LLL 5 Ang Hamon para sa DIYOS
Muhtasari: Elisha, Daniel, Jonah, Nehemiah, Esther. 24 sections. It has a picture book to go along with the recording. This Simple script is meant for unwritten languages where the translation must be oral.
Nambari ya Hati: 422
Lugha: Tagalog
Mandhari: Sin and Satan (Deliverance, Sin, disobedience); Christ (Life of Christ, Authority); Character of God (Word of God (the Bible)); Living as a Christian (Worship, Obedience, No other gods, idols, Victory, Faith, trust, believe in Jesus); Bible timeline (Gospel, Good News, People of God); Problems (Problems, troubles, worries)
Hadhira: General
Kusudi: Teaching
Features: Monolog; Bible Stories; Extensive Scripture
Hali: Approved
Hati ni miongozo ya kimsingi ya kutafsiri na kurekodi katika lugha zingine. Yanafaa kurekebishwa inavyohitajika ili kuzifanya zieleweke na kufaa kwa kila utamaduni na lugha tofauti. Baadhi ya maneno na dhana zinazotumiwa zinaweza kuhitaji maelezo zaidi au hata kubadilishwa au kuachwa kabisa.
Maandishi ya Hati
Panimula
Magandang araw. Ang mga kwento na ating maririnig sa berdeng libro ay mula sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Ito ay naglalaman ng mga kwento tungkol sa mga dakilang tao na tinulungan ng Diyos sa mga oras ng kagipitan. Ating pakinggan at tingnan ang susunod na larawan kung makarinig kayo ng tunog na ganito. (Tunog)
Unang Larawan. Ang pagbisita ni Naaman sa tahanan ni Eliseo
2 Hari 5:1-12
Si Eliseo ay isang mahusay na guro at propeta ng Diyos sa Israel. Alam niya na magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. Isang araw, isang lalaki na nagngangalang Naaman ang bumisita sa kanyang tahanan. Siya ang pinuno ng hukbo ng Siria, ang kaaway na bansa ng Israel. Hindi nila sinasamba ang nagiisang tunay na Diyos, sila ay sumasamba sa mga diyos-Diyosan. Si Naaman ay isang matapang at makapangyarihang tao, na lubos na iginagalang ng kanyang hari, subalit siya ay may isang matinding sakit sa balat (ketong). Nagtungo si Naaman sa Israel dahil nabalitaan niya na kaya siyang mapagaling ni Eliseo. Subalit hindi lumabas si Eliseo upang siya ay salubungin, sa halip ipinadala ni Eliseo ang kanyang lingkod upang sabihin kay Naaman, “Pumunta ka at maghugas sa Ilog Jordan ng pitong beses at ang iyong balat ay manunumbalik sa dati at ikaw ay gagaling." Nagalit si Naaman at sinabi, “Akala ko pa nama'y sasalubungin niya ako, tatayo sa harap ko, tatawagin niya ang Panginoon niyang Diyos, at ikukumpas ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking balat at pagagalingin ako.” Kaya't si Naaman ay umalis na galit na galit. (Tunog)
Ikalawang Larawan. Si Naaman sa Ilog
2 Hari 5:13-19
Nakiusap ang mga lingkod ni Naaman na sundin ang mga tagubilin ng propeta. Sinabi nila, “Ginoo, kung may ipinapagawa po sa inyo na malaking bagay ang propeta, hindi ba gagawin ninyo ito? Pero bakit hindi ninyo magawa ang sinabi niya na maghugas at gagaling kayo.” Kaya pumunta si Naaman sa Ilog ng Jordan at lumubog ng pitong beses. Tingnan ang larawan! Masayang-masaya si Naaman. Ang kanyang sakit sa balat ay lubos ng magaling sa pamamagitan ng simpleng gawaing ito ng pananampalataya. Bumalik si Naaman kay Eliseo at sinabi, “Ngayon, napatunayan ko na wala nang ibang Diyos sa buong mundo maliban sa Diyos ng Israel.” At nangako siya na hindi na siya sasamba sa anumang diyos-diosan, kundi siya lamang ay sasamba sa nagiisang tunay na Diyos. (Tunog)
Ikatlong Larawan. Si Eliseo at ang Hukbo ng Diyos
2 Hari 6:8-17
