LLL 2 Ang Mga Makapangyarihang Tao ng DIYOS

LLL 2 Ang Mga Makapangyarihang Tao ng DIYOS

абрис: Jacob, Joseph, Moses. 24 sections. It has a picture book to go along with the recording.

Номер сценарію: 419

Мову: Tagalog

Тема: Sin and Satan (Deliverance, Judgement, Sin, disobedience); Christ (Jesus, Our Substitute, Sacrifice / Atonement); Eternal life (Salvation); Character of God (Nature, character of God, Word of God (the Bible)); Living as a Christian (Obedience, No other gods, idols, Forgiveness, Faith, trust, believe in Jesus); Bible timeline (Law of God, Gospel, Good News); Problems (Problems, troubles, worries)

Аудиторія: General

Мета: Teaching

Features: Monolog; Bible Stories; Paraphrase Scripture

Статус: Approved

Сценарії є основними вказівками для перекладу та запису на інші мови. Їх слід адаптувати, якщо це необхідно, щоб зробити їх зрозумілими та відповідними для кожної окремої культури та мови. Деякі терміни та поняття, які використовуються, можуть потребувати додаткових пояснень або навіть бути замінені чи повністю опущені.

Текст сценарію

Intro

Intro

Magandang araw. Kilala mo ba ang nag-iisa at tunay na Diyos? Hayaan mong ibahagi ko sayo ang mga taong nakaranas ng kabutihan ng Diyos. Sa Bibliya ay nakasulat ang mga kaganapan patungkol sa Diyos. Tingnan ang larawan na kulay kahel na aklat at ilipat sa susunod na pahina kapag narinig ninyo ang tunog na ito.

Unang Larawan: Ang Magkapatid na Lalake

Unang Larawan: Ang Magkapatid na Lalake

Genesis 25:21-34

Pagkatapos ng maraming taon ay hindi pa nagkakaanak si Isaac at ang asawa nitong si Rebeka. Ngunit hindi nagtagal ito ay nagdalang tao at nagkaanak ng kambal na lalake. Bago pa isilang ni Rebeka ang kanyang mga anak, ang Diyos ay nangako na sa kanya. Sinabi ng Diyos, “Magkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng kanyang mga anak. Ang panganay niyang anak ay maglilingkod sa kanyang bunsong kapatid." Sa larawang ito makikita natin ang dalawang magkapatid na gumagawa ng kasunduan. Esau ang ipinangalan sa panganay sapagkat ito ay naging dakilang mangangaso. Nang umuwi siya ng bahay galing sa malayong lugar upang mangaso nakita niya ang kangyang nakababatang kapatid na si Jacob na nagluto ng pagkain. Pagud na pagod si Esau at gutom na gutom. Lumapit siya kay Jacod upang humingi nga pagkain. Ngunit sinabi ni Jacob kay Esau, "Ibigay mo muna sa aking ang iyong karapatan bilang isang panganay." Sumagot si Esua, "Mamamatay na ako sa gutom ano ang maibibigay sa akin ng aking pagkapanganay?" Kaya ipinagbili niya sa isang pagakain ang karapatan niya bilang isang panganay. Nang si Isaac at matanda na at naramdaman niyang malapit na siyang mamatay, ipinatawag niya si Esau upang humuli ng hayop at ipagluto para sa kanya. At pagkatapos ay mapagpala niya si Esau bilang isang panganay. Narinig ni Rebeka lahat ng kanilang pinag-usapan kaya tinawag niya si Jacob upang magpanggap bilang si Esau. Nagluto naman si Rebeka ng isang kambing at binalutan niya ang braso ni Jacob ng balat ng kambing at ipinasuot niya kay Jacob ang damit ni Esua. Pagkatapos pinapunta ni Rebeka si Jacob kay Isaac. Sina bi ni Jacod kay Isaac na siya si Esau. Subalit si Isaac ay hindi na nakakakita ng panahong iyon dahil sa katandaan. Kaya hinawakan ni Isaac si Jacob upang malaman niya kung siya talaga si Esau. Nang mahawakan ni Isaac ang balahibong nakabalot sa braso ni Jacob inakala niyang siya talaga si Esau kaya naniwala naman siya. Kinain ni Isaac ang pagkain at pakatapos ay ibinigay niya kay Jacob ang pagpapala na nararapat para sa isang panganay. Nang bumalik si Esau at nalaman niyang ibinigay na ng kanyang ama kay Jacob ang pagpapalang para sa kanya. Nagalit siya at sumigaw ng malakas.

Ikalawang Larawan: Ang Panagip ni Jacob

Ikalawang Larawan: Ang Panagip ni Jacob

Genesis 27:1 - 28:22

Pagkatapos ng araw nayon si Esau ay nagtanim ng matinding galit kay Jacob at ninais niya itong patayin, kaya umalis si Jacob sa kanilang bahay upang makatakas sa kanyang kapatid. Nang sumapit na ang gabi habang nakahiga si Jacob sa tabi ng daan siya ay nakatulog. Nagkaroon ng isang panaginip si Jacob. Nakita niya ang isang hagdanan mula sa lupa patungo sa langit at ang mga anghel na umaakyat at bumababa dito. Nakita din niya ang Diyos na nasa tuktok ng hagdanan at sinibi ng Diyos kay Jacob. "Ako ang Panginoon, ang Diyos ng iyong amang si Abraham at ang Diyos ni Isaac. Ibibigay ko sayo at sa iyong lahi ang lupaing iyong hinihigaan. Ang iyong magiging lahi ay magiging kasing dami ng buhangin sa lupa. Lahat ng tao sa mundo ay pagpapalain dahil sa iyong lahi. Ako ay kasama mo at magbabantay sayo saan ka man magpunta, ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita iiwan hanggan hindi natutupad ang mga ipinangko Ko sa iyo." Mahal ng Diyos si Jacob bago paman siya ipanganak. Pinili ng Diyos si Jacob at binigyan Niya ng kamangha-manghang mga pangako at pinagpala Niya si Jacob hindi dahil sa mga ginawa niya kundi dahil sa ito ang gusto ng Diyos. Ang Diyos ay may karapatan at kapangyarihan na gumawa ng anuman ang naisin Niya.

