unfoldingWord 48 - Si Jesus ang Ipinangakong Messiah
Schema: Genesis 1-3, 6, 14, 22; Exodus 12, 20; 2 Samuel 7; Hebrews 3:1-6, 4:14-5:10, 7:1-8:13, 9:11-10:18; Revelation 21
Numero di Sceneggiatura: 1248
Lingua: Tagalog
Pubblico: General
Scopo: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Stato: Approved
Gli script sono linee guida di base per la traduzione e la registrazione in altre lingue. Dovrebbero essere adattati come necessario per renderli comprensibili e pertinenti per ogni diversa cultura e lingua. Alcuni termini e concetti utilizzati potrebbero richiedere ulteriori spiegazioni o addirittura essere sostituiti o omessi completamente.
Testo della Sceneggiatura
Nang nilikha ng Diyos ang mundo ang lahat ay maayos at walang kapintasan. Wala pang kasalanan noon sa mundo. Nagmamahalan si Adam at Eve at mahal nila ang Diyos. Wala pang karamdaman at kamatayan dahil ganitong klase ng mundo ang gusto ng Diyos.
Sa pamamagitan ng ahas kinausap ni Satan si Eve sa halamanan para linlangin ito. Dahil doon nagkasala si Eve at Adam sa Diyos. Dahil sa pagkakasala nila lahat ng tao sa mundo ay nagkakasakit at namamatay.
Dahil nagkasala si Adam at Eve may mas malala pang bagay na nangyari. Naging mga kaaway sila ng Diyos. Simula noon lahat ay naipapanganak na may kasalanan at nagiging kaaway din ng Diyos. Dahil sa kasalanan nasira ang relasyon sa pagitan ng mga tao at ng Diyos pero may plano ang Diyos para maisaayos iyon.
Ipinangako ng Diyos na manggagaling sa angkan ni Eve ang dudurog sa ulo ni Satan. Tutuklawin naman niya ang sakong ng dudurog sa kanya. Ang ibig sabihin nito, papatayin ni Satan ang Messiah pero muli siyang bubuhayin ng Diyos at wawakasan niya ang kapangyarihan ni Satan at tuluyan itong mawawala magpakailanman. Pagkalipas ng maraming taon ipinakita ng Diyos na si Jesus ang Messiah.
Nang wasakin ng Diyos ang buong mundo sa pamamagitan ng baha, iniligtas niya ang lahat ng naniniwala sa kanya gamit ang malaking barko. Gayon din naman karapat-dapat na mamatay ang lahat dahil sa kanilang mga kasalanan pero isinugo ng Diyos si Jesus para iligtas ang lahat ng mga naniniwala sa kanya.
Sa loob ng daan-daang taon patuloy na nag-aalay ang mga pari ng mga sakripisyo sa Diyos para ipakita ang nararapat na kaparusahan para sa mga kasalanan ng mga tao pero hindi kayang alisin ng mga sakripisyong iyon ang mga kasalanan ng mga tao. Si Jesus ay Kataas-taasan at Dakilang Pari. Hindi siya katulad ng ibang pari dahil inialay niya ang sarili niya bilang sakripisyo na tanging makakapag-alis sa lahat ng kasalanan ng mga tao sa mundo. Si Jesus ay ang pinakapunong pari na walang kapintasan dahil inako niya ang kaparusahan ng bawat kasalanang nagawa ng sinuman.
Sinabi ng Diyos kay Abraham na pagpapalain ang lahat ng lahi sa buong mundo sa pamamagitan niya. Si Jesus ay nanggaling sa angkan ni Abraham. Lahat ay pinagpala sa pamamagitan ni Abraham dahil lahat ng naniniwala kay Jesus ay naligtas sa kasalanan at nagiging kabilang sa mga anak ni Abraham.
Nang sinabi ng Diyos kay Abraham na ialay niya ang kanyang anak na si Isaac bilang sakripisyo, nagbigay ang Diyos ng tupa bilang kapalit na alay ni Isaac. Karapat-dapat tayong mamatay dahil sa kasalanan natin pero ibinigay ng Diyos si Jesus, ang Kordero ng Diyos, bilang alay o handog para mamatay sa halip na tayo.
Nang ipinadala ng Diyos ang huling salot sa Egypt sinabihan niya ang bawat pamilya ng mga Israelita na magkatay sila ng tupa na walang kapintasan at ipahid nila ang dugo nito sa itaas o sa gilid ng pinto ng mga bahay nila. Nang nakita ng Diyos ang dugo sa mga bahay nila, nilampasan niya ang mga ito at hindi pinatay ang mga panganay nila. Ang pangyayaring ito ay tinawag na “Paskua.”
Gayon din naman si Jesus ang naging sakripisyong tupa para sa atin upang tayo ay mailigtas sa pamamagitan ng “Paskua.” Wala siyang kapintasan at wala siyang kasalanan. Pinatay siya noong ipinagdiriwang ang “Paskua.” Kung naniniwala ang isang tao kay Jesus, ang dugo ni Jesus ang nagiging kabayaran sa kasalanan ng taong iyon at hindi rin siya maisasali sa mga paparusahan ng Diyos.
Gumawa ng kasunduan ang Diyos sa mga Israelita, ang mga taong pinili niya. Pero gumawa ng Bagong Kasunduan ang Diyos para sa lahat ng mga tao at ngayon dahil sa kasunduang ito ang lahat ng lahi sa buong mundo ay maaaring maging anak ng Diyos sa pamamagitan ng paniniwala nila kay Jesus.
Dakila ang propetang si Moses na naghayag ng salita ng Diyos pero si Jesus ang pinakadakilang propeta. Siya ay Diyos at lahat ng sinabi niya at ginawa niya ay mga gawain ng Diyos at dahil doon kaya tinawag si Jesus na “Salita ng Diyos”.
Ipinangako ng Diyos kay David na manggagaling sa angkan niya ang isang hari na mamumuno sa mga anak ng Diyos magpakailanman. Dahil si Jesus ay ang Anak ng Diyos at ang Messiah, siya ang natatanging tao na sinasabing manggagaling sa angkan ni David na mamumuno magpakailanman.
Si David ang naging hari ng Israel pero si Jesus ang hari ng buong kalawakan! Babalik siya upang mamuno sa kanyang kaharian na may katarungan at kapayapaan magpakailanman.