Sa mga sandaling yaon ang mga taga-Siria ay nakikipag-laban sa Israel. Sinasabihan ng Diyos ang kanyang propeta na si Eliseo, sa tuwing darating ang mga taga-Siria upang salakayin ang Israel. At nagbibigay naman ng babala si Eliseo sa hari ng Israel upang hindi sila matalo ng mga taga-Siria. Sinabihan ng hari ng Siria ang kanyang mga sundalo, “Humayo kayo at alamin kung nasaan si Eliseo, upang mahuli ko siya.” Isang umaga, lumabas si Eliseo at ang kanyang lingkod at nakita nila ang mga taga Siria na paparating upang siya ay huluhin. Nagsalita ang kanyang lingkod, “Guro, ano po ang gagawin natin? " Sumagot si Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kasama kaysa sa kanila.” Pagkatapos ay humiling si Eliseo sa Diyos na buksan ang mga mata ng kanyang lingkod. Gayun na lamang ang pagka-mangha ng lingkod, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo. Nagpadala ang Diyos nang kaniyang hukbo upang sila ay ingatan. (Tunog)
Ikaapat na Larawan. Si Eliseo at ang mga Bulag na Sundalo
2 Hari 6:17-23
Nang palapit na ang mga taga-Siria upang hulihin si Eliseo, nanalangin siya sa Diyos, “Panginoon, bulagin po ninyo ang mga taong ito.” At sa isang iglap ang mga sundalo ay hindi na makakita. Pumunta si Eliseo sa kanila at nagsabi, “Hindi rito ang daan, hindi ito ang lungsod. Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa taong hinahanap ninyo.” Dinala ni Eliseo ang lahat ng mga bulag na lalaki sa Samaria, ang punong lungsod ng Israel. Doon ay nanalangin muli si Eliseo sa Diyos, “Panginoon, buksan na po ninyo ang kanilang mata nang sila'y makakita.” Binuksan nga ng Diyos ang mga mata ng mga sundalo at nakita nila na nasa loob na sila ng lungsod ng kanilang kaaway. Pagkakita ng hari ng Israel sa kanila, tinanong niya si Eliseo, “Guro, papatayin ko po ba sila?” Sumagot si Eliseo, “Huwag, mahal na hari. Pinapatay ba natin ang mga bihag sa labanan? Sa halip, pakanin ninyo sila at painumin, pagkatapos ay pabalikin sa kanilang hari.” Ginawa nga ng hari ang sinabi sa kanya ni Eliseo. Ang Diyos ni Eliseo ay higit kaysa sa lahat ng ating mga kaaway. Hindi natin kailangang maghiganti, kung nagtitiwala tayo sa Kanya. Inutusan tayo ng Diyos, sinabi sa kanyang Salita na huwag tayong maghiganti sa ating mga kaaway, sapagkat sinabi ng Diyos, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti.” Sinabi rin Niya, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo. Kung siyaʼy nauuhaw, painumin mo.” (Tunog)
Ikalimang Larawan. Ang pagkubkob sa Samaria
2 Hari 6:24 - 7:2
Ang hukbo ng Siria ay muling bumalik upang lusubin ang Israel. Pinalibutan nila ang lungsod ng Samaria sa loob ng mahabang panahon. Dumating ang oras na ang mga Israelita ay wala nang natirang pagkain. Tingnan ang larawan! Ang hari ng Israel ay naglalakad sa itaas ng pader ng lungsod. Dalawang babae ang lumapit sa kanya. Nagmakaawa sila sa hari na tulungan sila. Gutom na gutom na sila kaya kinain na nila maging ang kanilang sariling mga anak! Hindi alam ng hari kung ano ang kanyang gagawin. Nagalit siya dahil hindi sila iniligtas ng Diyos sa mga taga-Siria. Nagpasya siyang patayin si Eliseo, ang lingkod ng Diyos. Kaya nagpadala si Eliseo ng mensahe sa hari, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon: Bukas, sa ganito ring oras, sa may pagpasok ng Samaria ay makakabili ka na ng harina at sebada.” (Tunog)
Ikaanim na Larawan. Ang Apat na Ketongin
2 Hari 7:3-20
