unfoldingWord 42 - Ang Pagbalik ni Jesus sa Langit
개요: Matthew 28:16-20; Mark 16:12-20; Luke 24:13-53; John 20:19-23; Acts 1:1-11
스크립트 번호: 1242
언어: Tagalog
청중: General
목적: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
지위: Approved
이 스크립트는 다른 언어로 번역 및 녹음을위한 기본 지침입니다. 그것은 그것이 사용되는 각 영역에 맞게 다른 문화와 언어로 조정되어야 합니다. 사용되는 몇 가지 용어와 개념은 다른 문화에서는 다듬어지거나 생략해야 할 수도 있습니다.
스크립트 텍스트
Nang araw na binuhay si Jesus mula sa mga patay dalawa sa mga alagad niya ay nagpunta sa kalapit- bayan. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari kay Jesus habang naglalakad sila. Umasa sila na si Jesus ang Tagapagligtas pero pinatay naman siya. Noong sinabi ng mga babae na buhay siya hindi nila alam kung paniniwalaan nila ito.
Nilapitan sila ni Jesus at sinabayan sa paglalakad pero hindi nila siya nakilala. Tinanong sila ni Jesus kung ano ba ang pinag-uusapan nila at ikinuwento nila ang lahat ng mga pambihirang bagay na nangyari noong mga nagdaang araw tungkol kay Jesus dahil inakala nilang dayuhan siya na walang kaalam-alam sa mga nangyari sa Jerusalem.
Ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang salita ng Diyos tungkol sa Messiah. Ipinaalala ni Jesus sa kanila ang sinabi ng mga propeta na pahihirapan at papatayin ang Messiah pero muling bubuhayin pagkalipas ng tatlong araw. Magdidilim na nang makarating sa bayan ang dalawang disipulo at nagpasya silang magpalipas na doon ng gabi.
Kaya niyaya ng dalawa si Jesus na sumama sa kanila at sumama naman siya. Bago sila kumain kumuha ng tinapay si Jesus at nagpasalamat sa Diyos at pagkatapos hinati-hati niya ito. Dahil dito kaagad na nilang nakilala na siya pala si Jesus pero noong mga sandaling iyon bigla siyang nawala.
Nag-usap ang dalawang lalaki at sinabing, “Si Jesus pala iyon kaya pala masarap sa pakiramdam habang ipinapaliwanag niya ang salita ng Diyos sa atin!” Nagmadali silang bumalik sa Jerusalem at pagkarating nila ibinalita nila sa mga apostol, “Buhay si Jesus! Nakita namin siya!”
Habang nag-uusap ang mga apostol biglang nagpakita si Jesus sa kwarto at sinabi, “Ang kapayapaan ay sumainyo!” Inakala ng mga apostol na multo si Jesus pero sumagot siya, “Bakit kayo natatakot at nag -aalinlangan? Tingnan niyo ang mga kamay at paa ko. Ang multo ay walang laman ngunit ako ay mayroon.” Para patunayan na hindi siya multo, humingi siya ng makakain. Binigyan nila si Jesus ng lutong isda at kinain niya ito.
Sinabi ni Jesus, “Sinabi ko naman sa inyo na lahat ng nasusulat sa salita ng Diyos tungkol sa akin ay matutupad.” Pagkatapos binigyan sila ni Jesus ng kakayahang maintindihan ang salita ng Diyos. Sinabi niya, “Nasusulat na noon pa na maghihirap at mamamatay ang Messiah pero muling mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw.”
“Nasusulat din sa kasulatan na ipapangaral ng mga disipulo ko na dapat magsisi ang lahat ng tao para mapatawad ang mga kasalanan nila. Uumpisahan nila itong gawin sa Jerusalem at pagkatapos ay sa mga tao sa buong mundo. Saksi kayo sa mga bagay na ito.”
Maraming beses na nagpakita si Jesus sa mga apostol sa loob ng apatnapung araw. Minsan sa parehong pagkakataon, nagpakita siya ng sabay-sabay sa higit limandaang katao nang mga panahong iyon. Pinatunayan niya sa maraming paraan sa mga apostol niya na buhay siya. Itinuro din niya ang tungkol sa kaharian ng Diyos.
Sinabi ni Jesus sa mga apostol niya, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya humayo kayo at gawin niyong mga alagad ko ang mga tao sa pamamagitan ng pagbabawtismo sa kanila sa pangalan ng Ama, Anak at Banal na Espiritu at turuan niyo silang sundin lahat ng mga sinabi ko sa inyo. Tandaan niyo, kasama niyo ako palagi.”
Lumipas ang apatnapung araw nang mabuhay muli si Jesus at sinabi niya sa mga apostol, “Manatili kayo sa Jerusalem hanggang sa mabigyan kayo ng kapangyarihan ng aking Ama sa pagdating ng Banal na Espiritu.” Umakyat na sa langit si Jesus at hindi na siya makita dahil natakpan na siya ng mga ulap. Umupo siya sa kanan ng Diyos para pamahalaan ang lahat ng mga bagay.