LLL 3 Tagumpay sa pamamagitan ng DIYOS

LLL 3 Tagumpay sa pamamagitan ng DIYOS

Esboço: Joshua, Deborah, Gideon, Samson. 24 sections. It has a picture book to go along with the recording. This Simple script is meant for unwritten languages where the translation must be oral.

Número do roteiro: 420

Idioma: Tagalog

Tema: Eternal life (Salvation); Character of God (Nature, character of God, Word of God (the Bible), Power of God / Jesus); Living as a Christian (Obedience, No other gods, idols, Victory, Faith, trust, believe in Jesus); Bible timeline (Gospel, Good News); Sin and Satan (Spiritual Warfare, Deliverance, Judgement)

Público alvo: General

Propósito: Teaching

Features: Monolog; Bible Stories; Paraphrase Scripture

Estado: Approved

Os roteiros são guias básicos para a tradução e gravação em outros idiomas. Devem ser adaptados de acordo com a cultura e a língua de cada região, para fazê-lo relevante. Certos termos e conceitos podem precisar de uma explicação adicional ou mesmo serem omitidos no contexto de certos grupos culturais.

Texto do roteiro

Panimula

Panimula

Magandang araw. Maririnig natin sa kuwentong ito kung sino ang humalili kay Moises bilang pinuno ng Israel. Malalaman nyo kung paano sila pinamunuan ng Diyos mula sa disyerto patungo sa lupain ng Canaan. Na ang tawag ngayon ay Israel. Maraming mga tribo ang nanirahan sa Canaan, kasama na ang mga Cananeo, ang mga Heteo, Medianita at ang mga Filesteo. Mapapakinggan mo kung paano tinulungan ng Diyos ang mga Israelita na talunin ang kanilang mga kaaway. Tingnan ang larawan sa kulay kayumangging aklat at ilipat ang pahina kapag narinig ang tunog na ito. (Tunog)

Larawan 1. Nakipaglaban si Josue sa mga Amalekita

Larawan 1. Nakipaglaban si Josue sa mga Amalekita

Exodo 17:8-13

Ang mga Israelita ay walang sariling lupain. Sila ay naglakbay sa disyerto matapos silang gabayan ng Diyos palabas ng Egipto. Kaya ipinangako ng Diyos na ibibigay sa kanila ang lupain ng Canaan. Noong panahong yaon si Moises ang pinuno ng Israel. Pinili niya ang isang binata na nagngangalang Josue upang maging kapitan ng kanyang hukbo. Isang araw, sinalakay ng tribo ng Amalekita ang Israel, kaya sinabi ni Moises kay Josue, “Kayo ay lumabas upang labanan ang mga Amalekita at ako ay tatayo sa tuktok ng burol na hawak ang tungkod ng Diyos. Habang nakataas ang kamay ni Moises na hawak ang tungkod ng Diyos, si Josue at ang mga Israelita ay nagwawagi laban sa mga Amalekita. Ngunit ng si Moises ay napagod at hindi na niya maitaas ang kanyang mga kamay, ang mga Amalekita ang nagwawagi sa digmaan. Kaya tinulungan si Moises ng dalawang kalalakihan na itaas ang kanyang kamay hanggang gabi at tinulungan ng Diyos si Josue na matalo ang mga Amalekita. (Tunog)

Larawan 2. Ang mga espiya at ang prutas mula sa Canaan

Larawan 2. Ang mga espiya at ang prutas mula sa Canaan

Bilang 13:1, 14:35

Nang ang mga Israelita ay makarating malapit sa hangganan ng Canaan, nagpadala si Moises ng labing dalawang pinuno, kasama sina Josue at Caleb, upang magmanman sa lupain. Pagkaraan ng 40 araw ay bumalik sila at sinabi ang kanilang nakita. “Nagtungo kami sa lupain na sinabi ninyo sa amin at natuklasan namin na mayaman ito at sagana sa lahat ng bagay! Narito ang prutas mula sa lupaing iyon. Subalit makapangyarihan ang mga taong nakatira roon, at malalaki ang kanilang mga lungsod at napapalibutan ng mga pader.” Pinakalma ni Caleb ang mga tao sa harapan ni Moises, at sinabi niya, “Pupunta tayo sa lungsod at sasakupin natin ang kanilang lupain, dahil nasisiguro kong maaagaw natin ito. Kung ang Diyos ay nalulugod sa atin, tiyak na dadalhin niya tayo sa lupaing iyon.” Ngunit sinabi naman ng ibang mga kalalakihan, "Hindi natin kayang lusubin ang mga taong iyon; para silang mga higante! Parang mga tipaklong lang ang tingin namin sa aming mga sarili kung ikukumpara sa kanila!"

