Ang tanging tagapagligtas
ਰੂਪਰੇਖਾ: Dramatized story of dying girl who finds no help or comfort in her belief in penance, works, prayers to saints. Her brother explains that Christ is the only mediator and the only way to heaven. Use with caution in Catholic areas.
ਸਕ੍ਰਿਪਟ ਨੰਬਰ: 154
ਭਾਸ਼ਾ: Tagalog
ਥੀਮ: Christ (Saviour of Sinful Men, Mediator); Eternal life (Eternal / everlasting life); Living as a Christian (Forgiveness, Faith, trust, believe in Jesus); Character of God (Love of God); Life event (Death); Problems (Sickness)
ਦਰਸ਼ਕ: Catholic
ਮਕਸਦ: Evangelism
Features: Dialog; Messages and Fiction; Extensive Scripture
ਸਥਿਤੀ: Approved
ਲਿਪੀਆਂ ਦੂਜੀਆਂ ਭਾਸ਼ਾਵਾਂ ਵਿੱਚ ਅਨੁਵਾਦ ਅਤੇ ਰਿਕਾਰਡਿੰਗ ਲਈ ਬੁਨਿਆਦੀ ਦਿਸ਼ਾ-ਨਿਰਦੇਸ਼ ਹਨ। ਉਹਨਾਂ ਨੂੰ ਹਰੇਕ ਵੱਖਰੇ ਸੱਭਿਆਚਾਰ ਅਤੇ ਭਾਸ਼ਾ ਲਈ ਸਮਝਣਯੋਗ ਅਤੇ ਢੁਕਵਾਂ ਬਣਾਉਣ ਲਈ ਲੋੜ ਅਨੁਸਾਰ ਢਾਲਿਆ ਜਾਣਾ ਚਾਹੀਦਾ ਹੈ। ਵਰਤੇ ਗਏ ਕੁਝ ਨਿਯਮਾਂ ਅਤੇ ਸੰਕਲਪਾਂ ਲਈ ਵਧੇਰੇ ਵਿਆਖਿਆ ਦੀ ਲੋੜ ਹੋ ਸਕਦੀ ਹੈ ਜਾਂ ਪੂਰੀ ਤਰ੍ਹਾਂ ਬਦਲੀ ਜਾਂ ਛੱਡ ਦਿੱਤੀ ਜਾ ਸਕਦੀ ਹੈ।
ਸਕ੍ਰਿਪਟ ਟੈਕਸਟ
Victor: Si Maria ay patuloy ang panghihina. Matagal na siyang may sakit, at ang kanyang ina ay laging nagbabantay sa tabi ng kanyang higaan, na may takot, pero inaalagaan nya ang kanyang anak na si Maria para lang magtagal pa ang buhay nya... Tuwing umaga, itinatanong nya kay Maria..
Rose Nanay: oh anak, mabuti na ba ang pakiramdam mo ngayon?
Rose Maria: hindi inay, parang malapit na yata ang oras ko..malapit na yata akong mamatay...
Rose Nanay: Huwag ka ngang magsalita ng ganyan..
Rose Maria: Oo, nay, sigurado ako..natatakot ako, nay...parang ang dilim dilim....
Rose Nanay: Pero anak, di ba nangumpisal ka sa pari kagabi..At ikaw ay nabinyagan...at isa pa, mabuti kang bata..lagi nag aatend ng misa at nagdadasal"..
Maria: ...."alam ko po, nay, pero alam ko rin po, di pa ako handang mamatay. Pinag usapan na namin ni kuya ito noon. Hindi pa namin nararamdaman na talagang ang aming mga kasalanan ay napatawad na, kahit pagkatapos ng misa, at mga dasal namin, at kahit pa yung mga pinetensya namin....
Rose Nanay : sino yan? Teka anak, sandali, bubuksan ko lang ang pinto, ha?
Victor: Hoy Maria, kapatid ko, kumusta ka na?
Rose Maria: Hoy, kuya, masayang masaya ako at dumating ka..
Victor: Maria, mahal kong kapatid, meron akong magandang balita para sayo! Nakita ko ang aklat na ito, ang biblia, napakaraming mabuti, mga mabubuting salita na sagot sa ating mga tanong, kung paano tayo magkakaroon ng kapayapaan sa ating puso, at kung paano natin malalaman na tinanggap tayo ng Diyos, at paano nya tayo patatawarin sa ating mga kasalanan....Ito ay salita mismo ni Jesus na ating Panginoon...ang sabi Nya: Sinisigurado ko sa iyo, ang sumasampalataya sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan...minamahal kita ng walang hanggang pagmamahal...at kung sinoman ang lumapit sa akin ay hindi ko ikakaila..
Rose Maria: oh kuya...salamat!!! inalis mo ang takot ko...
Victor: Oo, maria, pag nanampalataya ka at nagtiwala kay Jesus, ikaw ay maliligtas. Iniligtas tayo ni Jesus sa sumpa ng kautusan...dahil sya ay ginawang sumpa para sa atin..sya, at tanging sya lamang ang tangi nating tagapamagitan. Dumeretso lamang tao sa kanya...kasi..siya lamang ang makakapagpatawad sa ating mga kasalanan, pag naniwala tayo sa kanya at tinanggap natin sya, ang dugo nya ang lilinis sa ating mga kasalanan. Sabi nga ni apostle Peter: walang ibang pangalan sa langit o lupa kung saan tayo ay maliligtas...
Rose Maria: Gusto kong magtiwala sa kanya..alam ko, totoo yun, pero...ayaw ko sanang talikuran ang mga dati kong gawi..pwede ko pa bang pagtiwalaan ang mga dati kong sinasamba at ginagawa?
Victor: Maria, mahal kong kapatid, sabi ni Jesus..walang sinoman ang makakaparoon sa Diyos Ama maliban sa pamamagitan Ko...kailangan, si Jesus lang ang papanampalatayahan mo..kung maghahanap ka ng ibang bagay, o ibang tao para magligtas sayo, hindi ka nya matutulungan...
Rose Maria: Pero, kuya, gusto ko talaga iligtas nya ako. Lalapit ako sa kanya...ngayon!
Victor: O sige Maria, gawin mo yan!
Rose Maria: Panginoong Hesus, nandito ako lumalapit sa iyo, yakapin mo ako ng iyong pagmamahal...ako ay nag aalala, at ako ay natatakot. Inaamin ko na ako ay makasalanan, patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, pumasok ka sa aking puso, at ikaw ang maghari sa aking buhay, ngayon at magpakailan man. Ito ay ang aking dalangin, sa pangalan ni Jesus, Amen.
Victor: Amen. Rose: Kaibigan, ay buhay natin dito sa mundo ay may hangganan. Tayo man ay mayaman o mahirap, ano man ang katayuan natin sa buhay dito sa lupa, dadating ang panahon na tayo ay mamamatay..ang tanong ko sa yo...handa ka ba sa araw na iyon? Sigurado ka ba na mapupunta ka sa langit? Alam mo ba na ang kailangan mo ay tanging si Jesus lamang upang ikaw ay maligtas? Hindi ka maliligtas ng ayon sa iyong mabubuting gawi. Sya lamang ang daan patungo sa buhay na walang hanggan...