May apat na tao na may malubhang sakit sa balat na nakaupo sa pintuan ng lungsod. Sinabi nila sa isaʼt isa, “Bakit kailangan nating umupo rito hanggang sa mamatay? Mabuti pa'y pumunta tayo sa kampo ng mga taga-Siria.” Samantala, ang mga taga-Siria ay nakarinig ng isang malakas na tunog, na parang may malaking hukbo na paparating. Dahil sa kanilang takot ay nagsilikas sila at iniwan ang lahat kanilang mga ari-arian. Pagdating ng mga ketongin sa kampo ng Siria, wala silang nakitang tao doon! Kinuha ng mga ketongin ang mga pagkain at anumang nais nila. Pagkatapos ay sinabi nila sa bawat isa, “Hindi tama itong ginagawa natin. Magandang balita ito at hindi natin dapat sarilinin.” Agad silang bumalik sa Samaria at sinabi sa hari ang kanilang mga nakita. Hindi naglaon, ang mga tao ay nagbebenta na ng pagkain mula sa kampo ng Siria sa tarangkahan ng Samaria, gaya ng sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Eliseo. ‘Sa ganito ring oras, sa may pagpasok ng Samaria ay makakabili na ng harina at sebada.’ Iniligtas ng Diyos ang Israel, at iniligtas din ng Diyos ang Kanyang lingkod na si Eliseo. (Tunog)
Ikapitong Larawan. Ang pagtakas ni Jonas sa Diyos
Jonas 1:1-7
Nang mamatay si Eliseo, nagkaroon muli ng propeta sa Israel, ang pangalan ay Jonas. Sinabi ng Diyos kay Jonas, “Pumunta ka agad sa malaking lungsod ng Nineve, at bigyan mo ng babala ang mga taga-roon, dahil umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasamaan.” Ang mga tao sa Nineveh ay sumamba sa mga diyos-diyosan at naglingkod sa mga maling diyos. Sila ay mga kalaban ng Israel. Ayaw ni Jonas na pumunta, kaya't sinubukan niyang tumakas. Nakakita siya ng isang barko na papunta sa isang malayong bansa. Nagbayad siya ng pamasahe at naglakbay ang barko. Di-nagtagal, isang malakas na bagyo ang kanilang nasalubong sa karagatan. Ang mga tao na lulan ng barko ay labis na natakot. Nag usap ang mga tripulante "Magpalabunutan tayo, upang malaman natin kung sino ang dahilan ng lahat na ito.” Gayon nga ang kanilang ginawa at nabunot ang pangalan ni Jonas. At nalaman nila na si Jonas ang dahilan ng mga pangyayari. (Tunog)
Ikawalong Larawan. Si Jonas at ang malaking Isda
Jonas 1:8 - 2:10
Tinanong ng mga tripulante si Jonas, "Ano ang iyong ginawa?" Sinabi niya sa kanila ni Jonas na tumatakas siya sa Diyos. At nang lalo pang lumakas ang hangin, sinabi ng mga tripulante kay Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para kumalma ang dagat at nang makaligtas kami sa kapahamakan?” Sumagot si Jonas, “Ihagis ninyo ako sa dagat at papayapa ito. Alam kong ako ang dahilan kaya nagkaroon ng ganito kalakas na bagyo.” Ayaw man ng mga kalalakihan na patayin si Jonas, subalit lalo pang lumakas ang bagyo, kayat inihagis nila siya sa dagat. Subalit, hindi namatay si Jonas. Tingnan ang larawan! Isang malaking isda ang lumulon kay Jonas. Nanatili siyang buhay sa tiyan ng isda sa loob ng tatlong araw. Doon siya ay nanalangin sa Diyos para humingi ng tulong. Tinugon ng Diyos ang kanyang dalangin. Inutusan ng Diyos ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan. (Tunog)
Ikasiyam na larawan. Si Jonas sa Nineveh
Jonas 3:1-10
Muling nagsalita ang Panginoon kay Jonas. Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, at sabihin mo sa mga taga-roon ang ipinapasabi ko sa iyo.” Kaya't sumunod si Jonas sa Diyos at nagtungo siya sa Nineve. Binalaan niya ang mga tao, “May 40 araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.” Ang hari at ang buong bayan ay umiyak sa Diyos upang mailigtas sila. Tinalikuran nila ang kanilang masasamang gawain, kaya’t nagpasya ang Diyos na hindi na sila parurusahan. Ang Diyos ay mabuti, mahabagin, at maawain, at hindi madaling magparusa. Katulad tayo ni Jonas at nang mga mamamayan ng Nineve. Lahat tayo ay nilapastangan ang Diyos at gumawa ng mga masasamang bagay. Nararapat lamang na tayo ay parusahan. Gayunpaman mahal tayo ng Diyos. Ipinadala niya si Jesus upang mamatay para sa atin at iligtas tayo. Siya ay nasa libingan nang tatlong araw, tulad ni Jonas na nasa tiyan ng isda nang tatlong araw. Nguni’t si Jesus ay nabuhay mula sa kamatayan. Ngayon ibabalik niya ang ating kaugnayan sa Diyos at bibigyan nang buhay na walang hanggan ang lahat ng maniniwala sa Kanya, tatalikod sa kasalanan at tatanggapin ang Kanyang dakilang pagliligtas. (Tunog)