Natakot ang mga Israelita na pumasok sa Canaan. Nang gabing iyon, tumangis ang lahat ng mamamayan. Dumaing sila kina Moises at Aaron, gayun din sa Diyos. Biglang nagpakita sa kanila ang makapangyarihang presensya ng Panginoon. Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Hanggang kailan pa ba ako itatakwil ng mga taong ito? Hanggang kailan pa ba sila hindi maniniwala sa akin sa kabila ng lahat ng mga himalang ginawa ko sa kanila?” Ninais ng Diyos na sila ay lipulin. Ngu nit namagitan si Moises para sa kanila at sila ay pinatawad ng Diyos. Ngunit sinabi ng Diyos, “Sumusumpa ako, habang ang buong mundo ay napupuno ng aking dakilang presensya, walang sinuman sa kanila ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno.” At pinabalik sila sa disyerto at duon nagpalibot-libot sa loob ng 40 taon. Ang lahat ng mga Israelita na hindi nagtiwala sa Diyos ay namatay sa disyerto. (Tunog)

Larawan 3. Ang mamamayan ng Israel ay tumawid ng Ilog

Larawan 3. Ang mamamayan ng Israel ay tumawid ng Ilog

Josue 1:1-9, 3:1-17

Nang mamatay si Moises, hinirang ng Diyos si Josue na maging pinuno ng Israel. Sinabi ng Diyos kay Josue, "Ngayon, ikaw at ang buong bayan ng Israel ay maghanda na tumawid sa Ilog ng Jordan papunta sa lupain na ibibigay ko sainyo. Magpakalakas ka at magpakatapang, sapagkat pamumunuan mo ang mga taong ito upang manahin ang lupang aking ipinangako sa kanilang mga ninuno.” Sinabi ng Diyos kay Josue kung ano ang mga gagawin. Ang mga seserdote ng Israel ay mayroong isang natatanging kahon na tinatawag na “Kaban ng Tipan”, nasa loob nito ang malapad na mga bato kung saan nakaukit ang mga utos ng Diyos. Sinabi sa kanila ng Diyos na buhatin ang “Kaban ng Tipan” at magtungo sa ilog ng Jordan. Umaapaw ang tubig sa pampang, ngunit paglusong ng mga seserdote sa ilog, huminto agad sa pagdaloy ang tubig at natuyo. Nakatayo sa gitna ng ilog ang mga saserdote na buhat ang Kaban ng Tipan habang tumatawid ang mga Israelita na tuyo ang lupa. (Tunog)

Larawan 4. Bumagsak ang pader ng Jerico

Larawan 4. Bumagsak ang pader ng Jerico

Josue 6:1-27

Ang mga tao ng Israel ay nagkampo sa Canaan malapit sa lungsod na tinatawag na Jerico. Sinabi ng Diyos kay Josue, “Ibinigay ko na sa iyong mga kamay ang Jerico. Ikaw at ang mga sundalo mo ay iikot sa lungsod ng isang beses sa bawat araw, sa loob ng anim na araw. Pauunahin mo sa Kaban ng Tipan ang pitong paring may dalang mga trumpeta. Sa ikapitong araw, iikutan nʼyo ang lungsod ng pitong beses, kasama ng mga paring hinihipan ang mga trumpeta. At sisigaw ang lahat ng tao nang malakas. Pagkatapos, ang pader ng lungsod ay guguho at makakapasok kayong lahat nang walang hadlang.” Sinunod nga nila Josue ang iniutos ng Diyos. Gumuho ang mga pader ng Jerico at sinakop ng Israel ang lungsod. Sinabi ng Diyos sa Israel na huwag silang kukuha para sa kanilang sarili ng kahit anumang bagay na inihandog na nang buo sa Panginoon. Ngunit ang lahat ng bagay na yari sa ginto, pilak, tanso, o bakal ay dapat ilagay sa kabang-yaman ng Panginoon. (Tunog)

Larawan 5. Ang pagtakas ng Israel mula sa Ai

Larawan 5. Ang pagtakas ng Israel mula sa Ai

Josue 7:1-12

Ang Ai ay isa ding kaaway na lungsod na malapit sa Jerico. Kailangan din itong matalo ni Josue, kaya't nagsugo siya ng mga lalaki upang mag-espiya sa lungsod. Bumalik ang mga espiya at nagsabi, “Hindi na nating kailangang lumusob lahat sa Ai, dahil kaunti lang naman ang mga naninirahan doon.” Kaya nagpadala lamang si Josue ng isang maliit na hukbo ng mga kalalakihan upang talunin ang Ai. Ngunit natalo ng mga kalalakihan ng Ai ang hukbo ng Israel. Ang ilan sa mga Israelita ay napatay at ang ilan naman ay tumakas para iligtas ang kanilang buhay. Sa matinding paghihinagpis, si Josue at ang mga pinuno ay nagpatirapa sa harap ng Diyos. Tinanong nila ang Diyos kung bakit pinahintulutan itong mangyari. At sinabi sa kanila ng Diyos, "Nagkasala ang Israel; iniutos ko sa kanila na wasakin ang lahat sa lungsod ng Jerico. Subalit kumuha sila ng mga bagay na nakalaang ihandog nang buo sa akin. Ninakaw nila ito, sila ay nagsinungaling. Iyon ang dahilan kaya sila tumakas at natalo ng kanilang kaaway. Hindi ko na kayo sasamahan kung hindi ninyo sisirain ang mga ninakaw na bagay na nakalaan para sa pagkawasak." (Tunog)