Ika-tatlong Larawan: Si Jocob at si Laban

Ika-tatlong Larawan: Si Jocob at si Laban

Genesis 29:1 - 31:55

Si Jacob ay nagpunta sa tiyuhin niyang si Laban, nakilala niya doon ang bunsong anak ni Laban na si Raquel at gusto niya itong pakasalan upang maging asawa. Sinabi ni Jacob kay Laban, "Magtatrabaho ako para sayo ng pitong taon kung ibibigay mo sa akin si Raquel upang aking maging asawa." Sumang-ayon naman si Laban kay Jacob. Kaya nagtrabaho siya ng pitong taon kay Laban bilang kabayaran para kay Raquel. Ngunit ng dumating na araw ng kasal dinaya ni Laban si Jacob sapagkat ang ibinigay nito ay ang panganay niyang anak na si Lea sa halip na si Raquel. Kaya pinagtrabaho na naman ni Laban si Jacob ng pitong taon para kay Raquel. Pinagpala ng Diyos si Jacob katulad ng pangako niya pinagpala din ng Diyos si Laban ng dahil kay Jacob. Nakuha ni Jacob ang pinakamabuti sa mga alagang hayop ni Laban bilang kabayaran sa kanyang pagtatrabaho sa mga ari-arian ni Laban. Isang araw narinig ni Jacob na nag-uusap ang mga anak na lalaki ni Laban, sinabi nila, "Nakuha ng lahat ni Jacob ang pinakamahusay sa mga pag-aari ng ating ama at mas dumadami pa lalo ang kanyang kayamanang galing sa ating ama." Naramdaman ni Jacob na nag-iiba na ang pakikitungo ni Laban sa kanya at hindi na katulad ng dati. Sinabi ng Diyos kay Jacob, "Bumalik kana sa lupain ng iyong ama at ng iyong mga kamag-anak, at Ako ay sasama sa iyo.

Si Jacob ay nagpunta sa tiyuhin niyang si Laban, nakilala niya doon ang bunsong anak ni Laban na si Raquel at gusto niya itong pakasalan upang maging asawa. Sinabi ni Jacob kay Laban, "Magtatrabaho ako para sayo ng pitong taon kung ibibigay mo sa akin si Raquel upang aking maging asawa." Sumang-ayon naman si Laban kay Jacob. Kaya nagtrabaho siya ng pitong taon kay Laban bilang kabayaran para kay Raquel. Ngunit ng dumating na araw ng kasal dinaya ni Laban si Jacob sapagkat ang ibinigay nito ay ang panganay niyang anak na si Lea sa halip na si Raquel. Kaya pinagtrabaho na naman ni Laban si Jacob ng pitong taon para kay Raquel. Pinagpala ng Diyos si Jacob katulad ng pangako niya pinagpala din ng Diyos si Laban ng dahil kay Jacob. Nakuha ni Jacob ang pinakamabuti sa mga alagang hayop ni Laban bilang kabayaran sa kanyang pagtatrabaho sa mga ari-arian ni Laban. Isang araw narinig ni Jacob na nag-uusap ang mga anak na lalaki ni Laban, sinabi nila, "Nakuha ng lahat ni Jacob ang pinakamahusay sa mga pag-aari ng ating ama at mas dumadami pa lalo ang kanyang kayamanang galing sa ating ama." Naramdaman ni Jacob na nag-iiba na ang pakikitungo ni Laban sa kanya at hindi na katulad ng dati. Sinabi ng Diyos kay Jacob, "Bumalik kana sa lupain ng iyong ama at ng iyong mga kamag-anak, at Ako ay sasama sa iyo.

Si Jacob ay nagpunta sa tiyuhin niyang si Laban, nakilala niya doon ang bunsong anak ni Laban na si Raquel at gusto niya itong pakasalan upang maging asawa. Sinabi ni Jacob kay Laban, "Magtatrabaho ako para sayo ng pitong taon kung ibibigay mo sa akin si Raquel upang aking maging asawa." Sumang-ayon naman si Laban kay Jacob. Kaya nagtrabaho siya ng pitong taon kay Laban bilang kabayaran para kay Raquel. Ngunit ng dumating na araw ng kasal dinaya ni Laban si Jacob sapagkat ang ibinigay nito ay ang panganay niyang anak na si Lea sa halip na si Raquel. Kaya pinagtrabaho na naman ni Laban si Jacob ng pitong taon para kay Raquel. Pinagpala ng Diyos si Jacob katulad ng pangako niya pinagpala din ng Diyos si Laban ng dahil kay Jacob. Nakuha ni Jacob ang pinakamabuti sa mga alagang hayop ni Laban bilang kabayaran sa kanyang pagtatrabaho sa mga ari-arian ni Laban. Isang araw narinig ni Jacob na nag-uusap ang mga anak na lalaki ni Laban, sinabi nila, "Nakuha ng lahat ni Jacob ang pinakamahusay sa mga pag-aari ng ating ama at mas dumadami pa lalo ang kanyang kayamanang galing sa ating ama." Naramdaman ni Jacob na nag-iiba na ang pakikitungo ni Laban sa kanya at hindi na katulad ng dati. Sinabi ng Diyos kay Jacob, "Bumalik kana sa lupain ng iyong ama at ng iyong mga kamag-anak, at Ako ay sasama sa iyo.

