamatayan ang pagkakasakit ni Lazarus kundi ito pa ang magiging dahilan para purihin ng mga tao ang Diyos. Mahal ni Jesus ang mga kaibigan niya pero nanatili pa siya ng dalawang araw kung nasaan siya.”
Pagkatapos ng dalawang araw sinabi ni Jesus sa mga apostol, “Bumalik na tayo sa Judea.” Sinabi naman ng mga apostol, “Pero Guro, kailan lang, gusto kang patayin ng mga tao doon! Sumagot naman si Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazarus at kailangan ko siyang gisingin.”
Sinabi ng mga apostol, “Panginoon, kung natutulog lang si Lazarus gagaling din siya.” Kaya ipinagtapat ni Jesus, “Patay na si Lazarus. Mabuti na lang at wala ako doon nang mamatay siya para maniwala kayo sa akin.”
Pagdating ni Jesus sa bayan ni Lazarus apat na araw na siyang patay. Sinalubong siya ni Martha at sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, kung nandito lang sana kayo hindi dapat namatay ang kapatid namin pero naniniwala ako na ibibigay sa iyo ng Diyos lahat ng hilingin mo sa kanya.”
Sumagot naman si Jesus, “Ako ang nagbibigay buhay at ako rin bumubuhay muli sa mga patay. Lahat ng namatay na naniniwala sa akin ay muling mabubuhay. Lahat ng nabubuhay na naniniwala sa akin ay hindi mamamatay. Tinanong ni Jesus si Martha, “Naniniwala ka ba sa sinabi ko?.” Sumagot si Martha, “Opo, Panginoon, naniniwala ako sa iyo na ikaw ang Messiah, ang Anak ng Diyos.”
Dumating din si Mary at lumuhod siya sa harapan ni Jesus. Sinabi niya, “Panginoon, kung nandito ka lang sana hindi dapat namatay ang kapatid namin.” Tinanong sila ni Jesus, “Saan niyo inilagay ang katawan ni Lazarus?” Sumagot sila, “Doon sa libingan, pumunta tayo roon para makita mo.” Dito napaiyak si Jesus.
Ang libingan ni Lazarus ay kwebang tinakpan ng bato. Pagdating doon ni Jesus sinabi niya, “Igulong niyo palayo ang bato.” Pero sumagot si Martha, “Apat na araw nang patay si Lazarus, siguradong nangangamoy na siya.”
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ba’t sinabi ko sa inyo na makikita niyo ang kadakilaan ng Diyos kung maniniwala kayo sa akin?” Kaya iginulong nila palayo ang bato.
Pagkatapos tumingala si Jesus sa langit, “Nagpapasalamat ako sa iyo Ama dahil alam akong lagi niyong pinapakinggan ang panalangin ko kaya sinasabi ko ito para maniwala ang mga taong naririto na ikaw ang nagsugo sa akin. Pagkatapos ay sumigaw siya ng ganito, “Lazarus, Lumabas ka!”
Lumabas nga si Lazarus! Nakabalot pa siya ng mga telang panlibing. Iniutos ni Jesus sa kanila, “Tanggalin niyo ang mga telang nakabalot sa katawan niya para makawala siya!” Marami sa mga Hudyo ang naniwala kay Jesus dahil sa himalang ito.
Pero marami sa mga pinuno ng relihiyon ng mga Hudyo ang naiinggit kaya nagtipon-tipon sila para planuhin kung paano nila papatayin si Jesus at Lazarus.