Larawan 6. Ang paghatol kay Acan

Larawan 6. Ang paghatol kay Acan

Josue 7:14 - 8:29

Tinipon ni Josue ang mga mamamayan ng Israel sa harapan ng Diyos. Sinabi ng Diyos kay Josue na ang isang tao na nagngangalang Acan ang nagkasala laban sa Kanya. Sinabi ni Josue kay Acan, "Igalang mo ang PANGINOON, ang Diyos ng Israel at sabihin mo sa akin ang iyong ginawa." At sumagot si Acan, "Totoo! Nagkasala ako sa PANGINOON. Sa Jerico nakita ko ang isang magandang balabal, pilak at bara na ginto. Kinuha ko ang mga ito, ibinaon ko ito sa lupa sa loob ng aking tolda." Nagpadala si Josue ng mga kalalakihan para pumunta sa tolda at doon ay nahanap nila ang mga nakatagong bagay na ninakaw ni Acan. Pagkatapos ay pinatay si Acan at ang kanyang pamilya, ayon sa iniutos ng Diyos. At napawi ang galit ng Diyos at nagsabi kay Josue, “Huwag kang matakot. Isama mo ang lahat ng iyong kawal at lusubin ulit ninyo ang Ai, dahil ibinigay ko na sa inyo ang hari ng Ai, ang kanyang mga mamamayan at ang buong lupain.” Sinunod ng Israel ang iniutos ng Diyos at natalo nila ang Ai. (Tunog)

Larawan 7. Ang pagtigil ng araw at ng buwan

Larawan 7. Ang pagtigil ng araw at ng buwan

Josue 10:1-14

Ang masasamang tao sa Canaan ay nagsimulang matakot sa Israel. Ang lima sa mga tribo ay nagsamasama upang labanan ang Israel. Ngunit sinabi ng Diyos kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanila. Tutulungan kita upang matalo mo sila. Wala kahit isa sa kanila ay makakatalo sa iyo.” Kaya't si Josue at ang kanyang hukbo ay nagtungo sa kalabang tribo upang makipaglaban, at ang kalabang tribo ay tumakas dahil sa takot. Nagpaulan ang Diyos ng mala laking tipak ng yelo sa mga kaaway at marami sa kanila ang namatay. Nagpatuloy ang labanan ng buong araw. Pagkatapos sinabi ni Josue, "Araw at buwan, tumigil ka!" Kaya't pinatigil ng Diyos ang araw at ang buwan hanggang matapos na talunin ng Israel ang kanilang mga kalaban. Kailanma'y hindi pa nangyari at hindi na muling mangyayari na tumugon ang Diyos sa panalangin ng tao na kagaya nito. (Tunog)

Larawan 8. Tinagubilinan ni Josue ang mga Tao

Larawan 8. Tinagubilinan ni Josue ang mga Tao

Josue 23:1 - 24:29

Sa mahabang panahon, binigyan ng Diyos ng kapahingahan ang Israel sa mga kalaban nila sa kanilang paligid. Matanda na si Josue, kaya ipinatawag niya ang lahat ng mamamayan ng Israel, ipinaalala niya sa kanila ang lahat ng mga magagandang bagay na ginawa ng Diyos at kung paano Siya nakipaglaban para sa kanila. Sinabi rin niya sa kanila, “Magpakatatag kayo at sundin ninyo ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Kautusan ng Diyos. Ibigin ninyo ang Panginoon nyong Diyos at sundin ang kasunduan na ginawa Niya para sainyo. Ang inyong Diyos ang siyang magpapalayas sa inyong mga kalabang bansa pagdating ninyo roon at mamanahin ninyo ang buong lupain ng Canaan. Ngunit kung maglilingkod kayo sa ibang mga diyos, mapapahamak kayo sa magandang lupain na ibinigay Niya sa inyo. Magpasya kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran.” Ang mga tao ay tapat na nangako na sasamba at paglilingkuran ang Panginoong Diyos. Makalipas ang mga pangyayaring ito, si Josue ay namatay. (Tunog)

Larawan 9. Si Deborah ay nagsalita para sa Diyos

Larawan 9. Si Deborah ay nagsalita para sa Diyos

Mga Hukom 4:1-9

Nang mamatay si Josue, ang mga tao sa Israel ay tumalikod sa Diyos. Sinamba nila ang mga diyos-diyosan ng mga Cananeo. Kayat binigyan ng Diyos ang mga Cananeo ng kapangyarihan laban sa Israel at pinagmalupitan nila ang mga ito ng husto. Dumaing ang mga Israelita sa Panginoon at muling humingi ng tulong. Nang panahong iyon, ang pinuno ng Israel ay si Debora. Lumapit sa kanya ang mga tao upang humingi ng payo, at siya ay tumulong upang malutas ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan. Sinubukan niyang ibalik ang mga ito sa Diyos ng Israel. Isang araw, tinawag niya si Barak, ang pinuno ng hukbo ng Israel. Sinabi niya sa kanya, "Magsama ka ng 10,000 lalaki at dalhin sa Bundok ng Tabor. Si Sisera at ang kanyang hukbo ay darating upang labanan ka. Ngunit pagtatagumpayin ka ng Diyos laban sa kanila.” Natakot si Barak kaya sinabi niya kay Deborah, “Pupunta ako kung sasama ka, pero kung hindi ka sasama, hindi ako pupunta.” Sumagot si Debora, “Kung gayon, sasama ako, ngunit wala kang makukuhang karangalan sapagkat si Sisera ay ibibigay ng Diyos sa kamay ng isang babae.” (Tunog)