Ika-apat na Larawan: Nakatagpo ni Jacob ang Diyos

Ika-apat na Larawan: Nakatagpo ni Jacob ang Diyos

Genesis 32:1-32

Gusto ni Jacob na makauwi na sa kanilang bayan ngunit natatakot parin siya kay Esau. Isang gabi, habang si Jacob ay nasa daan pauwi sa kanilang bayan, may isang lalaki ang lumapit kay Jacob. Nakipagbuno ito kay Jacob ng buong magdamag. Nang malapit ng sumikat ang araw binale nito ang balakang ni Jacob. Sinabi Niya kay Jacob, "Pakawalan muna Ako sapagkat malapit ng sumikat ang araw," Ngunit sumagot si Jacob, "Hindi Kita bibitawan hanggat hindi Mo ako pinagpapala." Kaya sinabi ng Lalaki kay Jacob, "Simula ngayon Israel na ang itatawag sayo hindi na Jacob. Sapagkat nakipagbuno ka sa Diyos at sa mga tao at ikaw ay nagwagi." Pagkatapos pinagpala Niya ito. Sinabi ni Jacob, "Nakita ko ng harapan ang Diyos at hanggang ngayon buhay parin ako. Pakagtapos si Israel ay nakipagkita na kay Esau at bumalik na sa kanilang pamilya ng mapayapa. Si Israel ay naging ama ng isang malaking bansa na ang mga tao ay sumasamba sa Diyos.

Ika-limang Larawan: Ang panaginip ni Jose

Ika-limang Larawan: Ang panaginip ni Jose

Genesis 37:1-11

Si Jacob na ginawang Israel ng Diyos ay nagkaanak ng labing-dalawa lalaki. Si Jose ang paburitong anak ni Jacob. Si Raquel na mahal na mahal ni Jacob ang nanay ni Jose. Binigyan ni Jacob si Jose ng napakagadang balabal. Lahat ng mga kapatid ni Jose ang naiinggit sa kanya. Isang gabi nanaginip si Jose at ibinahagi niya ito sa kanyang mga kapatid. "Sinabi niya sa kanyang mga kapatid makinig kayo sa aking panaginip: Habang tayo ay nasa bukid at nagtatali ng mga trigo. Biglang tumayo ang itinali kung trigo at lahat naman ng mga itinali nyo ay lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko. Nagalit kay Jose ang kanyang mga kapatid ng marinig ito at sinabi, "Ang ibig mo bang sabihin ikaw ay mahahari sa amin at kami ng iyong mga kapatid ay magpapasakop sa iyo? Kaya lalo nilang kinamuhian si Jose at humanap sila ng pagkakataon upang masaktan nila ito.

Ika-anim na Larawan: Ipinagbili si Jose

Ika-anim na Larawan: Ipinagbili si Jose

Genesis 37:12-36

Ang mga kapatid ni Jose ay nagpapastol ng kanilang mga tupa malayo sa kanilang tahanan.
Kaya inutusan ni Jacob si Jose upang tingnan ang kalagayan ng kanyang mga kapatid at ng mga tupa at sinabihan niya si Jose na bumalik kaagad upang ibalita sa kanya ang lagay ng kanyang mga kapatid. Nang makita ng mga kapatid ni Jose na siya ay paparating nagpasya sila na siya ay patayin. Kaya sinunggaban nila ito at hinubad ang kanyan magandang balabal at inihulog sa tuyong baon. Isa sa mga kapatid ni Jose ang nagsabi, "Ano ang mapapakinabang natin kung patayin natin ang ating kapatid? Ipagbili nalamang natin siya. May mga mangangalakal namang dumaan sa lugar na iyon kaya ipinagbili nila si Jose kapalit ng dalawampung pirasong pilak. Pagkatapos kumuha sila ng isang kambing at pinatay nila ito ibinuhos nila ang dugo ng kambing sa balabal ni Jose at dinala nila sa kanilang ama. Inisip ni Jacob na nilapa ng mabangis na hayoy si Jose. Nagdalamhati si Jacob ng sobra para kay Jose.

Ika-pitong Larawan: Tumakas si Jose sa Asawa ni Potifar

Ika-pitong Larawan: Tumakas si Jose sa Asawa ni Potifar

Genesis 39:1-20

Dinala si Jose sa bansang Egipto at doon ay ipinagbili naman siya kay Potifar upang maging alipin. Si Potifar ay may mahalagan tungkulin sa paglilingkod sa hari ng Egipto. Sinamahan ng Diyos si Jose sa bansang Egipto at lahat ng kanyang ginagawa ay nagtatagumpay at pinagpapala. Kaya ginawang tagapamahala si Jose ng sambahayan ni Potifar. Si Jose ay matipuno at magandang lalaki. Kaya ang asawa ni Potifar ay nagkaroon ng pagnanasa sa kanya. Pinipilit ng asawa ni Potifar si Jose na sumiping sa kanya. Alam ni Jose na mali ang bagay na iyon at tumanggi siya. Isang araw biglang hinablot ng babae ang kanyang balabal at sinabi, "Halika at sipingan mo ako!" Ngunit patakbo siyang lumabas ng bahay at naiwan sa babae ang kanyang balabal. Dinala ng babae ang balabal ni Jose sa kanyang asawa at inakusahan niya si Jose na gusto siyang pagsamantalahan. Kaya ipinahuli ni Potifar si Jose at ipinakulong.

