unfoldingWord 19 - Ang mga Propeta
रुपरेषा: 1 Kings 16-18; 2 Kings 5; Jeremiah 38
स्क्रिप्ट क्रमांक: 1219
इंग्रजी: Tagalog
प्रेक्षक: General
उद्देश: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
स्थिती: Approved
स्क्रिप्ट हे इतर भाषांमध्ये भाषांतर आणि रेकॉर्डिंगसाठी मूलभूत मार्गदर्शक तत्त्वे आहेत. प्रत्येक भिन्न संस्कृती आणि भाषेसाठी त्यांना समजण्यायोग्य आणि संबंधित बनविण्यासाठी ते आवश्यकतेनुसार स्वीकारले जावे. वापरलेल्या काही संज्ञा आणि संकल्पनांना अधिक स्पष्टीकरणाची आवश्यकता असू शकते किंवा अगदी बदलली किंवा पूर्णपणे वगळली जाऊ शकते.
स्क्रिप्ट मजकूर
Sa buong kasaysayan ng Israel, pumipili ang Diyos ng mga propeta nila. Sinasabi ng Diyos ang mensahe niya sa mga propeta at ang mga propeta naman ang magsasabi ng mensahe sa mga tao.
Noong si Ahab ang hari sa Kaharian ng Israel, si Elijah ang propeta ng panahon na iyon. Napakasama ni Ahab dahil hinikayat niya ang mga tao na sumamba sa diyos-diyosang si Baal. Dahil dito sinabi ni Elijah kay Ahab, “Hindi uulan ni magkakaroon man lang ng hamog sa Kaharian ng Israel hangga’t hindi ko sinasabi.” Galit na galit si Ahab dahil dito.
Sinabihan ng Diyos si Elijah na pumunta sa batis doon sa ilang para magtago dahil gusto siyang ipapatay ni Ahab. Sa pamamalagi niya sa ilang dinadalhan siya ng tinapay at karne ng mga ibon tuwing araw at gabi. Samantala hinanap siya ni Ahab at ng mga sundalo niya pero hindi nila siya makita. Hindi nagtagal dahil sa walang ulan naging tigang ang kalupaan at pati ang batis ay unti-unti na ring natuyo.
Kaya pumunta si Elijah sa kalapit na bansa at mayroong babaeng balo sa lugar na iyon na may anak na lalaki. Nang panahon na iyon malapit na silang maubusan ng pagkain dahil tag-gutom noon at hindi umuulan pero kahit ganoon, pinatuloy pa rin nila si Elijah at pinakain ng natitira nilang pagkain kaya biniyayaan sila ng Diyos. Hindi na sila naubusan ng harina at langis kaya nagkaroon sila ng pagkain sa buong panahon ng tag-gutom. Nanatili doon si Elijah ng ilang mga taon.
Pagkalipas ng tatlo’t kalahating taon sinabi ng Diyos kay Elijah na bumalik na siya sa kaharian ng Israel at kausapin niya si Ahab dahil magkakaroon na ulit ng ulan. Pero nang makita ni Haring Ahab si Elijah sinabi niya, “Nandito ka na pala, ikaw na dahilan ng paghihirap namin”. Sumagot naman si Elijah, “Hindi! Ikaw ang totoong dahilan ng paghihirap dito dahil kinalimutan mo si Yahweh, ang tunay na Diyos, at sumamba ka kay Baal. Isama mo lahat ng mamamayan ng Kaharian ng Israel at papuntahin sa Bundok ng Carmel”.
Kaya nagpunta nga ang mga mamamayan ng Israel kasama ang 450 na propeta ni Baal sa Bundok Carmel. Kinausap ni Elijah ang mga tao, “Kailan ba kayo maninindigan? Kung si Yahweh ang Diyos, siya ang paglingkuran niyo at kung si Baal naman ang gagawin niyong diyos, siya ang paglingkuran niyo.”
Pagkatapos ay sinabi ni Elijah sa mga propeta ni Baal, “Magkatay kayo ng baka at ihanda bilang alay pero huwag kayong magsisindi ng apoy, ganoon din ang gagawin ko sa iaalay ko. Ang diyos na magpapaapoy dito sa mga alay ay siyang tunay na Diyos.” Kaya naghanda nga ang mga pari ni Baal ng mga alay at hindi sila nagsindi ng apoy.