Ikasampung Larawan. Si Ester at Ang Hari ng Persia
Ester 1:1 - 2:18
Si Ester ay isang dalagang Judio mula sa lupain ng Israel. Namatay na kanyang mga magulang, kaya si Mordecai, ang kanyang tiyuhin, ang nag-alaga sa kanya. Sina Ester at Mordecai ay nahuli kasama ng iba pang mamamayan ng Israel at dinala sa lupain ng Persia. Ang hari ng Persia ay napaka makapangyarihang tao. Natatakot ang lahat sa kanya. Nang magalit siya sa kanyang reyna, nagpasya siyang palitan na ito. At ipinatawag niya sa kanyang palasyo ang lahat ng magagandang dalaga sa kanyang kaharian. Dito ay napili si Ester ng hari na maging bagong reyna. Ngunit hindi sinabi ni Ester sa sinuman na siya ay isang Judio. (Tunog)
Ikalabing Isang Larawa. Tumanggi si Mordecai na yumukod
Ester 3:1 - 4:17
Si Haman ay isang mahalagang tao sa Persia. Ang lahat ng tao ay dapat na yumukod kapag siya ay nagdaraan. Si Mordecai ay sumasamba lamang sa nag-iisang tunay na Diyos. Tumanggi siyang yumukod kay Haman. Kaya nagalit ito. Nag-isip si Haman ng hakbang upang makapag-higanti kay Mordecai. Isang araw sinabi niya sa hari, “Mahal na Hari, may isa pong grupo ng mga tao na naninirahan sa ibaʼt ibang probinsya ng inyong kaharian at may mga sarili po silang kautusan na iba kaysa sa ibang bansa. Hindi sila sumusunod sa mga kautusan ninyo at hindi ito makakabuti para sa inyo kung pababayaan na lang sila. Kung gusto ninyo, Mahal na Hari, mag-utos kayo na patayin silang lahat.” At nag-alok si Haman ng salapi sa hari. At sinabi sa kanya ng hari, “Ikaw na ang bahala sa salapi at gawin mo ang gusto mong gawin sa mga taong iyon.” Isang batas ang ginawa sa buong kaharian ng Persia upang patayin ang lahat ng mga Judio sa itinakdang araw at kunin ang kanilang mga ari-arian. Si Haman ay gumawa ng bitayan kung saan nais niyang duon ibitin si Mordecai. Hiniling ni Mordecai kay Ester na pumunta siya sa hari at makiusap para sa kanyang bayan. Ngunit sinabi ni Ester, “Ang sinumang magtutungo sa hari ng hindi ipinapatawag ay papatayin!” Hiniling niya sa mga Judio na mag-ayuno at manalangin para sa kanya. Pagkatapos ay sinabi niya, “Pupunta ako sa hari. Kung mamamatay ako, mamamatay nga ako." (Tunog)
Ikalabing Dalawang Larawan. Ang Piging (Pista) ni Esther
Esther 5:1 - 9:16
Tinugon ng Diyos ang dalangin ng mga Judio. Tinanggap ng hari si Ester. Inanyayahan ni Ester ang hari sa isang espesyal na piging at inanyayahan din niya si Haman. Sa piging na iyon ay tinanong ng hari si Ester, "Reyna Ester, ano ang gusto mo?" Tumugon si Esther, “Ang hiling kopo ay mailigtas nyo ako at ang aking mga kalahi! Sapagkat kami po ay ipinagbili para patayin at lipulin.” Sinabi ng hari “Sino ang nangahas na gumawa ng bagay na iyon?” Sumagot si Ester, “Ang aming kaaway at taga-usig—ang masamang, si Haman!” Nagalit ang hari ng nalaman niya ang masamang balak ni Haman. Binitay si Haman sa bitayang ginawa niya para kay Mordecai, at ang lahat ng mga Judio ay naligtas. Si Ester ay handang mamatay upang mailigtas ang kanyang bayan. Tulad ng pagligtas ng Diyos sa kanyang bayan, ang mga Judio, sa pamamagitan ni Ester, inililigtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Banal na Lingkod, ang Panginoong Jesus. (Tunog)
(Optional) Panimula sa susunod na mga larawan
Ang dalawang lalaking Israelita na tinawag na Daniel at Nehemias ay pinilit ding manirahan sa lupain ng kanilang mga kaaway tulad nina Mardocheo at Esther. Sinamba din nina Daniel at Nehemias ang Isang Tunay na Diyos at sila ay naging mahusay na mga tao. Tumingin sa susunod na larawan sa libro kapag naririnig mo ang tunog na ito.