Ika-walong Larawan: Si Jose sa Kulungan

Ika-walong Larawan: Si Jose sa Kulungan

Genesis 39:20 - 40:23

Ngunit si Jose ay hindi iniwan ng Diyos kahit ito ay nasa kulungan. Ipinaranas Niya kay Jose ang Kanyang pag-ibig at kabutihan. Hindi nagtagal si Jose ay ginawang tagapamahala ng lahat ng bilanggo. Minsan ang tagapamahala ng mga inumin ng hari at ang punong panadero ay parehong nagkasala at dinala sa bilangguan. Isang gabi habang sila ay natutulog pareho silang nanaginip at inakala nilang walng makakapagpaliwag ng kahulugan ng kanilang panaginip. Ngunit sinabi ni Jose sa kanila, "Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng kahulugan ng lahat ng panaginip." Kaya sinabi ng unang lingkod kay Jose ang kanyang panaginip, "Sa aking panaginip mayroon isang puno ng ubas at mayroon itong tatlong sanga. Kinuha ko ang bunga at pinisa ko ang ubas sa inuman ng hari at ibinigay ko ito sa hari." Sinabi ni Jose ang kahulugan ng kanyang panaginip, "Sa loob ng tatlong araw palalayain ka ng hari at ibabalik ka sa iyong trabaho." Isinalaysay naman ng punong panadero kay Jose ang kanyang panaginip. "Sa aking panaginip meyroon akong tatlong lagayan ng tinapay sa aking ulo. sa ibabaw ng lalagayan naroon ang mga nilutong pagkain para sa hari, ngunit kinain ng mga ibon ang lahat ng pagkain." Sinabi ni Jose ang kahulugan ng kanyang panaginip, "Sa loob ng tatlong araw ikaw ay ipapapatay." At saloob nga ng tatlong araw ang unang lingkod ay pinalaya at ang ikalawang lingkod naman ay pinatay katulad ng ipinakita ng Diyos kay Jose.

Ika-siyam na Larawan: Ang panaginip ng Hari

Ika-siyam na Larawan: Ang panaginip ng Hari

Genesis 41:1-40

Si Jose ay nanatili pa ng dalawang taon sa bilanguan. Isang gabi ang hari ng Egipto ay nagkaroon ng isang panaginip. Nakita niya ang pitong matatabang baka na kumakain sa gilit ng ilog. May lumabas mula sa ilog na pitong mapapayat na baka at kinain nila ang mga matatabang baka. Walang sinuman sa Egipto ang makapagpaliwanag sa hari ng kahulugan ng kanyang panaginip. Lumapit sa hari ang lingkod na ipinabilanggo niya at sinabi niya ang tungkol kay Jose. Kaya ipinatawag ng hari si Jose mula sa bilangguan at dinala sa harap ng hari. Ipinaliwanag ni Jose sa hari ang kahulugan ng kanyang panaginip at sinabi niya, "Ipinahayag ng Diyos sa inyo ang Kanyang gagawin. Magkakaroon po ng pitong taong masaganang pag-aani at maraming pagkain sa buong bansa ng Egipto. Pagkatapos ng pitong taong kasaganaan magkakaroon naman po ng pitong taong tag-gutom. Pumili po kayo ng matalinong tao na mamamahala sa buong lupain ng Egipto. Hayaan ninyo po siyang magtalaga ng mamamahala upang magtipon ng mga butil sa buong lupain at ilagay sa taguan sa loob ng pitong taong kasaganaan upang may magamit sa darating na pitong taong tag-gutom." Nakita ng hari ang Espiritu ng Diyos kay Jose kaya siya ang ginawa ng hari upang mamahala sa buong lupain ng Egipto.

Ika-sampong Larawan: Namahala si Jose sa buong Egipto

Ika-sampong Larawan: Namahala si Jose sa buong Egipto

Genesis 41:47 - 42:28

Sa loob ng pitong taong masaganang pag-aani sa Egipto, tinipon ni Jose sa taguan ang lahat ng butil. Nang dumating ang tagutom sa lupain ng Egipto ipinagbili ni Jose sa mga tao ang tinipon nilang butil. Nagkaroon din ng tag gutom sa lupain ng Canaan. Kaya ang sampong nakatatandang kapatid ni Jose ay nagpunta sa Egipto upang bumili ng butil. Hindi nila alam na si Jose ang namamahala sa Egipto at hindi nila nakilala si Jose. Inakusan ni Jose ang kanyang mga kapatid na nagmamanman sa lupain ng Egipto kaya ipinakulong niya ang mga ito. Pagkalipas ng tatlong araw sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, "Kung mapapatunayan nga ninyo na tapat kayong tao, kailangan niyong isama dito ang inyong bunsong kapatid na sinabi ninyo sa akin. Pinaalis ni Jose ang kanyang mga kapatid upang magdala ng pagkain para sa kanilang pamilya at ipinaiwan ni Jose ang isa sa kanila sa bilangguan.

Ika-labing isang Larawan: Nagpakila si Jose sa kanyang mga Kapatid

Ika-labing isang Larawan: Nagpakila si Jose sa kanyang mga Kapatid

Genesis 43:1 - 45:27

Natakot bumalik sa Egipto ang mga kapatid ni Jose ngunit dahil mauubos na ang kanilang biniling pagkain kailangan na nilang bumalik muli sa Egipto. Kaya isinama nila ang kanilang bunsong kapatid na si Benhamin at bumalik kay Jose sa Egipto. Ngunit hindi parin nagpakilala si Jose kung sino siya sa kanyang mga kapatid. Kaya pinagbilhan ni Jose ang kanyang mga kapatid at inutusan niya ang kanyang lingkod na ibalik ang perang ginamit pambili at ilagay din nila sa sako ng nakbabatang kapatid ang kanyang inumang pilak. Pagkatapos umalis na ang mga kapatid ni Jose pabalik sa kanilang tahanan nagsugo naman si Jose ng kanyang mga tauhan upang habulin ang kanyang mga kapatid at inakusahan nila sila na nagnakaw ng gamit ni Jose. Bumalik sa tahanan ni Jose ang kanyang mga kapatid. Nang makita nila si Jose yumukod ang mga ito sa harapan niya, katulad ng mga bungkos ng trigo sa panaginip ni Jose. Nakiusap sila kay Jose na sila ay kaawaan, ngunit umiyak si Jose at hindi na niya maitago ang kanyang sekreto. Kaya sinabi niya sa kanyang mga kapatid kung sino siya, " Ako si Jose ang iyong kapatid ang ipinagbili ninyo dito sa Egipto." Umiyak siya at niyakap niya is Behamin at hinagkan lahat ng kanyang mga kapatid. Binigyan niya ang kanyang mga kapatid at ama ng magandang regalo. Sinabi ni Jose sa kanila na bumalik kaagad sila sa Egipto at isama nila ang kanilang pamilya at ang kanilang ama. Ang mga kapatid ni Jose ay bumalik na sa kanilang tahanan at sinabi nila sa kanilang ama, "Si Jose ay buhay pa! Siya ngayon ang namamahala sa buong Egipto.

