unfoldingWord 20 - Ang Pagpapatapon at ang Pagbabalik
เค้าโครง: 2 Kings 17; 24-25; 2 Chronicles 36; Ezra 1-10; Nehemiah 1-13
รหัสบทความ: 1220
ภาษา: Tagalog
ผู้ฟัง: General
เป้าหมายของสื่อบันทึกเสียง: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
สถานะ: Approved
บทความเป็นแนวทางพื้นฐานสำหรับการแปลและบันทึกเสียงภาษาอื่นๆ ควรดัดแปลงตามความจำเป็นเพื่อให้เข้าใจและเหมาะสมกับวัฒนธรรมและภาษาแต่ละภาษา คำศัพท์และแนวคิดบางคำที่ใช้อาจต้องอธิบายเพิ่มเติม หรือแทนที่ หรือตัดออก
เนื้อหาบทความ
Parehong nagkasala sa Diyos Ang kaharian ng Judah at Israel. Sinuway nila ang kasunduan nila ng Diyos na naganap sa Bundok Sinai. Inutusan ng Diyos ang mga propeta para magbigay ng babala sa kanila. Ginawa ng Diyos iyon para pagsisihan nila ang mga kasalanan nila at sambahin siyang muli ng mga tao pero tumanggi silang sumunod.
Pinarusahan ng Diyos ang dalawang kaharian kaya pinayagan niya na salakayin at sirain sila ng mga kaaway. Sinira at sinunog ng malupit at makapangyarihang imperyo ng Assyria ang Kaharian ng Israel. Marami silang pinatay, kinuha rin nila ang lahat ng mga mahahalagang bagay at sinunog nila ang malaking bahagi ng bansa.
Tinipon ng mga taga Assyria ang mga pinuno, mga mayayaman, at mga bihasang manggagawa at isinama nila sila sa Assyria. Tanging ang mga taong mahihirap na hindi pinatay ang naiwan sa kaharian ng Israel.
Pagkatapos ay nagsama ang mga taga Assyria ng mga dayuhan para tumira kung saan dating nakatayo ang kaharian ng Israel. Itinayong muli ng mga dayuhan ang mga nasirang lungsod at napangasawa nila ang mga Israelitang naiwan doon. Ang mga kaapu-apuhan ng mga Israelita na nakapag-asawa ng mga dayuhan ay tinawag na mga Samaritano.
Nakita ng mga tao sa kaharian ng Judah kung paanong pinarusahan ng Diyos ang mga tao sa kaharian ng Israel dahil sa hindi nila pinaniwalaan at sinunod ang Diyos. Kahit ganoon ang nangyari, sumamba pa rin sila sa diyos-diyosan pati na sa mga diyos-diyosan ng mga Cananeo. Nagpapunta ang Diyos ng mga propeta para balaan sila pero tumanggi silang makinig.
Mga isang daang taon na ang lumipas matapos sirain ng mga taga Assyria ang Kaharian ng Israel. Inutusan ng Diyos si Nebuchadnezzar na hari ng makapangyarihang imperyo ng Babylon para salakayin ang Kaharian ng Judah. Dahil nasakop ang Kaharian ng Judah pumayag ang hari nila na maging lingkod siya ni Nebuchadnezzar at magbayad ng maraming pera sa kanya taun-taon.
Pero pagkatapos ng ilang taon naghimagsik ang hari ng Judah laban sa hari ng Babylon kaya bumalik ang mga taga-Babylon para salakayin ang kaharian ng Judah. Sinakop at kinuha nila ang mga kayamanan sa lungsod ng Jerusalem pati na rin sa Templo at pagkatapos sinira rin nila ito.
Bilang parusa sa hari ng Judah dahil sa paghihimagsik, pinatay ng mga sundalo ni Nebuchadnezzar ang mga anak na lalaki ng hari sa harapan niya pagkatapos ay binulag siya. Ikinulong din siya sa Babylon para doon mamatay.
Isinama ni Nebuchadnezzar at ng mga sundalo niya halos lahat ng mga tao sa kaharian ng Judah at sapilitang isinama sa Babylon. Iniwan lang nila ang mga pinakamahihirap na tao para magtanim sa kabukiran. Ang panahon na ito kung saan sapilitang pinaalis ang mga tao ng Diyos mula sa Lupang Ipinangako ay tinawag na “Pagkakatapon.”
Kahit pinarusahan ng Diyos ang mga tao dahil sa kasalanan nila sa pamamagitan ng pagpapatapon, hindi sila kinalimutan ng Diyos pati ang mga pangako niya sa kanila. Patuloy pa rin silang ginagabayan at kinakausap ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta. Ipinangako niya na ibabalik sila sa Lupang Pangako pagkatapos ng 70 na taon.
Mga 70 taon na ang lumipas tinalo ng hari ng Persia na si Cyrus ang Babylon kaya pinalitan ng imperyong Persia ang pamumuno ng imperyo ng Babylon. Dito nagsimulang tinawag ang mga Israelita na “Hudyo” at karamihan sa kanila ay buong buhay na tumira sa Babylon. Kaunti na lamang sa mga matatanda na Hudyo ang nakakaalala sa lupain ng Judah.
Kahit makapangyarihan ang imperyo ng Persia maawain sila sa mga taong nasasakupan nila. Hindi nagtagal matapos maging hari si Cyrus, nagbigay siya ng utos na malaya nang makakabalik ang sinumang Hudyo na gustong bumalik sa Judah. Nagbigay pa siya ng pera para muling maipatayo ang Templo kaya pagkatapos ng 70 na taon ng pagkakatapon, may ilang mga Hudyo ang bumalik sa lungsod ng Jerusalem.
Pagdating nila sa Jerusalem itinayo ulit nila ang Templo at pinalibutan ng pader ang lungsod. Kahit na iba ang namumuno sa kanila, ang mahalaga doon na ulit sila titira sa Templo at sasamba.