Ang Saber ay isang "digital player" na kayang paandarin ng kamay at magagamit sa lugar na walang koryente o di kailangan ang baterya na mahal ang presyo o mahirap mabili.
Mayroon itong amplifier, speaker at sound box kaya maari itong mkagawa ng malakas at magandang kalidad na tunog. Maganda itong gamitin sa malaking grupo. Kaya nitong magkaloob ng magandang tunog sa mga talumpati at mga awit.
Ang Saber ay napapaandar dahil sa kanyang sariling baterya na maaring kargahan ng paulit ulit. Mayron itong sariling "generator" sa loob kung saan nagagawa nitong kargahan ang baterya sa pamamagitan ng pag ikot ng hawakan. Maari din naman iting paandarin at kargahan ng ibang paraan gaya ng AC/DC power packs, "solar panels" o enerhiya galing sa araw, o kahit ng normal na baterya
Ang pag papaandar sa aparato ay simple lamang at madaling matutuhan kahit sa mga taong hindi pa masyadong marunong sa teknikal na aspeto.
Ang Saber ay nagpapatugtog ng mga awit o mensahe na ang pormat ay MP3 at WMA na nakalagay na sa kanyang panloob na memorya o kahit galing sa panlabas na "SD memory card". Ang mga tugtog ay maari ding mailagay sa aparato sa pamamagitan ng USB port. Maari ding piliing palagyan sa GRN ng mga nais na programa ng mensahe o awit ang aparato bago ito ipadala.
Ang Saber player ay dumaan na sa malawak na karanasan ng GRN sa mga aparatong pinapatakbo ng kamay. Ito ay mas maasahan at nagbibigay ng mas magandang kalidad ng tunog kaysa sa tradisyonal na "casette players" sa halos magkaparehong halaga ngMessenger II player.
Ang Saber ay idinisenyo partikular sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng pakikinig ng mga taong nasa mga kubli at malalayong lugar sa buong mundo. Ito ay maganda ring gamitin sa iba pang mga mabuti at makabuluhang layunin.