Ika-labingdalawang Larawan: Si Jacod at Jose sa Egipto

Ika-labingdalawang Larawan: Si Jacod at Jose sa Egipto

Genesis 45:28 - 50:26

Isinama ni Jacob ang kanyang buong pamilya at lahat ng kanilang ari-arian at pumunta sila sa Egipto at doon nanirahan. Nang makita ni Jacob si Jose iyakap niya ito at sila ay nagiyakan. Pagkatos ipinatong ni Jacod ang kanyang mga kamay sa mga anak ni Jose at sila ay kanyang pinagpala. Naging magigiting na pinuno ang mga ito sa tribo ng Israel. Namatay si Jacob sa Egipto dahil sa katandaan. Nang mamatay ang ama ni Jose natakot sa kanya ang kanyang mga kapatid dahil sa mali nilang ginawa sa kanya. Ngunit sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, "Huwag kayong matakot. Masama ang ginawa ninyo sa akin, ngunit pinahintulot ito ng Diyos para sa ikabubuti ng marami at upang magawa ang ginagawa ko ngayon, ang iligtas ang maraming buhay. Kaya huwag kayong matakot hindi ko kayo pababayaan maging ang inyong mga anak."

Ika-labingtatlong Larawan: Ang sangol na si Moises

Ika-labingtatlong Larawan: Ang sangol na si Moises

Exodo 1:1 - 2:1-10

Pakaraan ng tatlong daang taon pagkatapos ni Jose si Moises ay isinilang sa Egipto. Ang mga mga Israelita ngayon ay naging dakilang bansa. Natakot sa kanila ang bagong hari ng Egipto at sinimulan nilang pakitunguhan ng masama ang mga Israelita. Pinahiran nila ang mga ito at pwersahang pinagtrabaho na parang mga alipin. Nagbigay sila ng kautusan na patayin ang lahat ng bagong silang na sanggol na lalaki ng mga Israelita. Ngunit ng isinilangsi moises itinago siya ng kanyang ina. Nang si Moises ay lumalaki na inilagay siya ng kanyan ina sa isang lagayn at inilagay sa damuhan sa may tabi ng ilog. Ang anak na babae ng hari ay naliligo noon sa ilog. Nakita niya ang batang si Moises sa loob ng lagayan na umiyak. Naawa ang anak na babae ng hari sa bata kaya kinuha niya si Moises at itinuring niyang parang sariling anak. Lumaki si Moises sa loob ng palasyo ng hari. Natutunan ni Moises ang lahat ng uri ng pamumuhay ng mga Egipcio at naging mahalagang tao si Mioses sa bansang Egipto.

Ika-labing apat na Larawan: Si Moises at ang nagliliyab na Puno

Ika-labing apat na Larawan: Si Moises at ang nagliliyab na Puno

Exodo 2:11 - 4:17

Isang araw nakita ni Moises ang aliping Israelita na sinasakatan ng isang Egipcio. Nais ni Moises na tulungan ang kapwa niya Israelita kaya pinatay niya ang Egipcio. Ngunit pagkatapos si Moises ay tumakas dahil sa galit ng hari. Tumira si Moises ng apatnapung taon sa disyerto na tinatawag na Sinai. Isang araw nakakita siya ng hindi pangkaraniwang bagay. Nakita ni Moises ang isang puno na nagliliyab ngunit hindi ito nasusunog. Nagsalita ang Diyos kay Moises galing sa nagliliyab na puno at sinabi, "Nakita ko kung paanong pinahihirapang ang aking bayang Israel. Ikaw ay isinusugo Ko sa hari ng Egipto upang pangunahan ang aking bayan palabas ng bayan ng Egipto."

