unfoldingWord 30 - Pinakain ni Jesus ang Limanlibong Katao
Samenvatting: Matthew 14:13-21; Mark 6:31-44; Luke 9:10-17; John 6:5-15
Scriptnummer: 1230
Taal: Tagalog
Gehoor: General
Doel: Evangelism; Teaching
Kenmerke: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Toestand: Approved
De scripts dienen als basis voor de vertaling en het maken van opnames in een andere taal. Ze moeten aangepast worden aan de verschillende talen en culturen, om ze zo begrijpelijk en relevant mogelijk te maken. Sommige termen en begrippen moeten verder uitgelegd worden of zelfs weggelaten worden binnen bepaalde culturen.
Tekst van het script
Pinapunta ni Jesus ang mga apostol niya sa mga ibat-ibang nayon para mangaral at magturo sa mga tao. Pagbalik nila kay Jesus sinabi nila sa kanya ang mga ginawa nila. Pagkatapos niyaya sila ni Jesus na magpahinga ng sandali sa isang tahimik na lugar doon sa kabilang pampang ng lawa kaya sumakay sila sa bangka at umalis.
Pero nakita ng maraming tao ang pag-alis nila Jesus at ng mga apostol. Patakbo silang dumaan sa gilid ng pampang para makarating sa kabilang dako. Pagdating nila Jesus doon maraming tao na ang naghihintay sa kanila.
Mahigit limanlibong mga lalaki ang naroon at hindi pa kasama sa bilang ang mga babae at mga bata. Naawa sa kanila si Jesus dahil para silang mga tupa na walang tagapag-alaga kaya nangaral si Jesus sa ang mga tao at pinagaling niya ang mga may sakit.
Nang malapit nang dumilim sinabi ng mga apostol kay Jesus, “Hapon na at walang malapit na bayan dito kaya pakisabihan niyo ang mga tao na humayo at maghanap ng kakainin nila .”
Pero sinabi sa kanila ni Jesus, “Pakainin niyo sila”. Sumagot naman ang mga apostol, “Paano po namin gagawin iyon gayong limang tinapay at dalawang maliit na isda lang ang pagkain na mayroon tayo?”
Inutusan ni Jesus ang mga apostol na paupuin ang mga tao sa damuhan at ipangkat sila na may tiglilimampung tao sa bawat grupo.
Pagkatapos ay kinuha ni Jesus ang limang tinapay at ang dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos para sa mga pagkain.
Hinati-hati ni Jesus ang mga tinapay at mga isda. Ibinigay niya ang mga nahating pagkain sa mga apostol niya para ipamahagi sa mga tao. Pinasa ng pinasa ng mga apostol ang mga pagkain ngunit hindi ito nauubos. Lahat ng tao ay nakakain at nabusog.
Pagkatapos ay tinipon ng mga apostol ang mga sumobrang pagkain at kasya pa ito sa 12 na baskets. Ang lahat ng pagkain ay nanggaling lang sa limang tinapay at dalawang isda.