Ikalabing Tatlong Larawan. Si Daniel at ang Kanyang mga Kaibigan
Daniel 1:1-20
Sa larawang ito ay makikita natin si Daniel at ang kanyang tatlong kaibigan, sila ay mga Judio. Dinala sila ng kanilang mga kaaway sa lupain ng Babilonia. Nais ng hari ng Babilonia na maglingkod sila sa kanya, kaya’t kailangang nilang mag-aral ng wika at mga kaugalian ng Babilonia. Hindi nais nila Daniel na marumihan ang kanilang mga sarili dahil sa mga pagkain at inumin na galing sa hari. Ayaw din nilang isabuhay ang mga kaugalian ng mga taga Babilonia. Kaya hiniling nila na mga gulay lang ang kanilang mga kakainin at tanging tubig lamang ang kanilang iinumin. Natakot ang taong nangangalaga sa kanila na baka sila ay pumayat at magkasakit. Ngunit inalagaan sila ng Diyos, at sila ay naging mas malusog at mas matalino pa kaysa sa lahat ng mga kabataan ng Babilonia na kumain ng pagkain at inuming galing sa hari . (Tunog)
Ikalabing Apat na Larawan. Si Daniel at ang Hari ng Babilonia
Daniel 2:1-49
Isang araw, ang hari ng Babilonia ay nagkaroon ng panaginip. Tinanong niya ang mga pantas (matatalinong tao) kung ano ang kanyang panaginip at kung ano ang kahulugan nito, ngunit wala isa man sa kanila ang makapagsabi kung ano ang kahulugan ng panaginip, kaya ipinag-utos ng hari na patayin ang lahat ng mga pantas. Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay kabilang sa mga papatayin, kaya humiling sila sa hari na bigyan sila ng panahong maipaliwanag ang kahulugan ng panaginip nito. Nanalangin sila sa Diyos, at ipinahayag ng Diyos kay Daniel ang panaginip ng hari at ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pangitain. Nagtungo si Daniel sa hari at kanyang sinabi, ““Mahal na Hari, wala pong sinumang pantas o manghuhula ang makakapagpaliwanag ng inyong panaginip. Ngunit may Diyos sa langit na naghahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag niya sa inyo sa panaginip ang mangyayari sa hinaharap.” Sa panaginip nakita ng hari ang lahat ng mga kaharian sa mundo. Pagkatapos ay nakita niya ang isang mas higit na malaking kaharian na nagwasak sa kanilang lahat. Iyon ang Kaharian ng Diyos na mananatili magpakailanman. Sinabi ni Daniel ang mga bagay na ito sa hari. Nagpatirapa ang hari upang parangalan si Daniel. Pagkatapos, nag-utos siyang magbigay ng regalo at handog kina Daniel. Ang mga pantas ay na-iligtas, at si Daniel ay ginawang gobernador sa buong Babilonia. (Tunog)
Ikalabing Limang Larawan. Ang Gintong Rebulto
Daniel 3:1-12
Ang hari ng Babilonia ay nagtayo ng isang malaking gintong rebulto. Ipinatawag niya ang lahat ng kanyang mga pinuno upang dumalo sa pagtatalaga ng nasabing rebulto. Nang naroon na sila nakatayo sa harap ng rebulto, sumigaw ang tagapagbalita, “Iniuutos sa lahat ng tao, kapag narinig ninyo ang mga tunog ng instrumento, lumuhod kayo agad at sumamba sa rebultong ginto. Ang sinumang hindi sumunod sa utos na ito ay ihahagis sa naglalagablab na pugon.” Ang mga kaibigan ni Daniel na sina Shadrach, Meshac at Abednego, ay tumangging sumamba sa rebulto. Sila ay sumamba sa Diyos lamang. Ang ilang kalalakihan ay nagtungo sa hari at nagsabi, “May ilang mga Judiong hindi sumusunod sa inyong utos. Sila po ay sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Sila ang mga taong pinamamahala ninyo sa lalawigan ng Babilonia. Hindi nila iginagalang ang inyong mga dios, at hindi sila sumasamba sa gintong rebulto na ipinatayo ninyo.”