Ika-labinglimang Larawan: Bumalik si Moises sa Hari ng Egipto

Ika-labinglimang Larawan: Bumalik si Moises sa Hari ng Egipto

Exodo 5:1 - 10:29

Natakot si Moises na pumunta sa Egipto, ngunit nagtiwala siya sa Diyos kaya bumalik siya sa Egipto. Samama sa kanya ang kanyang kapatid na si Aaron. Pumunta sila at sinabi nila sa hari, "Sinabi ng Panginoo ang Diyos ng mga Israelita, palayain mo ang aking bayan upang makapadaos sila ng pagtitipon at makasamba sila sa Akin sa disyerto." Ngunit sumagot ang hari, "Hindi ko nakikila ang inyong Panginoon kaya hindi ko papayagang na umalis ang mga Israelita." Pagkatapos lalong pinahirapan ng mga Egipcio ang mga Israelita sa pagtatrabaho. Sinabi ng Diyos kay Moises, "Makikilala ngayon ng mga taga Egipto na Ako ang Panginoon kapag iniunat Ko ang Aking mga kamay laban sa mga taga Egipto upang mapalaya aking bayan sa bansang ito." Sinabi pa ng Diyos, "Kung sabihin sa inyo ng Faraon (hari) 'gumawa kayo ng himala' sabihin mo kay Aaron, 'Kunin niya ang iyong tungkod upang ito ay maging ahas. Sumunod si Aaron at ginawa nga niya ang sinabi ni Moises. Ngunit ang mga Egipcio ay may mga salamangkero na gumagawa din ng ganung bagay. Ang kanilang mga tungkod ay naging ahas din. Ngunit kinain ng ahas ni Aaron ang mga ahas na ginawa ng mga salamangkero. Nakita ng hari ang kapangyarihan ng Diyos ngunit hindi parin niya hiyaang makalaya ang bayan ng Diyos. Kaya gumawa ng maraming himala ang Diyos laban sa hari at sa mga salamangkero ng Egipto. Ginawang dugo ng Diyos ang lahat ng tubig sa buong Egipto. Nagpadala ang Diyos ng mga ibat-ibang salot buong Egipto, mga salot ng palaka, mga salot ng niknik, mga salot ng langaw, mga salot ng bukol sa mga tao at mga hayop, mga salot ng ulang may kasamang butil ng yelo, salot ng kadiliman, mga salot ng balang. Hinayaan ng Diyos na magawa ng mga salamangkero ng Egipto ang ibang mga ginawang himala ng Diyos. Ngunit mas maraming himala ang ipinakita ng Diyos sa hari at mga salamangkero ng Egipto. Sa ganitong paraan ipinakita ng Diyos sa hari ng Egipto na mas makapangyarihan Siya kaysa mga salamangkero ng Egipto.

Ika-labing anim na Larawan: Ang Paghahandog ng Kurdero (Tupa)

Ika-labing anim na Larawan: Ang Paghahandog ng Kurdero (Tupa)

Exodo 11:4-8; Exodo 12:1-36

Ipinahayag ni Moises sa hari na papatayin ng Diyos ang lahat ng panganay na anak sa Egipto. Pagkatapos kinausap ng Diyos si Moises at sinsbi, “Sabihin mo sa lahat ng mga Israelita na bawat isang pamilya ay kumuha ng tupa at patayin ito; kumuha sila ng dugo nito at ipahid sa pintuan ng kanilang bahay. Bibisitahin ko ang buong lupain ng Egipto at papatayin ko ang lahat ng mga panganay. Ngunit kung makita ko ang dugo na sa pintuan ng kanilang mga tahanan, lalampasan ko ang kanilang mga tahanan at hindi sila mapapahamak.” Tinupad ng Diyos ang kanyang pangako. Nang gabing iyon lahat ng panganay na anak ng mga Egipto ay namatay. Ngunit wala isa man sa mga anak na panganay ng mga Israelita ang namatay. Kaya nasugo ang hari kay Moises at sinabi” Bumangon kayo at umalis na sa lupaing ito! Ikaw at ang mga Israelita. Umalis na kayo at sumamaba na sa inyong Diyos katulad ng hinihingi ninyo sa akin.

Ika-labingpitong Larawan: Ang Pagtawid sa Dagat

Ika-labingpitong Larawan: Ang Pagtawid sa Dagat

Exodo 13:17 - 14:31

Pinangunahan ni Moises ang mga Israelita na lumabas ng lupaing ng Egipto. Sinamahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng haliging ulap sa umagang nilang paglalakbay at haliging apoy sa kanilang gabing paglalakbay. Nang marinig ng mga Egipcio na umalis na ang mga Israelita. Nagalit ang hari at lahat ng mga Egipcio at napag-isip isip nila na wala na silang mga alipin. Kaya tinipon ng hari ang lahat ng kanyang mga tauhan upang habulin ang mga Israelita at ibalik sa Egipto. Ang mga Israelita naman ay nakarating na sa malapit sa dagat ngunit hindi sila makatawid. Nasa likuran naman nila ang mga kawal at ang hari ng Egipto. Walang matatakasan ang mga Israelita. Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Huwag kayong matakot! Magpakatatag kayo makikita ninyo ang pagliligtas na gagawin sa inyo ng Diyos. Hindi na ninyo kailanman makikita pa ang mga Egipcio na humahabol sa inyo ngayon.” Pagkatapos hinati ng Diyos ang dagat at ang lahat ng mga Israelita ay tumawid sa dagat na ang nilalakaran nila ay tuyong lupa. Sinubukan ng mga Egipcio na habulin ang mga Israelita ngunit silang lahat ay natabunan ng tubig at nalunod ang mga Israelita naman ay nakaligtas.

Ika-labing walong Larawan: Pagkain at Tubig sa Disyerto

Ika-labing walong Larawan: Pagkain at Tubig sa Disyerto

Exodo 16:1 - 17:7

Pinangunahan ni Moises ang mga Israelita sa disyerto. Wala sila halos makain kaya nagreklamo sila kay Moises, Aaron at sa Diyos. Kaya tuwing gabi ang Diyos ay nagpapadala ng maliliit na ibon at sa umaga naman ay maliliit na butil na parang tinapay na nang galing sa langit at pinupulot nila sa lupa upang may makain ang mga tao. Tinawag ito ng mga tao na ‘manna’. Nang ang mga tao ay wala ng makuhang tubi na maiinum nagreklamo muli sila kay Moises. At sinabi ni Moises sa maga tao, “Bakit kayo nagagalit sa akin? At bakit ninyo sinusubok ang Diyos?” Kaya nanalangin si Moises sa Diyos at tinugon naman siya ng Diyos at sinabi, “Kunin mo ang iyong tungkod at hampasin mo ang isang bato upang dumaloy ang tubig upang may mainum ang mga tao. At nangayari nga ang lahat ng sinabi ng Diyos. Sa loob ng apatnapong taon pinakain at inalagaan ng Diyos ang mga Israelita.