Larawan 10. Tumulong ang Diyos na talunin si Sisera

Larawan 10. Tumulong ang Diyos na talunin si Sisera

Mga Hukom 4:10-17, 5:19-21

Sina Deborah at Barak at ang mga Israelita ay nagtungo sa Bundok ng Tabor. Nagpunta si Sisera at ang buong hukbo upang labanan sila. Si Sisera ay may 900 karwaheng pandigma. Ang mga Israelita ay mayroon lamang hawak na tabak sa kanilang mga kamay. Dumating ang mga Cananeo sa lambak ng ilog malapit sa Bundok ng Tabor. Nilusob at hinabol ng mga Israelita ang mga Cananeo. Ang mga karwahe ng mga Cananeo ay tinangay ng rumaragasang agos, ng Ilog Kishon. Tinulungan ng Diyos ang mga Israelita na ganap na matalo ang hukbo ni Sisera. At tanging si Sisera lamang ang nakaligtas at nakatakas. (Tunog)

Larawan 11. Pinatay ni Jael si Sisera

Larawan 11. Pinatay ni Jael si Sisera

Mga Hukom 4:17-23

Samantala, nakatakas si Sisera at nagtago sa tolda ni Jael na asawa ni Heber. Nang makita ni Jael na papalapit si Sisera, sinabi niya, “Tuloy po kayo sa aking tolda at huwag kayong matakot.” Si Jael ay hindi isang Israelita, kaya pumasok si Sisera upang magtago sa kanyang tolda. Binigyan ito ni Jael ng gatas upang inumin, at tinakpan niya ng kumot. Dahil sa sobrang pagod, si Sisera ay nakatulog. Si Jael naman ay kumuha ng maso at tulos ng tolda. Dahan-dahan siyang lumapit kay Sisera at pinukpok ang tulos sa noo nito hanggang sa bumaon sa lupa. Nang dumating si Barak na naghahanap kay Sisera, sinalubong siya ni Jael, at sinabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang taong hinahanap mo.” Pagpasok ni Barak sa tolda, nakita niya roon si Sisera na nakahandusay at patay na, at may tulos na nakabaon sa kanyang ulo. (Tunog)

Larawan 12. Nagdiwang ang Israel

Larawan 12. Nagdiwang ang Israel

Mga Hukom 5:1-31

Ang Diyos ang nagbigay sa Israel ng kapangyarihan upang magapi ang mga Cananeo. Sina Deborah at Barak ay umawit ng papuri bilang pasasalamat sa Diyos. Nagalak din ang mga tao. Masaya sila na mayroon silang pinuno na tulad ni Deborah. Siya ay katulad ng isang ina para sa kanila. Pinuri din nila si Jael, dahil hindi siya natakot kay Sisera. Ginamit ng Diyos ang dalawang babaeng ito upang mailigtas ang Israel. Madalas na ginagamit ng Diyos ang mga tila mahihina upang magtagumpay sa mga malalakas. (Tunog)

Larawan 13. Si Gideon at ang Anghel ng Diyos

Larawan 13. Si Gideon at ang Anghel ng Diyos

Mga Hukom 6:1-24

Nagkaroon ng kapayapaan sa lupain ng Israel sa loob ng apatnapung taon. Subalit muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon. Sinamba nila ang mga diyos-diyosan ng mga Cananeo. Kaya ipinasakop sila ng Diyos sa mga Midianita sa loob ng pitong taon. Sinira ng mga Midianita ang mga pananim ng mga Israelita. Kaya humingi sila ng tulong sa Diyos upang sila ay iligtas. Isang araw, isang lalaki na nagngangalang Gideon ang naggigiik ng trigo. Patago ang kanyang paggiik upang hindi siya makita ng mga Midianita. Biglang nagpakita sa kanya ang anghel ng Diyos. Sinabi nito, “Humayo ka at iligtas ang Israel mula sa mga Midianita.” Sumagot si Gideon, “Pero paano ko po maililigtas ang Israel? Ako ay isang hamak lamang.” Sumagot ang Panginoon, “Tutulungan kita at lilipulin mo ang buong hukbo ng Midianita.” Nagbigay si Gideon ng handog na pagkain sa anghel. Inabot ng anghel ang pagkain sa pamamagitan ng tungkod na hawak niya. Bigla na lang lumabas ang apoy mula sa bato at tinupok ang handog. At naglaho ang anghel. Napatunayan ni Gideon na ang Diyos ang nakipag-usap sa kanya. (Tunog)

Larawan 14. Winasak ni Gideon ang mga dios-diosan

Larawan 14. Winasak ni Gideon ang mga dios-diosan

Mga Hukom 6:25-32

Ang pamilya ni Gideon ay sumasamba rin kay Baal at Ashera, ang mga dios-diyosan ng Canaan. Sinabi ng Diyos kay Gideon, “Gibain mo ang altar para kay Baal na ipinatayo ng iyong ama at gibain mo rin ang posteng simbolo ng diosang si Ashera na nasa tabi ng altar nito. Pagkatapos, magpatayo ka ng tamang altar para sa Diyos.” Natakot si Gideon sa mga tao, ngunit nais niyang sumunod sa Diyos, kaya noong gabing iyon ay nagsama siya ng sampung lalaki at giniba nila ang mga diyos diosan. Kinaumagahan, nakita ng mga tao ang ginawa ni Gideon, sila ay nagalit at nais siyang patayin, ngunit ipinagtanggol siya ng kanyang ama at nagsabi, "Kung si Baal ay totoong dios, maipagtatanggol niya ang kanyang sarili sa sumira ng kanyang altar.” Ngunit walang nangyari. Ang Diyos ay mas higit kaysa sa anumang diyos-diyosan na gawa sa kahoy, bato o anumang mga bagay. Nararapat Siya sa ating karangalan at katapatan. (Tunog)