Ikalabing Anim na Larawan. Ang Pugon ng Apoy
Daniel 3:13-30
Ipinatawag ng hari sina Shadrach, Meshac at Abednego. Sinabi niya sa kanila, "Kung hindi kayo sasamba sa rebultong ginto, kayo ay ihahagis sa pugon na apoy. Sinong diyos ang makakapagligtas sa inyo?" Sumagot sila, "Ang Diyos na aming pinag lilingkuran ang makakapagligtas sa amin, at ililigtas niya kami mula sa inyong kapangyarihan. Kung hindi man niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod at sasamba sa inyong mga diyos.” Dahil sa sagot nilang iyon, lalo pang nagalit ang hari, kaya ipinag utos niya na painitin ang pugon ng pitong beses na mas mainit kaysa sa dati. Pagkatapos ay inutusan niya ang kanyang mga kawal na ihagis sina Shadrach, Meshac at Abednego sa naglalagablab na pugon. Dahil sa sobrang init ng pugon lumabas ang apoy kaya nasunog at namatay ang mga kawal na nagdala sa tatlo. Nagtaka at biglang napatindig ang hari at itinanong sa kanyang mga tagapayo, “Hindi ba't tatlo lamang ang iginapos at inihagis sa apoy?” Tingnan ninyo! Apat na ang nakikita kong palakad-lakad sa gitna ng apoy. Hindi na sila nakagapos at hindi sila nasusunog, ang ikaapat ay parang anak ng mga diyos.” Pagkatapos, ay tinawag niya ang mga ito para lumabas mula sa apoy. Nang lumabas ang tatlo, ay nakita nilang hindi man lang sila napinsala ng apoy, ni hindi nag-amoy usok ang kanilang buhok o damit. Dahil dito, sinabi ng hari, “Purihin ang Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego. Nagsugo siya ng kanyang anghel para iligtas ang kanyang mga lingkod na nagtitiwala sa kanya. Ganoon nga, mas ninais nilang mamatay kaysa sumamba sa ibang diyos diyosan, maliban sa kanilang Diyos. Kaya iniuutos ko na ang sinumang tao sa alinmang bansa, lahi, o wika na magsasalita ng masama laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego ay pagpuputol-putulin ang katawan at wawasakin ang kanilang mga bahay. Sapagkat walang dios na makapagliligtas tulad ng ginawa ng kanilang Diyos.”.” (Tunog)
Ikalabing Pitong Larawan. Nanalangin si Daniel sa Diyos
Daniel 6:14-24
Si Daniel ay may pinakamataas na katungkulan sa lupaing iyon. Ang ibang mga pinuno ay matindi ang inggit sa kanya. Ngunit wala silang makitang kamalian kay Daniel, sapagkat siya ay tapat at mapagkakatiwalaan sa paglilingkod sa hari. Kaya't ang mga kalaban ni Daniel ay nagpunta sa hari at nagsabi, “Nais po naming hilingin sa inyo na gumawa kayo ng kautusan na sa loob ng 30 araw ay walang mananalangin sa sinumang dios o tao maliban sa inyo. Ang sinumang susuway sa utos na ito ay itatapon sa kulungan ng mga leon.” Pumayag ang hari sa sinabi ng mga kalalakihan at gumawa siya ng bagong batas. Narinig ni Daniel ang bagong batas na ginawa ng hari, ngunit patuloy siyang nananalangin sa Diyos ng tatlong beses sa isang araw, gaya ng kanyang kinaugalian. Nang makita siya ng kanyang mga kalaban na nananalangin, pumunta sila sa hari at nagsabi, “Hindi sinunod ni Daniel ang kautusan na ginawa ninyo.” (Tunog)
Ikalabing Walong Larawan. Si Daniel sa Lungga ng mga Leon
Daniel 6:14-24
Nang marinig ito ng hari, lubos siyang nabalisa. Nais niyang tulungan si Daniel, kaya buong maghapon siyang nag-isip at naghanap ng paraan para mailigtas si Daniel. Ngunit hindi na niya mababago ang batas. Dahil dito, iniutos ng hari na ihulog si Daniel sa kulungan ng mga leon. Ngunit sinabi niya rito, “Nawa'y iligtas ka ng Diyos na buong katapatan mong pinaglilingkuran.” Kaya't itinapon si Daniel sa mga leon. Nang gabing iyon, hindi kumain ang hari at magdamag itong hindi makatulog. Kinaumagahan, nagmamadaling nagtungo ang hari sa kulungan ng leon at tumawag, “Daniel, tapat na lingkod ng Diyos na buháy! Iniligtas ka ba sa ng iyong Diyos mula sa mga leon?” Sumagot si Daniel, “Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Diyos ng kanyang mga anghel para itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa po niya ito sapagkat alam niyang wala akong kasalanan ni nagawang masama laban sa inyo.” Nagalak ang hari at nag utos na ilabas si Daniel mula sa lungga. Nang nakuha na si Daniel, nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon, at agad silang sinakmal ng mga leon at nilapa. Hindi natin kailangang matakot kung ano ang magagawa sa atin ng tao kung nagtitiwala tayo sa iisang Tunay na Diyos. Kahit na ipapatay tayo ng mga tao ay mayroon pa rin tayong pag-asa, sapagkat si Hesus ay nagmula sa Diyos upang bigyan tayo ng Buhay mula sa kamatayan. (Tunog)