Pagkatapos nanalangin ang mga propeta ni Baal, “Oh Baaaaaal, pakinggan mo kami!” Maghapon silang pasigaw na nananalangin para paapuyin ang kanilang alay. Gamit ang mga patalim pinaghihiwa nila ang mga katawan nila pero walang sagot si Baal.
Pagsapit ng hapon naghanda na si Elijah ng alay niya para sa Diyos. Pinabuhusan pa niya sa mga tao ng labindalawang malalaking timba ng tubig ang handog niya hanggang sa nabasa ng husto ang alay pati na ang kahoy at ang lupa sa pagilid ng altar.
Pagkatapos, nanalangin si Elijah, “Oh Yahweh, Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob, ipakita niyo po ngayon sa amin na ikaw ang Diyos ng Israel at ako naman ang iyong lingkod. Sagutin niyo po ang panalangin ko para malaman ng mga tao na ikaw ang tunay na Diyos.”
Kaagad bumagsak mula sa langit ang apoy at tinupok nito ang alay, ang kahoy at ang mga bato, maging ang tubig na nasa paligid ng altar ay natuyo. Nang makita ito ng mga tao lumuhod sila at sinabi, “Si Yahweh nga ang tunay na Diyos! Siya talaga ang Diyos!”
Pagkatapos iniutos ni Elijah, “Huwag niyong pabayaang makatakas ang kahit isa sa mga propeta ni Baal.” Kaya hinuli ng mga tao ang mga propeta ni Baal at inilayo at saka pinagpapatay.
Sinabi ni Elijah kay Haring Ahab, “Bumalik ka na agad sa lungsod dahil uulan na.” Hindi nagtagal, biglang dumilim ang kalangitan at nagsimulang umulan ng malakas, nagwakas na ang tagtuyot at dahil dito napatunayan ni Yahweh na siya nga ang tunay na Diyos.
Pagkatapos ng paglilingkod ni Elijah, si Elisha ang pinili ng Diyos na gawing propeta bilang kapalit niya.Gumawa ng maraming himala ang Diyos sa pamamagitan ni Elisha. Isa sa mga himalang ito ang nangyari kay Naaman na isang pinuno ng kaaway na may nakakadiring sakit sa balat. Ganito ang nangyari. Nabalitaan niya ang tungkol kay Elisha kaya pumunta siya sa kanya para magpagamot at gumaling. Sinabi ni Elisha sa kanya na ilublob niya ang sarili niya ng pitong beses sa Ilog Jordan.
Nang marinig ito ni Naaman nagalit siya at ayaw niya itong gawin dahil mukhang hindi ito kapani-paniwala. Pero hindi nagtagal naniwala rin siya at inilublob niya ang sarili niya ng pitong beses sa Ilog Jordan. Sa ikapitong pag-ahon ni Naaman nawala ang nakakadiring sakit niya sa balat dahil pinagaling siya ng Diyos!
Marami pa ang pinili ng Diyos para maging propeta. Lahat ng mga propetang ito ay nagturo sa mga tao na dapat na silang mamuhay ng matuwid, itigil ang pagsamba sa mga diyos-diyosan at dapat magpakita na rin sila ng hustisya at habag sa kapwa. Binalaan din nila ang mga tao na kapag hindi nila sinunod ang Diyos hahatulan silang makasalanan at paparusahan sila ng Diyos.
Madalas na hindi sumusunod ang mga tao sa Diyos. Madalas rin nilang pinagmamalupitan ang mga propeta at minsan ay pinapatay pa nila. Minsan din nilang inihulog ang propetang si Jeremiah sa isang balon na walang tubig at lumubog siya sa putik sa ilalim ng balon, iniwan siya doon para mamatay pero dahil naawa sa kanya ang hari at iniutos niya sa mga lingkod niya na iahon si Jeremiah palabas ng balon bago pa siya tuluyang mamatay.
Kahit kinasusuklaman sila ng mga tao patuloy na nangaral ang mga propeta para sa Diyos. Binalaan nila ang mga tao na kapag hindi sila nagsisi, paparusahan sila ng Diyos. Ipinaalala din nila sa mga tao na darating ang ipinangako ng Diyos na Messiah.