unfoldingWord 09 - Tinawag ng Diyos si Moses
Esboço: Exodus 1-4
Número do roteiro: 1209
Idioma: Tagalog
Público alvo: General
Propósito: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Estado: Approved
Os roteiros são guias básicos para a tradução e gravação em outros idiomas. Devem ser adaptados de acordo com a cultura e a língua de cada região, para fazê-lo relevante. Certos termos e conceitos podem precisar de uma explicação adicional ou mesmo serem omitidos no contexto de certos grupos culturais.
Texto do roteiro
Pagkamatay ni Joseph, nanatili sa Egypt ang buong pamilya niya. Doon pa rin sila tumira nang maraming taon at doon na sila nagkaroon ng maraming anak. Tinawag silang mga Israelita.
Pagkalipas ng daan-daang taon, dumami ng husto ang mga Israelita. Nakalimutan na ng mga Egipcio si Joseph at lahat ng mga nagawa niyang tulong sa kanila. Natakot sila sa mga Israelita dahil masyado na silang marami kaya ginawang alipin ng namumunong Paraon noon sa Egypt ang mga Israelita.
Pinilit ng mga Egipcio na gumawa ang mga Israelita ng madaming gusali at pati mga lungsod. Naging napakahirap ang mga buhay nila dahil sa pagtatrabaho pero pinagpala pa rin sila ng Diyos at nagkaroon pa sila ng maraming mga anak.
Nakita din ng Paraon na maraming anak ang mga Israelita kaya inutusan niya ang mga tauhan niya na patayin lahat ang mga sanggol na lalaki na anak ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagtapon sa kanila sa Ilog Nile.
May isang babaeng Israelita na nanganak ng sanggol na lalaki. Itinago nila ng asawa niya ang bata sa abot ng makakaya nila.
Nang hindi na kayang itago ng mga magulang ang batang lalaki, inilagay nila ito sa basket at pinalutang sa may mga talahiban sa gilid ng Ilog Nile para hindi siya mapatay. Binantayan naman ng ate niya ang bata para makita kung ano ang mangyayari sa kanya.
Nakita ng anak na babae ng Paraon ang basket at tiningnan kung ano ang nasa loob. Nang makita niya ang sanggol, kinuha niya ito at tinuring na sariling anak. Naghanap siya ng babaeng Israelita at binayaran para pasusuhin ang bata pero hindi niya alam na siya pala mismo ang nanay ng bata. Nang lumaki na ang bata at hindi na kailangan ng gatas ng ina, isinauli na siya sa anak na babae ng Paraon na nagpangalan sa kanya ng Moses.
Isang araw nang malaki na si Moses, nakita niya ang isang Egipcio na nambubugbog ng aliping Israelita. Sinubukan ni Moses na iligtas ang kapwa niya Israelita.
Inakala ni Moses na walang nakakakita sa kanya kaya pinatay niya ang Egipcio at nilibing niya ang katawan pero may nakakita pala sa ginawa niya.
Nang marinig ng Paraon ang ginawa ni Moses, gusto niya siyang ipapatay. Nakatakas naman si Moses sa Egypt at nagpunta sa ilang para makaligtas sa mga sundalo ng Paraon.
Naging pastol si Moses sa ilang malayo sa Egypt. Nakapag-asawa si Moses roon at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki.
Isang araw habang pinapastol ni Moses ang mga tupa, nakakita siya ng maliit na punong- kahoy na nag-aapoy pero hindi natutupok ang punong-kahoy na ito. Lumapit si Moses para makita ito ng mas mabuti. Habang papalapit siya sa umaapoy na puno, nagsalita ang Diyos at sinabing, “Moses, tanggalin mo ang sandalyas mo dahil nakatayo ka sa banal na lugar.”
Sinabi ng Diyos, “Nakita ko kung paano pahirapan ang aking mga tao. Pumunta ka sa Paraon para mapalaya ang mga Israelita sa pagkakaalipin sa Egypt. Ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupang ipinangako ko kay Abraham, Isaac at Jacob.
Tinanong ni Moses ang Diyos “Paano po kapag tinanong ako ng mga tao kung sino ang nagpadala sa akin? Ano ang sasabihin ko?”Sumagot ang Diyos, “AKO AY KUNG SINO AKO, sabihin mo sa kanila ‘Ipinadala ako sa inyo ni, ’AKO NGA’ at sabihin mo rin sa kanila, ‘Ako si YAHWEH, ang Diyos ng ninuno niyo na sina Abraham, Isaac, at Jacob’. Ito ang pangalan ko magpakailanman.”
Natakot si Moses at ayaw niya magpunta sa Paraon, naisip niya kasi na hindi siya mahusay magsalita kaya ipinadala ng Diyos ang kapatid niyang si Aaron para tulungan siya. Binalaan ng Diyos si Moses at Aaron na magmamatigas ang Paraon.