unfoldingWord 41 - Muling Binuhay ng Diyos si Jesus
Schema: Matthew 27:62-28:15; Mark 16:1-11; Luke 24:1-12; John 20:1-18
Numero di Sceneggiatura: 1241
Lingua: Tagalog
Pubblico: General
Scopo: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Stato: Approved
Gli script sono linee guida di base per la traduzione e la registrazione in altre lingue. Dovrebbero essere adattati come necessario per renderli comprensibili e pertinenti per ogni diversa cultura e lingua. Alcuni termini e concetti utilizzati potrebbero richiedere ulteriori spiegazioni o addirittura essere sostituiti o omessi completamente.
Testo della Sceneggiatura
Pagkatapos ipako sa krus si Jesus ng mga sundalo sinabi ng mga hindi naniniwalang pinuno ng mga Hudyo kay Pilate, “Iyang sinungaling na si Jesus, sinabi niya na mabubuhay siyang muli pagkatapos ng tatlong araw. Kailangan pabantayan ang kanyang libingan para siguraduhing hindi mananakaw ng mga disipulo niya ang katawan niya at nang hindi sila makagawa ng kwento na nabuhay siya mula sa kamatayan.”
Sabi ni Pilate, “Magsama kayo ng ilang mga sundalo at pabantayan niyong mabuti ang libingan sa abot ng makakaya niyo.” Kaya sinelyuhan ang bato sa pasukan ng libingan at minarkahan ito at pinabantayan sa mga sundalo para makasiguro na walang makakapagnakaw sa katawan ni Jesus.
Pagkatapos ilibing si Jesus kinabukasan ay Araw na ng Pamamahinga. Hindi pinapayagan ang mga Hudyo na magpunta sa libingan sa araw na iyon. Kaya maagang-maaga pa lang pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga may ilang mga babae na ang nakahandang magpunta sa libingan ni Jesus para maglagay ng dagdag na mabangong langis sa katawan niya.
Biglang nagkaroon ng malakas na lindol. Isang anghel na kasing liwanag ng kidlat ang nagpakita mula sa langit. Iginulong niya ang takip na bato ng libingan at saka umupo dito. Ang mga sundalo namang nagbabantay sa libingan ay sobrang natakot at nawalan ng malay.
Pagdating ng mga babae sa libingan sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot. Wala na rito si Jesus. Binuhay na siyang muli mula sa kamatayan, gaya ng sinabi niya! Tignan niyo ang libingan niya.” Tiningnan nga ng mga babae ang libingan kung saan inilagak ang katawan ni Jesus at nakita nilang wala na doon ang katawan niya!
Sinabihan ng anghel ang mga babae, “Puntahan niyo ang mga disipulo at sabihin, ‘Nabuhay nang muli si Jesus at mauuna na siya sa inyong pumunta sa Galilee.’’’
Puno ng magkahalong takot at galak ang mga babae. Nagmadali sila para sabihin sa mga disipulo ang mabuting balita.
Habang nasa daan ang mga babae papunta sa mga apostol para sabihin ang mabuting balita, nagpakita si Jesus sa kanila at sinamba nila siya. Sinabi ni Jesus, “Huwag kayong matakot. Pumunta kayo sa mga disipulo at sabihin niyo sa kanilang pumunta sa Galilee at makikita nila ako doon.”