Ikalabing Siyam na Larawan. Si Nehemias Bago ang Dakilang Hari
Nehemias 1:1 - 2:8
Si Nehemias ay isang Judio na nagtitiwala sa Diyos. Siya ay nanirahan sa Babilonia pagkatapos ng panahon ni Daniel. Ang Jerusalem, ang lungsod ng kanyang mga ninuno, ay nasira at ang mga Judio na naninirahan doon ay nasa malaking kaguluhan at kahihiyan. Nang panahong iyon, si Nehemias ay tagapaglingkod ng isang makapangyarihang hari. Isang araw, habang sinisilbihan niya ng alak ang hari, sinabi sa kanya ng hari, “Bakit ka nalulungkot?" Sinabi ni Nehemias ang tungkol sa Jerusalem, ang kaniyang bayan at nang mga Judio. Nagtanong ang hari, “Ano ang gusto mo?” Tahimik na nanalangin si Nehemias sa Diyos, at sinabi niya sa hari, “Kung maaari po, Mahal na Hari, at kung nalulugod po kayo sa akin, gusto ko sanang umuwi sa Juda, upang muling ipatayo ang lungsod kung saan inilibing ang aking mga ninuno.” Tinugon ng Diyos ang dalangin ni Nehemias at pumayag ang hari sa kanyang kahilingan. (Tunog)
Ikadalawampung Larawan. Sinuri ni Nehemias ang Nasirang Lungsod
Nehemias 2:7-20
Binigyan ng hari si Nehemias ng mga kagamitan at mga kalalakihan upang siya ay tulungan. Naglakbay sila patungo sa Jerusalem. Narinig ng mga kalaban ng mga Judio ang tungkol kay Nehemias. Nagalit sila, hindi nila nais na may tumulong sa mga Judio. Subalit si Nehemias ay hindi natatakot sa kanila. Nais ni Nehemias na suriin ang Jerusalem, kaya umikot siya sa paligid ng mga nasirang pader ng lungsod. Nagtutungo siya roon sa gabi upang walang makaalam ng kaniyang ginagawa. Kinaumagahan ay tinawag ni Nehemias ang mga Judio at nagsabi, “Halikayo, at muli nating itayo ang mga pader ng Jerusalem upang hindi na tayo maging kaawa-awa.” Sinabi niya sa kanila na ang Diyos ay sumasa kaniya; hindi nila dapat katakutan ang kanilang mga kaaway. Kaya't sumagot ang mga Judio, "Simulan na natin ang muling pagtatayo, sa lalong madaling panahon." (Tunog)
Ikadalawamput Isang Larawan. Ang pagtatayo ng mga pader
Nehemias 3:1 - 6:19
Masdan ang larawan! Ang mga Judio ay nagsimulang gumawa. Ang ilan ay naglinis ng basura habang ang iba naman ay nagtayo ng mga pader at naglagay ng mga pintuan. Nagalit ang mga kaaway ng mga Hudyo at inalipusta ang mga gumagawa. Nagbanta sila na sasalakayin at papatayin ang mga Judio habang sila ay nagtatrabaho. Kaya’t muling nanalangin si Nehemias sa Diyos dahil alam niya na ang lahat ng karunungan at kapangyarihan ay nasa Diyos. Kailangan niya ang Diyos upang ipakita sa kanya ang kanyang mga gagawin. Kaya’t nagtalaga siya ng mga guwardya sa pader upang bantayan ang mga manggagawa. Ang bawat isa ay may mga sandata at nakahanda sa labanan. Hindi nangyari ang masamang balak na pagpatay kay Nehemias at sa mga Judio. Kaya nagpatuloy ang kanilang mga ginagawa, at sa loob lamang ng 52 araw ang pader ay muling naitayo. Nang mabalitaan ng kanilang mga kaaway at ng mga bansang nakapaligid sa kanila na tapos na ang kanilang ginagawa, napahiya sila at napag-isip-isip nilang ito'y nagawa ng mga Hudyo dahil sa tulong ng Diyos. (Tunog)
Ikadalawamput Dalawang Larawan. Binasa ni Ezra ang Batas
Nehemias 8:1 - 10:39
Pagkatapos na maitayo ang pader, nagtipon ang mga Judio sa Jerusalem. Hiniling ng mga tao kay Ezra, ang saserdote ng Diyos, na basahin sa kanila ang Banal na Kasulatan. Ang ilan sa mga tao ay nagsimulang tumangis dahil nalaman nila na sumuway sila sa mga Batas ng Diyos.
