unfoldingWord 47 - Si Paul at Silas
रूपरेखा: Acts 16:11-40
लिपि नम्बर: 1247
भाषा: Tagalog
दर्शक: General
उद्देश्य: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
स्थिति: Approved
लिपिहरू अन्य भाषाहरूमा अनुवाद र रेकर्डिङका लागि आधारभूत दिशानिर्देशहरू हुन्। तिनीहरूलाई प्रत्येक फरक संस्कृति र भाषाको लागि बुझ्न योग्य र सान्दर्भिक बनाउन आवश्यक रूपमा अनुकूलित हुनुपर्छ। प्रयोग गरिएका केही सर्तहरू र अवधारणाहरूलाई थप व्याख्याको आवश्यकता हुन सक्छ वा पूर्ण रूपमा प्रतिस्थापन वा मेटाउन पनि सकिन्छ।
लिपि पाठ
Habang naglalakbay si Saul sa buong imperyo ng Roma, dito niya na ginamit ang pangalan niyang Romano na Paul. Isang araw, si Paul at ang kaibigan niyang si Silas ay nagpunta sa bayan ng Philippi para ipangaral ang mabuting balita ni Jesus. Pumunta sila sa isang lugar na malapit sa ilog na makikita sa labas ng lungsod. Nagpupunta ang mga tao dito para magdasal. Nakilala nila doon ang babaeng nagngangalang Lydia na isang negosyante. Mahal niya ang Diyos at sinasamba niya ito.
Binuksan ng Diyos ang puso ni Lydia para maintindihan niya ang mensahe tungkol kay Jesus at dahil dito nagpabawtismo siya at ang pamilya niya. Inimbitahan ni Lydia si Paul at Silas na pansamatalang manatili sa bahay nila at ganoon nga ang ginawa nila.
Madalas makipagkita si Paul at Silas sa mga tao sa lugar na pinagdadasalan. Sa bawat araw ng pagpunta nila doon, isang aliping babae na sinapian ng demonyo ang sumusunod-sunod sa kanila. Ang babaeng ito ay nakakapanghula ng mangyayari sa mga tao sa pamamagitan ng demonyong ito kaya kumikita ng maraming pera ang mga amo niya dahil sa panghuhula niya.
Habang naglalakad sila, palaging sumisigaw ang babaeng alipin ng ganito, “Ang mga lalaking ito ay alagad ng kataas-taasang Diyos. Sasabihin nila sa inyo ang daan para maligtas!” Paulit-ulit niya itong ginagawa kaya nainis si Paul.
Minsan nang magsimulang sumigaw ang babae, hinarap siya ni Paul at sinabi sa demonyong nasa kanya, “Lumabas ka sa kanya, sa pangalan ni Jesus!” Umalis nga kaagad ang demonyo sa babaeng ito.
Nagalit naman ang mga amo ng babaeng alipin. Alam nila na kapag wala ang demonyo hindi mahuhulaan ng babaeng alipin ang mangyayari sa mga tao at dahil dito wala ng magpapahula at wala ng kikitain ang mga amo ng babae.
Kaya kinaladkad ng mga amo ng babaeng alipin si Paul at Silas papunta sa mga kinauukulan ng Roma. Hinagupit sila at ikinulong.
Inilagay nila si Paul at Silas sa kulungan kung saan mahigpit ang pagbabantay, pati mga paa nila ay nakakadena pa. Kahit ganito ang sitwasyon kumakanta pa rin sila ng awit ng papuri para sa Diyos sa kalagitnaan ng gabi.
Pagkatapos biglang nagkaroon ng malakas na lindol! Nabuksan lahat ang mga pinto sa kulungan at nakalas lahat ng kandado ng mga nakakulong.
Nagising ang bantay at natakot siya nang makita niya na bukas ang pinto ng mga kulungan! Inakala niya na nakatakas na lahat ang mga bilanggo kaya binalak niyang magpakamatay (Alam niyang papatayin siya ng mga kinauukulan kapag nakatakas ang mga bilanggo) pero nakita siya ni Paul at napasigaw, “Tumigil ka! Huwag mong saktan ang sarili mo. Narito pa rin kaming lahat.”
Nanginginig sa takot ang bantay habang papalapit kina Paul at Silas at tinanong niya sila, “Ano ba ang dapat kong gawin para maligtas?” Sumagot si Paul, “Maniwala ka kay Jesus, ang Panginoon, ikaw at ang pamilya mo ay maliligtas.” Pagkatapos noon ay sinama ng bantay si Paul at Silas sa bahay niya at hinugasan ang mga sugat nila. Ipinangaral ni Paul ang mabuting balita tungkol kay Jesus sa lahat ng naroon sa bahay nila.
Ang bantay ng kulungan at buong pamilya niya ay naniwala kay Jesus at nabawtismuhan. Ipinaghanda nila ng pagkain sina Paul at Silas at nagsama-sama sila upang magdiwang.
Kinabukasan pumayag na ang mga pinuno ng lungsod na palayain sina Paul at Silas at kinausap na maaari na silang umalis sa Philipi pero bago sila tuluyang umalis sa lungsod, dumaan muna sila Paul at Silas kina Lydia at iba pang mga kaibigan. Ang mabuting balita tungkol kay Jesus ay kumalat ng kumalat at ang simbahan ay lumago ng lumago.
Si Paul at ang iba pang pinuno ng mga kristiyano ay naglakbay sa maraming lungsod para ipangaral at ituro nila ang mabuting balita tungkol kay Jesus sa mga tao. Gumawa din sila ng mga sulat para sa mga mananampalataya sa mga simbahan para palakasin at turuan sila. Naging bahagi ng Bibliya ang ibang sulat na ito.