Larawan 15. Ang pag-inom ng tubig ng hukbo ni Gideon

Larawan 15. Ang pag-inom ng tubig ng hukbo ni Gideon

Mga Hukom 7:1-7

Ang mga Midianita ay nagtipon upang labanan ang Israel. Pinangunahan ng Espirito ng Diyos si Gideon, siya at ang hukbo ng Israel ay nagtipon. Ngunit sinabi ng Diyos kay Gideon, “Napakarami mong kasama. Baka isipin nila na natalo nila ang mga Midianita dahil sa sarili nilang kakayahan at hindi dahil sa akin. Kaya sabihan mo sila na kung sino man ang natatakot ay maaari ng umuwi sa kani-kanilang tahanan.” Karamihan sa mga tauhan ni Gideon ay umuwi. Sinabi muli ng Diyos kay Gideon, “Marami pa rin ang naiwan. Dalhin mo sila sa ilog at susubukin ko sila at babawasan ko pa ang kanilang mga bilang.” Kaya dinala ni Gideon ang kanyang mga tauhan sa ilog upang uminom. Marami sa mga kalalakihan ang lumuhod at uminom ng tubig tulad ng pag inom ng isang aso. Tatlong daan lalaki lamang ang uminom ng tubig na gamit ang kanilang mga kamay. Sinabi ng Diyos, “Sa pamamagitan ng 300 mga lalaki na uminom na gamit ang kanilang mga kamay ay ililigtas ko kayo at pagtatagumpayin sa mga Midianita.” (Tunog)

Larawan 16. Pinalibutan ng hukbo ni Gideon ang kampo ng mga Midianita

Larawan 16. Pinalibutan ng hukbo ni Gideon ang kampo ng mga Midianita

Mga Hukom 7:12-25

Nagkampo sa lambak ang hukbo ng Midianita. Marami silang tauhan at kamelyo na hindi na mabilang. Napakalaki ng kanilang hukbo na tila kulupon/kawan ng balang sa lupa. Si Gideon ay mayroon lamang 300 kawal, ngunit sinabi sa kanya ng Diyos kung ano ang mga gagawin. Binigyan niya ang bawat isa ng trumpeta at mga banga na may ilaw sa loob nito. Maghahating gabi na ng pinalibutan nila ang kampo ng Midianita. Pagkatapos ay sabay-sabay silang gumawa ng isang malakas na ingay. Pinatunog nila ang mga trumpeta at binasag ang mga banga at sumigaw, "Ang tabak para sa Panginoon at kay Gideon!" Nagulat at nalito ang mga Midianita, at nagsimulang labanan ang isat-isa. Ang iba ay tumakas mula sa mga hukbo ni Gideon. Nagsugo rin si Gideon ng mensahe sa iba pang mga hukbo ng Israel at hinabol nila ang mga Midianita at napatay nila ang karamihan sa mga ito. (Tunog)

Larawan 17. Pinatay ni Samson ang leon

Larawan 17. Pinatay ni Samson ang leon

Mga Hukom 13:1 - 14:19

Pagkamatay ni Gideon, ang mga Israelita ay muling tumalikod sa Diyos. Kaya pinahintulutan ng Diyos na ipasakop sila sa mga Filisteo sa loob ng 40 taon. Pagkatapos ay nagpadala ang Diyos ng isa pang pinuno at binigyan siya ng kapangyarihan upang mailigtas ang Israel. Ang kanyang pangalan ay Samson. Nang dumating ang Espiritu ng Panginoon / Yehovah kay Samson, siya ay naging malakas. Hindi pinaputulan ni Samson ang kanyang buhok. Ang kanyang mahabang buhok ay palatandaan na siya ay para sa Diyos. Ito ang sekreto ng kanyang lakas. Si Samson ay nagkagusto sa isang babaeng Filisteo, kaya sinabi niya sa kanyang magulang, “Kunin ninyo siya para sa akin. Gusto ko siyang mapangasawa.” Sinabi naman sa kanya ng kanyang mga magulang, “Bakit hindi ka kumuha ng mapapangasawa mula sa ating angkan?” Ngunit hindi nagbago ang nais ni Samson, hindi alam ng kanyang mga magulang na ito ang plano ng Panginoon / Yehovah, ang magkaroon ng kaguluhan sa mga Filisteo.