Ika-labing siyam na Larawan: Si Moises sa Bundok Ng Diyos

Ika-labing siyam na Larawan: Si Moises sa Bundok Ng Diyos

Exodo 19:1 - 20:17; Psalm 19:11; Juan 14:15

Ang mga Israelita ay nakarating sa bundok ng Sinai. Ang Diyos ay bumaba sa bundok mula sa langit na may kasamang kulog and kidlat, ulap at apoy. Si Moises ay umakyat ng bundok at nakipag-usap sa kanya ang Diyos at sinabi, “Ako ang Panginoon ang inyong Diyos. Wala na kayong ibang diyos maliban sa akin. Huwag kayong luluhod at sasamba sa mga diyos na gawa ng tao. Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhang bagay. Alalahanin niyo ang ikapitong araw gawin ninyo itong banal. Sa loob ng anim na araw nilikha ng Diyos ang langit at lupa, ang dagat at lahat ng naninirahan dito at sa ikapitong araw ang Diyos ay nagpahinga. Kaya pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawa Niya itong banal na araw para sa Kanya. Igalang mo ang iyong ama at ina. Huwag kang papatay. Huwag kang mangangalunya. Huwag kang magnanakaw. Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa ibang tao. Huwag mong pagnanasahan ang mga bagay na hindi sa iyo. Isinulat ng Diyos ang mga batas at kautusang ito sa mga tapyas ng bata at ibinaba ni Moises ang mga ito mula sa bundok upang maging tagubilin para sa mga tao. Ngayon makikita nating ang mga kautusan at tagubiling ito ng Diyos sa kanyang mga salaita ang Biblia.

Ika-dalawampong Larawan: Ang Ahas na Nakalagay Kahoy

Ika-dalawampong Larawan: Ang Ahas na Nakalagay Kahoy

Bilang 21:4-9; Deutoronomio18:18

Muli ang mga tao ay nagsalita laban sa Diyos at kay Moises at sinabi nila, “inilabas mo ba kami ng Egipto upang mamatay dito sa disyerto? Wala tinapay! Wala ding tubig! At kinamumuhian namin ang masamang pagkain na ito. Kaya nagpadala ang Diyos ng makamandag na ahas sa mga tao. Kinagat ng mga ahas ang mga tao at marami sa mga Israelita ang namatay. Lumapit ang mga tao kay Moises at inamin nilang sila ay nagkasala. Humingi sila ng tulong kay at si Moises ay nanalangin para sa kanila. At sinabi ng Diyos kay Moises, “Gumawa ka ng ahas na gawa sa tanso at ilagay mo ito sa isang mahabang kahoy; lahat ng nakagat ng ahas at tumingin dito ay mabubuhay.” Kaya gumawa si Moises ng ahas na gawa sa tanso at inilagay niya ito sa isang mahabang kahoy. At lahat ng nakagat ng ahas at tumingin sa ahas na gawa sa tanso ay nabubuhay. Si Moises ang isa sa mga naging dakilang pinuno at propeta ng Israel. Sa loob ng apatnapung taon pinangunahan niya ang mga Israelita sa disyerto. Bago mamatay si Moises, sinabi ng Diyos sa kanya, “Magtatatag ako ng mga propeta na katulad mo na manggagaling sa mga kapatid mo; ilalagay ko ang aking mga salita sa kanilang mga labi at ihahayag nila sa mga tao ang lahat ng mga ipag-uutos ko.”

Ika-dalawampot isang Larawan: Pinakain ni Hesus ang mga Tao

Ika-dalawampot isang Larawan: Pinakain ni Hesus ang mga Tao

Juan 6:1-58

Sa maraming taon ang mga Israelita ay naghahanap ng isa pang propeta katulad ni Moises. Di nagtagal si Hesus Kristu ay ipinanganak sa lupaing ng Israel. Tinuruan ni Hesus ang mga tao katulad ng ginawa ni Moises. Isang araw maraming tao ang sumunod kay Hesus sa isang liblib na lugar upang makinig sa ipinangangaral ni Hesus. Ang mga tao ay nagutom ngunit wala silang dalang pagkain. Isang batang lalaki ang may dalang limang tinapay at dalawang isda. Kinuha ni Hesus ang tinapay at isda at nagpasalamat Siya sa Diyos. Pagkatapos pinakain Niya ang mga tao ng tinapay at isda. Mahigit limang libong tao ang pinakain ni Hesus. Sinabi ng mga tao, “Walang pag-aalinlangan Siya ang propetang dumating dito sa sanlibutan. Nang sumunod na araw sinabi ni Hesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang sinuman ang lumapit sa Akin ay hindi na kailanman magugutom, at ang sinuman ang nagtitiwala sa Akin ay hindi na kailanman mauuhaw. Ang mga susunod na larawan ay magtuturo pa sa atin ng patungkol kay Hesus.

Ika-dalampo’t dalawang Larawan: Nakipag-usap si Hesus kay Moises

Ika-dalampo’t dalawang Larawan: Nakipag-usap si Hesus kay Moises

Mateo 17:1-8; Lucas 9:28-36

Isang araw isinama ni Hesus ang Kanyang mga tagasunod sa isang bundok upang manalangin. Samantala habang nananalangin si Hesus, biglang nagliwanag ang mukha ni Hesus na parang sikat ng araw at ang Kanyang mga damit ay nagningning na parang liwanag. Pagkatapos biglang nagpakita si Moises at Elias sa kanila. Sila Moises at Elias ay propeta ng Diyos na nabuhay bago pa dumating si Hesus sa lupa. Pinag-usapang nila Moises at Elias ang nalalapit na kamatayan ni Hesus. Narinig ng tatlong tagasunod ni Hesus na sila ay nag-uusap. Pagkatapos natakpan sila ng nakakasilaw na ulap. Nagsalita ang Diyos mula sa ulap at sinabi, “Ito ang Aking Anak, na Aking minamahal; Ako ay nalulugod sa Kanya. Makinig kayo sa Kanya!” Nang matapos magsalita ang tinig na nagmula sa ulap, si Hesus na lamang ang nakita ng mga tagasunod ni Hesus.

