unfoldingWord 36 - Ang Pagbabago ng Anyo ni Jesus
Esboço: Matthew 17:1-9; Mark 9:2-8; Luke 9:28-36
Número do roteiro: 1236
Idioma: Tagalog
Público alvo: General
Propósito: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Estado: Approved
Os roteiros são guias básicos para a tradução e gravação em outros idiomas. Devem ser adaptados de acordo com a cultura e a língua de cada região, para fazê-lo relevante. Certos termos e conceitos podem precisar de uma explicação adicional ou mesmo serem omitidos no contexto de certos grupos culturais.
Texto do roteiro
Isang araw isinama ni Jesus ang tatlo sa mga apostol niyang sina Peter, James at John. (Ang John na ito ay hindi ang John na nagbawtismo kay Jesus). Umakyat sila sa mataas na bundok para magdasal.
Habang nagdarasal si Jesus naging kasing liwanag ng araw ang mukha niya at ang damit niya. Wala pang ganitong liwanag ang nakitang mas hihigit pa sa liwanag na ito.
Pagkatapos biglang lumitaw sina Moses at Elijah. Nabuhay ang dalawang lalaking ito sa mundo daan-daang taon na ang nakalipas bago pa man ang pangyayaring ito. Nakipag-usap silang dalawa kay Jesus tungkol sa kamatayan niya na malapit nang mangyari sa Jerusalem.
Habang kinakausap nila Moses at Elijah si Jesus, sinabi ni Peter kay Jesus, “Maganda na narito tayo. Gumawa tayo ng masisilungan para sa inyong tatlo, isa para sa inyo, isa para kay Moses at isa para kay Elijah.” Hindi pinag-isipan ni Peter kung ano ang mga nasabi niya.
Habang nagsasalita pa si Peter bumaba ang isang maliwanang na ulap at pinalibutan sila. May boses galing sa ulap na nagsalita at sinabi, “Siya ang pinakamamahal kong Anak. Nalulugod ako sa kanya. Pakinggan niyo siya.” Napadapa sa lupa ang tatlong apostol dahil sa takot.
Hinawakan sila ni Jesus at sinabing, “Huwag kayong matakot. Tumayo kayo”. Pagtingin nila sa paligid wala na silang nakitang iba doon kundi si Jesus.
Bumaba na ng bundok sina Jesus at ang tatlo niyang apostol. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag muna ninyong ipagsabi sa iba ang nangyari dito. Malapit na akong mamatay pero mabubuhay akong muli. Pagkatapos maaari na ninyong ikuwento sa mga tao ang nangyari.”