Habang patungo si Samson sa tahanan ng babae, isang leon ang sumalakay sa kanya. Malakas si Samson kaya napatay niya ang leon gamit lamang ang kanyang kamay. Pagkalipas ng ilang araw muli siyang bumalik, doon siya dumaan sa kinaroroonan ng pinatay niyang leon. At nakita niya ang maraming pulot at pukyutan sa bangkay ng leon. Nang pumunta siya sa pamilya ng kanyang mapapangasawa, hinamon niya ng isang bugtong ang mga binatang Filisteo na kasama niya sa piging. Sinabi ni Samson, “Mula sa nangangain, lumabas ang pagkain, at mula sa malakas, matamis ay lumabas.” Sinabi muli ni Samson, “Kung mahuhulaan nʼyo ang bugtong na ito bago matapos ang pitong araw na piging, bibigyan ko kayo ng 30 pares ng damit. Subalit kung hindi nʼyo ito mahulaan, kayo ang magbibigay sa akin ng mga ito.” Lumipas ang mga araw subalit hindi mahulaan ng mga kalalakihan ang ibig sabihin ng bugtong, kaya kinausap nila ang kasintahan ni Samson, “Alamin mo ang sagot sa bugtong, kung hindi ay papatayin ka namin at ang pamilya ng iyong ama.” Kaya nagtungo siya kay Samson at umiiyak na humingi ng tulong na sabihin sa kanya ang ibig sabihin ng bugtong. At kalaunan ay sinabi rin ni Samson ang sagot. Nalaman ng mga binatang Filesteo ang sagot sa bugtong at sinabi ito kay Samson, “May tatamis pa ba sa pulot-pukyutan? At may lalakas pa ba sa leon?” Pinalakas ng Espiritu ng Diyos si Samson. Nagpunta siya sa Ashkelon at pumatay ng tatlumpung kalalakihan. Kinuha niya ang magagarang kasuotan ng mga ito at ibinigay sa mga nakasagot sa kanyang bugtong. Kaya umuwi si Samson sa kanyang magulang na galit na galit dahil sa nangyari. (Tunog)

Larawan 18. Sinusunog ni Samson ang mga pananim ng mga Filisteo

Larawan 18. Sinusunog ni Samson ang mga pananim ng mga Filisteo

Mga Hukom 15:1-17

Pagkalipas ng maikling panahon, bumalik si Samson sa Filisteo upang kunin ang kanyang asawa, ngunit ipinakasal na ito ng kanyang ama sa ibang lalaki. Sinabi ni Samson “Dahil sa ginawa niyo, huwag nyo akong sisihin sa mga gagawin ko sa inyong mga Filisteo.” Umalis si Samson at humuli ng tatlong daang asong-gubat. Pinagtatali niya ang mga ito sa buntot nang dala-dalawa at kinabitan ng sulo. Pagkatapos ay sinindihan niya ang sulo at pinakawalan sa triguhan ang mga asong-gubat. Ang lahat ng kanilang mga pananim ay nasunog. Kinamuhian ng mga Filisteo si Samson. Sinubukan nila siyang patayin, ngunit kumuha si Samson ng panga ng asno at pinatay ang isang libong mga Filisteo. (Tunog)

Larawan 19. Pinutol ng mga Filisteo ang buhok ni Samson

Larawan 19. Pinutol ng mga Filisteo ang buhok ni Samson

Mga Hukom 16:4-22

Si Samson ay muling nagkagusto sa isa pang babaeng Filisteo. Ang kanyang pangalan ay Delilah. Ang mga pinuno ng mga Filisteo ay pumunta sa babae at nag-alok ng salapi upang alamin kung ano ang nagpapalakas kay Samson. Kaya tinanong ni Delilah si Samson, “Sabihin mo naman sa akin kung saan nanggagaling ang iyong lakas. Paano ka ba maigagapos at madadaig?” Sumagot si Samson, “Kapag ako'y ginapos ng pitong sariwang yantok, manghihina ako gaya ng karaniwang tao.” Kaya ginawa ito ni Delilah habang ang ilang mga Filisteo ay nakatago sa kabilang silid. Pagkatapos ay sumigaw si Delilah, “Samson, may dumarating na mga Filisteo!” Ang yantok na iginapos kay Samson ay mabilis niyang naputol at hindi siya nahuli ng mga Filisteo. Dalawang beses pa itong nangyari. Una sinabi ni Samson na kailangan siyang itali ng mga bagong lubid, ngunit naputol niya ang mga lubid nang salakayin siya ng mga Filisteo. At sinabi rin niya, na kapag pinag-isa ang pitong tirintas ng kanyang buhok, saka ipinulupot sa isang tulos ay mawawala ang kanyang lakas, ngunit mabilis niyang nakalas sa tulos ang kanyang buhok. Umiiyak na nagmamakaawa si Delilah kay Samson na ipagtapat sa kanya kung saan nanggagaling ang kanyang lakas. Kaya ipinagtapat na ni Samson sa kanya, “Sinabi ng Diyos sa aking ama at ina na nakatalaga ako para maglingkod sa Diyos. Kapag pinutol ang aking buhok, mawawalan ako ng lakas.” Isang gabi habang natutulog si Samson, tinawag ni Delilah ang mga Filisteo, pinutol nila ang kanyang buhok. Sumigaw si Delilah, “Samson, may dumating na mga Filisteo para hulihin ka!” Nagising si Samson ngunit hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili. Nilisan ng Diyos si Samson at gayon din ng kanyang lakas. Binihag siya ng mga Filisteo at dinukot ang kanyang mga mata. Dinala siya sa bilangguan at pinagtrabaho bilang tagagiling ng trigo. Ngunit unti-unting tumubong muli ang kanyang buhok. (Tunog)

