unfoldingWord 22 - Ang Kapanganakan ni John

unfoldingWord 22 - Ang Kapanganakan ni John

Esboço: Luke 1

Número do roteiro: 1222

Idioma: Tagalog

Público alvo: General

Propósito: Evangelism; Teaching

Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture

Estado: Approved

Os roteiros são guias básicos para a tradução e gravação em outros idiomas. Devem ser adaptados de acordo com a cultura e a língua de cada região, para fazê-lo relevante. Certos termos e conceitos podem precisar de uma explicação adicional ou mesmo serem omitidos no contexto de certos grupos culturais.

Texto do roteiro

Sa mga lumipas na panahon ang Diyos ay nakikipagusap sa mga tao sa pamamagitan ng mga anghel at propeta, ngunit paglipas ng 400 na taon, hindi sila kinausap ng Diyos. Pero biglang may isang anghel mula sa Diyos ang dumating na mensahe para kay Zacharias, isang matandang pari. Si Zacharias at asawa niyang si Elizabeth ay makadiyos pero hindi pinalad na magkaanak si Elizabeth.

Sinabi ng anghel kay Zacharias, “Manganganak ang asawa mo ng batang lalaki. Pangalanan niyo siyang John. Gagabayan siya ng Banal na Espiritu at bibigyan ng pambihirang karunungan, ihahanda niya ang puso ng mga tao sa pagdating ng Messiah!” Sumagot si Zacharias at sinabi niya, “Paano ko malalaman kung mangyayari nga ito? Masyado na kaming matanda ng asawa ko.”

Sinabi ng anghel kay Zacharias, “Pinapunta ako sa iyo ng Diyos para sabihin ang mabuting balita. Dahil hindi ka naniwala sa sinabi ko, hindi ka makakapagsalita hanggang sa maipanganak ang bata.” Biglang hindi na nga makapagsalita si Zacharias at iniwan siya ng anghel. Pagkatapos umuwi na si Zacharias sa kanila at hindi nagtagal, nabuntis nga ang asawa niya.

Nang anim na buwan ng buntis si Elizabeth nagpakita ulit ang nasabing anghel sa kamag-anak niya na si Mary. Dalaga pa siya at nakatakdang magpakasal kay Joseph. Sinabi sa kanya ng anghel, “Mabubuntis ka at sanggol na lalaki ang ipapanganak mo. Jesus ang ipangalan mo sa kanya. Tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasang Diyos at maghahari siya magpakailanman.”

Sumagot si Mary, “Paano po ito mangyayari gayong isa po akong birhen?” Pinaliwanag ito ng anghel sa kanya at sinabing, “Mabubuntis ka sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu kaya ipapanganak na banal ang bata, ang Anak ng Diyos.” Naniwala at tinanggap nga ni Mary ang sinabi ng anghel.

Pagkalipas ng ilang araw binisita ni Mary si Elizabeth. Pagkarinig ni Elizabeth kay Mary, gumalaw ang bata sa tiyan niya. Masaya silang pareho dahil sa mga ginawa ng Diyos para sa kanila. Pagkatapos ng tatlong buwan ng pagbisita umuwi na si Mary.

Pagkatapos ipanganak ni Elizabeth ang anak nilang lalaki pinangalanan nila itong John gaya ng sinabi ng anghel sa kanila. Pinayagan na rin ng Diyos na makapagsalita na muli si Zacharias. Pinuri ni Zacharias ang Diyos at sinabi, “Purihin ang Diyos dahil hindi niya kinalimutan ang mga tao niya! Ikaw, anak ko ang tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos at ikaw ang magsasabi sa mga tao kung paano nila matatanggap ang kapatawaran sa mga kasalanan nila.”

Informações pertinentes

Palavras de Vida - A GRN tem mensagens evangelísticas em áudio em milhares de idiomas contendo a mensagem bíblica sobre a salvação e a vida cristã.

Downloads gratuitos - Baixe gratuitamente áudios de histórias bíblicas e estudos em milhares de idiomas, além de ilustrações, roteiros e vários outros tipos de material para evangelismo e crescimento da igreja.

Coleção de áudio da GRN - Material evangelístico e de ensino bíblico, adaptado às necessidades e cultura de cada povo em vários estilos e formatos.

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares its audio, video and written scripts under Creative Commons