unfoldingWord 34 - Ang Iba pang mga Kwento ni Jesus
абрис: Matthew 13:31-46; Mark 4:26-34; Luke 13:18-21;18:9-14
Номер сценарію: 1234
Мову: Tagalog
Аудиторія: General
Мета: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Статус: Approved
Сценарії є основними вказівками для перекладу та запису на інші мови. Їх слід адаптувати, якщо це необхідно, щоб зробити їх зрозумілими та відповідними для кожної окремої культури та мови. Деякі терміни та поняття, які використовуються, можуть потребувати додаткових пояснень або навіть бути замінені чи повністю опущені.
Текст сценарію
Maraming ikinuwento si Jesus tungkol sa kaharian ng Diyos. Ito ang mga halimbawa, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Alam niyong ito ang pinakamaliit na buto sa lahat.”
“Pero kapag tumubo, ito ang nagiging pinakamalaki sa lahat ng halaman sa hardin. Sa laki nito, pinamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”
May iba pang ikinuwento si Jesus. Sabi niya, “Ang paghahari ng Diyos ay gaya ng pampaalsa na inihalo ng isang babae hanggang kumalat ito sa buong masa ng gagawing tinapay.”
“Ang paghahari ng Diyos ay gaya din ng isang mahalagang kayamanan na ibinaon ng isang tao sa lupa. Nahanap ito ng ibang tao at ibinaon niya itong muli. Tuwang-tuwa siya kaya ibinenta niya ang lahat ng ari-arian at ito ang ginamit niya para ipambili sa lupain na iyon.”
“Ang paghahari ng Diyos ay gaya din ng isang magandang perlas na mamahalin. Nang makita ito ng isang mangangalakal, ibinenta niya ang lahat ng mayroon siya at ginamit niya ito para mabili ang perlas.”
Nagkuwento din si Jesus sa mga tao na nagtitiwala sa mabubuti nilang gawa at kinamumuhian ang ibang tao. Sabi sa kwento niya, “May dalawang lalaking pumunta sa Templo para manalangin. Maniningil ng buwis ang isa at pinuno naman ng relihiyon ang isa.”
“Nagdasal ng ganito ang pinuno ng relihiyon, ‘Salamat po oh Diyos, dahil hindi ako makasalanan gaya ng ibang mga tao na mga magnanakaw, na mga mandaraya, na mga nangangalunya o kagaya ng taong iyan na maniningil ng buwis.”’
“Dahil dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo at nagbibigay ako ng ikapung bahagi ng lahat ng pera at mga bagay na natatanggap ko.”
“Samantala nakatayo naman sa di kalayuan ang maniningil ng buwis at hindi man lang siya makatingala sa langit at sa halip ay kinakabog niya ang dibdib niya habang nananalangin ng ganito, ‘Diyos ko, maawa kayo sa akin dahil makasalanan ako.”’
“Pagkatapos sinabi ni Jesus ‘Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, dininig ng Diyos ang dasal ng maniningil ng buwis at matuwid na siya sa paningin ng Diyos. Hindi naman niya nagustuhan ang panalangin ng pinuno ng relihiyon. Ibabagsak ng Diyos ang mayayabang at itataas naman niya ang mga nagpapakumbaba.”’