Larawan 20. Ang paglipol (puksa) ni Samson sa mga Filisteo

Larawan 20. Ang paglipol (puksa) ni Samson sa mga Filisteo

Mga Hukom 16:23-31

Nagdiwang ang mga pinuno ng mga Filisteo dahil nagtagumpay sila laban kay Samson. Sinabi nila, “Pinagtagumpay tayo ng dios natin laban sa kalaban nating si Samson.” Nagkaroon sila ng malaking pagdiriwang at nagbigay ng handog sa kanilang diyos diyosan. Inilabas nila si Samson mula sa bilangguan at pinatayo sa gitna ng dalawang haligi at ginawang katatawanan. Hiniling ni Samson sa isang utusan na Filisteo na hayaan siyang sumandal sa mga haligi na sumusuporta sa templo. Siksikan ang mga tao sa templo. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo. Sa bubungan ay may 3,000 tao, lalaki at babae. Nagkakasayahan silang nanonood kay Samson. Nanalangin si Samson sa Diyos, “O Panginoong Dios, alalahanin nʼyo po ako. Kung maaari, ibalik nʼyo po ang lakas ko kahit minsan pa.” At tinukod ni Samson kanyang mga kamay sa dalawang haligi sa gitna ng gusali, at gumuho ang gusali at nabagsakan silang lahat na naroroon. Si Samson at ang lahat ng mga Filisteo ay namatay nang magkasama. Mas maraming tao ang napatay ni Samson sa panahong iyon kaysa noong nabubuhay pa siya. Nang panahon ding iyon ay pinagtagumpay ng Diyos si Samson laban sa mga Filisteo. (Tunog)

Larawan 21. Nagpalayas si Jesus ng mga masasamang espiritu

Larawan 21. Nagpalayas si Jesus ng mga masasamang espiritu

Marcos 5:1-20; Mateo 8:28-34

Lumipas ang mahabang panahon pagkatapos nila Gideon at Samson, si Jesus ay nanirahan sa lupain ng Israel. Isang araw nakasalubong niya ang isang lalaki na sinasaniban ng masamang espirito. Ang taong ito ay palaging nasa libingan at sa kabundukan, sumisigaw at sinusugatan ang sarili gamit ang matatalas na bato. Siya ay nagpatirapa sa harap ni Jesus at sinabi, “Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano'ng pakay mo sa akin? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Dios, huwag mo akong pahirapan!” Alam ng mga espiritu na si Jesus ay Anak ng Diyos. Nagmakaawa ang masasamang espiritu na kung palalayasin sila ay payagan silang pumasok sa mga baboy. Kaya't inutusan ni Jesus ang masasamang espiritu na lisanin ang tao at pumasok sa kawan ng mga baboy na nasa malapit. Tumakbo ang mga baboy sa dagat at silang lahat ay nalunod. Nakita ng mga tao na si Jesus ay may kapangyarihan kay Satanas at sa mga masasamang espiritu. Oo, kahit ang mga espiritu ay kilala kung sino si Jesus at sila ay kailangang sumunod sa Kanya. Itinuturo sa atin ng Salita ng Diyos na natanggap ni Jesus ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Ang mga masamang espiritu ay may kapangyarihan, ngunit maaari silang maitaboy sa Pangalan ni Jesus, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang Banal na Espiritu. (Tunog)

Larawan 22. Pinalayas ni Jesus ang mga mangangalakal sa Templo ng Diyos

Larawan 22. Pinalayas ni Jesus ang mga mangangalakal sa Templo ng Diyos

Lucas 19:45-48; Juan 2:13-21

Isang araw ay nagtungo si Jesus sa templo ng Diyos sa Jerusalem. Naroon ang mga mangangalakal na nagbebenta ng mga hayop para sa pag aalay. Ngunit kumikita sila ng salapi sa pamamagitan ng pandaraya sa iba. Nagalit si Jesus. Sinabi Niya sa kanila, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.” Ipinagtabuyan ni Jesus palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga hayop. Si Jesus ay ang Dakilang Anak ng Diyos. May karapatan siyang palayasin ang mga mangangalakal sa Tahanan ng Kanyang Ama. Ngunit ang ilan sa mga Judio ay nagalit at nagsabi, “Anong himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Hindi maintindihan ng mga Judio ang ibig niyang sabihin. (Tunog)

Larawan 23. Ang pagkabubhay ni Jesus mula sa kamatayan

Larawan 23. Ang pagkabubhay ni Jesus mula sa kamatayan

Mateo 27:33 - 28:20

Si Jesus ay naglingkod nang tatlong taon. Nguni’t siya ay pinarusahan at pinatay ng mga Hudyo. Ipinako nila si Jesus sa isang krus na kahoy. Siya ay nakahandusay sa krus hanggang siya ay namatay. Ngunit sa ikatlong araw ay nabuhay siyang muli. Ito ang sinabi ni Jesus nang siya ay nangangaral sa mga tao. “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Ang tinutukoy Niya dito ang kanyang sarili. Pagkatapos nito napagtanto ng mga tao na si Jesus ay ang Tunay na Anak ng Diyos. Lumapit si Jesus at sinabi sa kanyang mga alagad, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Si Jesus ay may makapangyarihan laban kay satanas, sa kasalanan at sa kamatayan. Nagbibigay Siya ng bagong buhay sa lahat ng sumusunod sa Kanya. At nais Niyang ibahagi natin ang mensaheng ito sa lahat ng tao. (Tunog)