Iyon ang dahilan kung bakit pinahintulutan ng Diyos na sirain ng mga kaaway ang kanilang lungsod. Ninais ng mga Judio na talikuran ang kanilang mga makasalanang gawa at muling sundin ang mga pamamaraan ng Diyos. Sinabi ni Nehemias sa mga tao, "Huwag kayong malungkot. Ang kagalakan ng Diyos ang inyong kalakasan.” Pinapurihan nila ag Diyos at sila ay nagkaroon ng malaking pagdiriwang. Ninais din nila na ang Salita ng Diyos ay maipaliwanag sa kanila ng na mas maigi. Bagamat tayo ay nagkasala, ang Diyos ay handa tayong patawarin. Ang ating kalungkutan, ay papalitan Niya ng kagalakan. Bibigyan din Niya tayo ng lakas upang masunod ang Kanyang kaparaanan at siya ay mabigyan ng karangalan. (Tunog)
Ikadalawamput Tatlong Larawan. Si Jesus sa Krus
Mateo 4:1-11; Marcos 11:27 - 12:17; Lucas 22:63 - 23:12; Juan 19:17-30; Roma 5:8
Noong si Jesus ay namuhay sa mundo, dumanas din siya ng maraming pagsubok, katulad ng ibang mga lingkod ng Diyos na nasa kuwento sa aklat na ito. Tinukso Siya ni Satanas na sambahin siya, sa halip na ang Diyos, ngunit napaglabanan ni Jesus ang tukso. Ang mga pinuno ng mga Judio ay pinuna at hinamon siya ng maraming beses sa pamamagitan ng mga salita, sinubukan Siyang linlangin sa pagsasabi ng mga maling bagay. Siya ay tinalikuran ng Kanyang mga taga sunod. Siya ay dinakip, kinutya, ginulpi at pinaratangan ng mali sa harap ng korte. At panghuli, Siya ay pinatay sa krus. Iniligtas ng Diyos sina Eliseo at Daniel at ng iba pa mula sa kamatayan nang maraming beses. Ngunit hindi Niya iniligtas si Jesus mula sa kamatayan. Pinahintulutan Niya na pagdaanan ni Jesus ang lahat ng ito, upang akuin niya ang ating mga kasalanan bilang Handog na Lingkod ng Diyos. Ngunit dahil sa Kanyang pagsunod hanggang sa kamatayan, hindi Siya pinanatili ng Diyos sa libingan. Binuhay Niya si Jesus sa ikatlong araw at binigyan ng pinakamataas na karangalan. Apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, Si Jesus ay umakyat sa langit at na-upo sa kanan ng Diyos Ama. Sa pamamagitan ni Jesu Kristo ang ating mga kasalanan ay pinatawad at ang ating kaugnayan sa Diyos ay naibalik. Maaari tayong mabuhay at nagbibigay parangal sa Diyos. At maaari tayong mamuhay na kasama Siya magpakailanman sa Dakilang kaluwalhatian, sa pagpanaw ng ating pisikal na katawan. (Tunog)
Ikadalawamput Apat na Larawan. Ipinakita ni Jesus ang daan tungo sa Buhay na Walang Hanggan
Mateo 7:13; Juan 14:6
Ipinapakita sa larawang ito na ang ating buhay ay tulad ng isang paglalakad sa malawak na daan tungo sa kamatayan. Ang lahat ay hindi nakapagbigay ng kaluguran sa Diyos. Ang lahat ay nasa landas na katulad nito, na hahantong sa walang hanggang kapahamakan pagkatapos ng kamatayan. Si Jesus ay nagdusa at namatay upang iligtas tayo sa kaparusahang ito. At Siya ay muling nabuhay. Ngayon ay ipinapakita Niya sa atin ang daan patungo sa Diyos. Dapat nating sundin ang landas ni Jesus ngayon. Ito ay mahirap at makipot na daan. Minsan nakakaranas tayo ng pagdurusa sa buhay nating ito, tulad nila Daniel at ng kanyang mga kaibigan. Ngunit ang daan ni Jesus ay patungo sa langit. Doon ay walang pagdurusa, ito ay isang lugar ng walang hanggang kagalakan at kapayapaan kung saan naroon ang Diyos. Sinabi ni Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko." Kaya manalangin ka kay Hesus ngayon. At hilingin mo sa Kanya na ipakita sa iyo ang Daan tungo sa Diyos. (Tunog)