Ika-dalawampo’t tatlong Larawan: Namatay si Hesus Para sa Ating Lahat

Ika-dalawampo’t tatlong Larawan: Namatay si Hesus Para sa Ating Lahat

Juan 3:14-16; Lucas 23:26-49; Juan 10:18; Colosas 2:15

Maraming tao ang hindi tumanggap kay Hesus at nagtagumpay sila na ipapatay si Hesus. Si Hesus ay ipinako ng mga sundalo sa kahoy na krus kasama ang dalawang kriminal. Ang isa sa mga kriminal ang humamak kay Hesus at nagsabi, “Hindi ba ika ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati narin kami!” Ngunit sinaway siya ng kasama niyang kiminal at sinabi, “Hindi kaba natatakot sa Diyos? Pinarurusahan tayo sa mga kasalanang ginawa natin. Ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi pa nya, “Hesus alalahanin mo ako kapag naghahari kana.” Sinabi ni Hesu sa kanya, “Sinasabi Ko sa iyo, isasama kita ngayon sa paraiso,” Nais ng Diyos na mabuhay sa ating lahat at magkaroon ng malalim na relasyon sa lahat ng tao na maykasamang pagpapala Niya at tayo ay nagbibigay naman ng karangalan sa Kanya. Ngunit tayong lahat ay naghimagsik sa Diyos. At nararapat lamang na tayo ay tumanggap ng kaparusahan mula sa Diyos. Ngunit mahal ng diyos ang mga tao. Kaya ipinadala Niya ang Kanyang anak na si Hesus upang maging kabayaran ng ating mga kasalanan. Sinabi ni Hesus, “Walang makakakuha ng aking buhay, kusa Ko itong ibinibigay. Mayroon Akong kapangyarihan ibigay at kapangyarihang kunin itong muli. Ginawa ito ni Hesus sa pamamagitan ng pagkamatay Niya sa krus at sa pagkabuhay Niyang muli mula sa mga patay. Sa pamamagitan ng Kanyang ginawa, tinanggalan Niya ng kapangyarihan ang lahat ng pinuno ng sanlibutan na laban sa atin. Ipinahiya ni Hesus ang kaaway sa pamamagitan ng Kanyang tagumapay sa pagkamatay sa krus. Kaya ngayon ay maaari na tayong makalapit sa Presensya at tanggapin ng Diyos. Binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihang mabuhay na nagbibigay ng karangalan at kaluguran sa Kanya. Sa panahon ni Moises, ang dugo ng inialay na kordero ay kailangan upang mapawi at makaligtas ang mga Israelita sa kaparusan ng kamatayan ng Diyos dahil sa kasalanan. Sa parehong paraan si Hesus ang naging alay ng Diyos na umako ng ating mga kasalanan at namatay at nagpakasakit para sa atin. Tanging ang pagpapakasakit ni Hesus sa ating mga kasalanan ang naging katanggap-tangga sa harapan ng Diyos. At hanggang ngayon ginagawa Niya ito sa atin. Ang pagbuhos ng Kanyang dugo sa krus ang nagliligtas sa atin mula sa kaparusahan ng Diyos sa walang hanggang paghihirap sa impyerno. Ipinaliwang ng salita ng Diyos “ang Biblia” Katulad ng patataas ni Moises sa tansong ahas na nakalagay sa kahoy, si Hesus ay kailangan ding ilagay sa krus upang ang sinumang tumingin at manampalataya sa Kanya ay maliligtas at magkakaroon ng buhay na walang hanggan. “Sapagkat mahal na mahal ng Diyos ang sanlibutan kaya ibinigay niya ang kaisa-isa niyang anak, na ang sinuman ang manampalataya kay Hesus ay mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ika-dalawampu’t apat na Larawan: Si Hesus ay Umakyat sa Langit

Ika-dalawampu’t apat na Larawan: Si Hesus ay Umakyat sa Langit

Juan 19:38; Mga Gawa 1:6-11

Nang namatay si Hesus kinuha ng kanyang mga alagad ang Kanya katawan at inilibing sa isang libingan, Ngunit pagkalipas ng tatlong araw si Hesus ay nabuhay na muli mula sa mga patay at pagkatapos ng apatnapung araw mula makita ng mga alagad ni Hesus ang kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Si Hesus ay nabubuhay hanggang ngayon at nakaupo sa kanan ng kaluwalhatian ng Diyos. Isang araw si Hesus ay muling babalik sa lupa sa lugar kung saan Siya ay umakyat pabalik sa langit. Kukunin ni Hesus ang lahat ng nananalig sa Kanya at isasama doon sa langit. Handa kana ba na sumama kay Hesus?

Пов'язана інформація

Free downloads - Here you can find all the main GRN message scripts in several languages, plus pictures and other related materials, available for download.

"Look, Listen and Live" audio-visual - A set of 8 programs of 24 pictures each for evangelism and Christian teaching. The series presents Old Testament characters, the life of Jesus, and the young church.

How to use GRN Audio visual resources - 1: Sharing the Gospel made easy - This article gives an introduction to some of the many different ways the GRN audio visual resources can be used in ministry.

How to use GRN Audio visual resources - 2: Going Deeper - This article gives further explanation of how people learn from the stories, and why the stories do not have a lot of commentary.

The GRN Audio Library - Evangelistic and basic Bible teaching material appropriate to the people's need and culture in a variety of styles and formats.

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares its audio, video and written scripts under Creative Commons

Creating DVDs using the GRN Slide show Videos - How to burn DVDs for specific people groups you are trying to reach