Larawan 24. Ang Kawal Para sa Diyos

Larawan 24. Ang Kawal Para sa Diyos

Efeso 6:10-18

Sa mga kwentong narinig ninyo nakita nyo na laging sinusubukan ni Satanas na kalabanin ang mga alagad ng Diyos at biguin ang mga plano ng Diyos. At ito ay nangyayari parin sa panahong ito. Si satanas, ang masama, ay patuloy na kumakalaban sa mga anak ng Diyos. Ngunit ipinadala ng Diyos ang Panginoong Jesus upang iligtas tayo sa masama. Nang muling nabuhay si Jesus mula sa kamatayan, ay winakasan na niya ang kapangyarihan ni Satanas. Binigyan ni Jesus ang kanyang mga tagasunod ng espirituwal na sandata upang labanan at pagtagumpayan ang puwersa ng kasamaan. Dapat tayong maging handa, tulad nang isang sundalo na laging handa sa digmaan.

Una, isuot natin ang kalo (helmet) ng kaligtasan. Nangangahulugan ito na ang ating isip at ang ating mga saloobin ay protektado at siguradong alam natin na iniligtas na tayo ng Diyos mula sa kaharian at kapangyarihan ni Satanas. Susubukan ni Satanas na maglagay ng mga pagdududa sa ating isipan, ngunit maaari tayong maging kumpiyansa sa kaligtasan na mayroon tayo kay Cristo. Isuot natin sa dibdib ang baluti ng katuwiran, ang lubos na kabutihan ni Jesus. Si Satanas, na tinatawag na Diablo, ay susubukan tayo na akusahan, na tayo ay hindi sapat na matuwid para sa Diyos. Sa sarili natin, ito totoo, na hindi sapat ang ating pagkatao, ngunit kung naninindigan at nagtitiwala tayo kay Jesus na tayo ay anak ng Diyos. Hindi na Niya tinitingnan ang ating mga naging kasalanan o pagkabigo. Ang mga ito ay inako na ni Jesus, ang tanging nakikita niya lamang ay ang kanyang katuwiran. Hindi tayo maliligtas ng sarili nating mabubuting gawa o nagawa, ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos tayo ay naligtas. Isuot natin ang sinturon ng katotohanan. Napakahalagang malaman kung ano ang sinabi sa atin ng Diyos sa Bibliya upang hindi tayo madaya ng mga maling katuruan. Susubukan tayong linlangin ni Satanas upang tayo ay magkasala. Malalaman natin ang kanyang mga kasinungalingan sa pamamagitan ng pagkaalam sa katotohanan tungkol sa Diyos. Hawakan natin ang kalasag ng pananampalataya na ginagamit upang mailigtas ang ating sarili laban sa mga pag-atake at kasinungalingan ng kaaway. Minsan hindi natin maiintindihan kung bakit nangyayari ang mga masasamang bagay o ang kalooban ng Diyos sa ating buhay. Sa mga panahong ito dapat tayong magtiwala sa Diyos at mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa mga bagay na ating nakikita lamang.

Isuot natin ang 'sapatos' (panyapak) at ating ibahagi ang mabuting balita ng kapayapaan saan man tayo makarating. Panghuli, hawakan natin ang tabak ng espiritu ng Diyos, ang Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng panalangin at ng espiritu ng Diyos maaari nating gamitin ang katotohanan mula salita ng Diyos upang talunin ang lahat ng puwersa ng kasamaan sa madilim na mundong ito. Sa pamamagitan ng Espirituwal na mga sandatang ito, ang mga tagasunod ni Jesus ay kabahagi na sa tagumpay at kaluwalhatian ng Diyos.

Informações pertinentes

Downloads gratuitos - Baixe gratuitamente áudios de histórias bíblicas e estudos em milhares de idiomas, além de ilustrações, roteiros e vários outros tipos de material para evangelismo e crescimento da igreja.

Audiovisual "Olhe, Ouça e Viva" - Um conjunto de 8 programas com 24 desenhos cada para ser usado em evangelização e doutrinas cristãs, apresenta personagens do Antigo Testamento, a vida de Jesus e a igreja primitiva.

Como usar os recursos audiovisuais da GRN - 1: Levando o Evangelho - Este artigo fala sobre algumas das muitas formas de se usar os recursos audiovisuais da GRN em seu ministério.

Como usar os recursos audiovisuais da GRN - 2: Ensinando a Palavra - Esse artigo explica como as pessoas aprendem através das histórias e por que as histórias não contêm muitos comentários.

Coleção de áudio da GRN - Material evangelístico e de ensino bíblico, adaptado às necessidades e cultura de cada povo em vários estilos e formatos.

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares its audio, video and written scripts under Creative Commons

Creating DVDs using the GRN Slide show Videos - How to burn DVDs for specific people groups you are trying to reach