unfoldingWord 50 - Babalik si Jesus
Тойм: Matthew 13:24-42; 22:13; 24:14; 28:18; John 4:35; 15:20; 16:33; 1 Thessalonians 4:13-5:11; James 1:12; Revelation 2:10; 20:10; 21-22
Скриптийн дугаар: 1250
Хэл: Tagalog
Үзэгчид: General
Зорилго: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Статус: Approved
Скрипт нь бусад хэл рүү орчуулах, бичих үндсэн заавар юм. Тэдгээрийг өөр өөр соёл, хэл бүрт ойлгомжтой, хамааралтай болгохын тулд шаардлагатай бол тохируулсан байх ёстой. Ашигласан зарим нэр томьёо, ухагдахууныг илүү тайлбарлах шаардлагатай эсвэл бүр орлуулах эсвэл бүрмөсөн орхиж болно.
Скрипт Текст
Halos 2,000 na taon na ang nakalipas, nadaragdagan ng nadaragdagan ang mga taong nakakarinig ng mabuting balita tungkol kay Jesus, ang Tagapagligtas kaya patuloy na lumalago ang Simbahan. Ipinangako ni Jesus na babalik siya sa katapusan ng mundo. Kahit hindi pa siya bumabalik tutuparin niya ang pangako niya.
Sa paghihintay natin kay Jesus, gusto ng Diyos na mamuhay tayo ng matuwid sa paraang nagbibigay karangalan sa kanya. Gusto niya rin na ibahagi natin sa iba ang tungkol sa kanyang kaharian. Noong namumuhay si Jesus dito sa mundo sinabi niya, “Ihahayag ng mga disipulo ko ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos sa lahat ng tao sa buong mundo at pagkatapos nito ay darating na ang katapusan.”
Marami pang iba’t-ibang lahi sa buong mundo ang hindi pa naririnig ang tungkol kay Jesus kaya bago siya bumalik sa langit, sinabi ni Jesus sa mga Kristiyano na ihayag ang mabuting balita sa mga taong hindi pa nakaririnig nito. Sinabi niya, ’’Humayo kayo at gawin niyong alagad ko ang mga tao mula sa iba’t-ibang lugar!“ dahil, “Ang mga pananim ay handa na para anihin!”
Sinabi rin ni Jesus, “Ang lingkod ay hindi higit sa kanyang pinagsisilbihan. Kung paanong kinamuhian at pinahirapan ako ng mga nasa katungkulan ganoon din ang gagawin sa inyo. Pahihirapan at papatayin kayo dahil sa akin. Kahit maghirap kayo dito sa mundo, palakasin ninyo ang loob niyo dahil natalo ko na si Satan na namumuno dito sa mundo. Kung mananatili kayong tapat sa akin hanggang huli, ililigtas kayo ng Diyos!”
Nagkwento si Jesus sa mga disipulo niya para maipaliwanag ang mangyayari sa mga tao sa katapusan ng mundo. Sinabi niya, “May taong nagtanim ng buto sa kanyang taniman. Habang natutulog siya may nagtanim ng buto ng damo kasama ng mga buto ng mga trigo at saka siya umalis.”
“Nang tumubo na ang mga naitanim sinabi ng mga lingkod sa kanilang amo, ‘Amo magaganda ang mga buto na itinanim ninyo pero bakit may mga kasamang tumubong damo roon?’ Sumagot naman ang amo at sinabi, ‘Marahil itinanim iyon ng kaaway.’”
“Sumagot muli ang mga lingkod, ‘Dapat ba naming bunutin ang mga damo?’ Sinabi ng amo, ‘Huwag, may mga mabubunot rin kayong mga trigo kung gagawin niyo iyon. Hintayin ninyo ang anihan at saka ninyo tipunin ang mga damo para sunugin, kunin niyo naman ang mga trigo at dalhin sa aking kamalig.”’
Hindi naintindihan ng mga alagad ang kwento ni Jesus kaya hiniling nila kay Jesus na ipaliwanag iyon. Sinabi ni Jesus, “Ang amo nilang nagtanim ay inihalintulad sa Tagapaglitas. Ang taniman naman ay ang mundo at ang magagandang buto naman ay ang mga tao na kabilang sa kaharian ng Diyos.”
“Ang mga damo naman ay ang mga taong kabilang sa masama. Ang kaaway naman na nagtanim ng mga damo ay ang diyablo. Ang anihan naman ay inihalintulad sa katapusan ng mundo at ang mga lingkod naman na nag-ani ay mga anghel ng Diyos.”
“Sa katapusan ng mundo titipunin ng mga anghel ang mga taong kabilang sa masama at itatapon sila sa naglalagablab na apoy kung saan magngingitngit ang mga ngipin nila sa daranasin nilang matinding hirap. Ang mga matutuwid naman ay magniningning na parang araw sa kaharian ng Diyos na kanilang Ama.”
Sinabi din ni Jesus na babalik siya bago dumating ang katapusan ng mundo. Babalik siya katulad ng pag-alis niya na may katawang tao at darating siya sa ibabaw ng mga ulap sa kalangitan. Sa pagbalik ni Jesus, lahat ng mga Kristiyanong namatay ay babangon mula sa kamatayan at magkikita sila ni Jesus sa kalangitan.
Pagkatapos ang mga Kristiyanong nabubuhay ay pupunta rin sa kalangitan at makakasama nila ang mga Kristiyanong bumangon mula sa kamatayan. Makakasama nilang lahat doon si Jesus. Pagkatapos mamumuhay tayo kasama ni Jesus na may kapayaaan at pagkakaisa magpakailanman.
Ipinangako ng Diyos na magbibigay siya ng korona sa lahat ng maniniwala sa kanya. Maghahari sila kasama ng Diyos na may ganap na kapayapaan magpakailanman.
Hahatulan naman ng Diyos ang lahat ng hindi naniniwala kay Jesus. Itatapon niya sila sa impiyerno kung saan iiyak sila at magngingitngit ang ngipin nila sa sobrang paghihirap na mararanasan nila magpakailanman. Patuloy silang susunugin ng apoy na hindi namamatay at kakainin sila ng mga uod ng walang tigil.
Pagbalik ni Jesus tuluyan niyang wawasakin si Satan pati na ang kaharian niya. Itatapon niya si Satan sa impiyerno at masusunog siya roon magpakailanman kasama ng mga taong mas pinili pang sumunod sa kanya kaysa sa Diyos.
Dahil sinuway ni Adam at Eve ang Diyos at nagdala sila ng kasalanan dito sa mundo, isinumpa ng Diyos ang mundo at napagdesisyunan niya itong sirain pero balang araw gagawa ang Diyos ng bagong langit at bagong lupa na walang kapintasan.
Si Jesus at ang mga taong nabibilang sa kanya ay mabubuhay sa bagong mundo, at maghahari siya magpakailanman sa lahat ng mga nabubuhay. Pupunasan niya ang mga luha, mawawala na ang mga paghihirap, kalungkutan, pag-iyak, kasamaan, hinagpis o kamatayan. Maghahari ang Diyos ng may katarungan at kapayapaan kasama ang mga taong nabibilang sa kanya magpakailanman.