unfoldingWord 45 - Si Stephen at si Philip
Schema: Acts 6-8
Numero di Sceneggiatura: 1245
Lingua: Tagalog
Pubblico: General
Scopo: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Stato: Approved
Gli script sono linee guida di base per la traduzione e la registrazione in altre lingue. Dovrebbero essere adattati come necessario per renderli comprensibili e pertinenti per ogni diversa cultura e lingua. Alcuni termini e concetti utilizzati potrebbero richiedere ulteriori spiegazioni o addirittura essere sostituiti o omessi completamente.
Testo della Sceneggiatura
Isa sa mga pinuno ng unang nabuong simbahan ay isang lalaking nagngangalang Stephen. Siya ay may magandang reputasyon dahil pinagkalooban siya ng karunungan at kakayahan sa tulong ng Banal na Espiritu. Maraming ginawang himala si Stephen at nakakahikayat ang mga pagpapaliwanang niya na dapat maniwala ang mga tao kay Jesus.
Minsan habang nagtuturo si Stephen tungkol kay Jesus, nakipagtalo sa kanya ang ilan sa mga Hudyong hindi naniniwala kay Jesus. Galit na galit sila at siniraan nila si Stephen sa mga pinuno ng relihiyon at sinabing, “Narinig namin siya na may sinasabing masasama laban kina Moses at sa Diyos!” Dinakip ng mga pinuno ng relihiyon si Stephen at dinala siya sa pinakapunong pari at iba pang mga pinuno ng Hudyo kung saan mas marami pang sinungaling ang tumestigo laban kay Stephen.
Tinanong ng punong pari si Stephen, “Totoo ba ang mga paratang nila sa iyo?” Sumagot siya sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanila ng mga kamangha-manghang mga bagay na ginawa ng Diyos mula sa panahon ni Abraham hanggang sa panahon ni Jesus at kung paanong patuloy na sinusuway ng mga tao ang Diyos. Sinabi niya sa kanila, “Kayong matitigas ang ulo at mga mapaghimagsik, ayaw niyong tanggapin ang Banal na Espiritu gaya ng hindi pagtanggap ng mga ninuno niyo sa Diyos at pagpatay nila sa mga propeta niya. Pero kayo, mas masahol pa ang ginawa niyo kaysa sa kanila dahil pinatay niyo ang Messiah!”
Nang marinig ito ng mga pinuno ng relihiyon, galit na galit sila kaya tinakpan nila ang mga tainga nila at nagsigawan ng napakalakas at kinaladkad nila si Stephen palabas ng lungsod para batuhin hanggang mamatay.
Bago malagutan ng hininga si Stephen sinabi niya, “Jesus, tanggapin mo ang aking Espiritu.” Pagkatapos lumuhod siya at sumigaw muli at nakiusap sa Panginoon, “Huwag niyo po silang panagutin sa kasalanang ito.” Pagkatapos noon namatay na si Stephen.
May isang binata na nagngangalang Saul, sumang-ayon siya sa mga taong pumatay kay Stephen at binantayan pa niya ang mga damit nila habang binabato nila si Stephen. Nang araw ding iyon nagsimulang pagmalupitan ng maraming tao sa Jesusalem ang mga mananampalataya ni Jesus kaya umalis sila at nagpunta sa iba’t-ibang mga bayan. Ganoon pa man nangaral pa rin sila tungkol kay Jesus saanman sila mapadpad.
Isang disipulo ni Jesus na nagngangalang Philip ang umalis mula sa Jerusalem noong panahon na pinagmamalupitan sila. Nagpunta siya sa Samaria at nangaral tungkol kay Jesus at maraming tao ang naligtas. Isang araw isang anghel mula sa Diyos ang nagsabi kay Philip na dapat siyang magpunta sa isang daan sa disyerto. Habang naglalakad siya sa daan nakita ni Philip ang isang mataas na opisyal na galing sa Ethiopia na nakasakay sa kalesa. Sinabi ng Banal na Espiritu kay Philip na lapitan niya at kausapin ang taong ito.
Nang malapit na si Philip sa kalesa, narinig niya na binabasa ng opisyal ang isinulat ng propetang si Isaiah na nagsasabing, “Dinala nila siya na parang tupang nakatakdang katayin, katulad din ng tahimik na tupa ni hindi man lang siya umimik. Hindi nila iginalang at pinagmalupitan pa siya. Kinitil nila ang kanyang buhay.”
Tinanong ni Philip ang taga-Ethiopia, “Naiintindihan mo ba ang binabasa mo?” Sumagot naman ang taga-Ethiopia, “Hindi ko nga ito maintindihan maliban na lang kung may magpapaliwanag sa akin. Maaari bang umupo ka sa tabi ko at ipaliwanag mo ito? Tinutukoy ba ni Isaiah ang sarili niya dito o tungkol ito sa iba?”
Kaya ipinaliwanag ni Philip sa lalaking taga-Ethiopia na si Jesus ang tinutukoy ni Isaiah sa isinulat niya. Gumamit din si Philip ng ibang kasulatan para sabihin sa kanya ang mabuting balita tungkol kay Jesus.
Habang naglalakbay si Philip at ang opisyal may nadaanan silang lugar na may tubig. Sinabi ng opisyal “Tignan mo! May tubig sa banda roon! Pwede mo ba akong bawtismuhan?”Sinabi niya sa nagpapatakbo ng kalesa na ihinto muna ang kalesa.
Kaya bumaba sila sa lugar na may tubig at binawtismuhan ni Philip ang opisyal. Pagkaahon nila biglang napunta si Philip sa ibang lugar sa tulong ng Banal na Espiritu kung saan ipinagpatuloy niya ang pangangaral sa mga tao tungkol kay Jesus.
Nagpatuloy naman ang opisyal na Taga-Ethiopia sa paglalakbay pauwi at masaya siya dahil nakilala niya si Jesus.