unfoldingWord 39 - Ang Paglilitis kay Jesus

unfoldingWord 39 - Ang Paglilitis kay Jesus

Útlínur: Matthew 26:57-27:26; Mark 14:53-15:15; Luke 22:54-23:25; John 18:12-19:16

Handritsnúmer: 1239

Tungumál: Tagalog

Áhorfendur: General

Tilgangur: Evangelism; Teaching

Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture

Staða: Approved

Forskriftir eru grunnleiðbeiningar fyrir þýðingar og upptökur á önnur tungumál. Þau ættu að vera aðlöguð eftir þörfum til að gera þau skiljanleg og viðeigandi fyrir hverja menningu og tungumál. Sum hugtök og hugtök sem notuð eru gætu þurft frekari skýringar eða jafnvel skipt út eða sleppt alveg.

Handritstexti

Malalim na ang gabi nang dinakip nila si Jesus at dinala sa bahay ng punong pari para gawin ang paglilitis doon. Sumusunod naman si Peter malayo sa likuran nila. Nang madala nila si Jesus sa bahay, nanatili si Peter sa labas at nagpainit siya sa tabi ng apoy.

Sa loob ng bahay sinimulan ng mga pinuno ng mga Hudyo ang paglilitis kay Jesus. Nagsama sila ng mga saksi na magsasabi ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya ngunit hindi nagtutugma-tugma ang mga paratang nila kaya hindi napatunayan ng mga pinuno ng mga Hudyo na may nagawa siyang kahit na anong kasalanan. Hindi ipinagtanggol ni Jesus ang sarili niya.

Nang wala silang makitang kasalanan kay Jesus tumingin ng diretso sa kanya ang pinakapunong pari at sinabi, “Sabihin mo, ikaw nga ba ang Messiah, ang Anak ng buhay na Diyos?”

Sumagot si Jesus “Ako nga at makikita niyo akong nakaupo sa trono kasama ng Diyos at makikita niyo rin ako na manggagaling sa langit.” Pinunit ng punong pari ang damit niya sa sobrang galit at pasigaw niyang sinabi, “Hindi na natin kailangan ng iba pang mga saksi. Narinig niyo naman ang sinabi ni Jesus na siya ang Anak ng Diyos. Ano ang ihahatol niyo sa kanya?”

Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Dapat siyang mamatay!” Pagkatapos, nilagyan nila ng piring ang mga mata ni Jesus, dinuraan siya, sinuntok, at ininsulto.

Habang naghihintay si Peter sa labas ng bahay ng punong pari, nakita siya ng babaeng lingkod at sinabing “Hindi ba’t kasama ka ni Jesus?” Tinanggi ito ni Peter. Maya maya tinanong muli ng ibang babae si Peter at muli din niyang itinanggi na kilala niya si Jesus. Sa bandang huli sinabi sa kanya ng mga tao, “Alam naming kasamahan mo si Jesus dahil pareho kayong galing sa Galilee.”

Madiin na sinabi ni Peter, “Sumpain sana ako ng Diyos kung kilala ko nga ang taong ito!” Kaagad na tumilaok ang tandang at lumingon si Jesus kay Peter.

Lumayo doon si Peter at umiyak dahil sa sama ng loob. Samantala nakita ng taksil na si Judas na hinatulan ng mga pinuno ng mga Hudyo si Jesus ng kamatayan. Dinamdam niya ito ng labis. Umalis siya at nagpakamatay.

Kinaumagahan, dinala ng mga pinuno ng Hudyo si Jesus kay Pilate, ang gobernador noong mga panahong iyon. Inasahan nilang hahatulan ni Pilate si Jesus at paparusahan siya ng kamatayan. Tinanong ni Pilate si Jesus, “Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo?”

Sumagot si Jesus, “Tama ang sinabi mo pero ang kaharian ko ay hindi dito sa mundo. Kung ganoon nga, lalaban ang mga lingkod ko para sa akin. Naparito ako sa mundo para sabihin ang katotohanan tungkol sa Diyos. Lahat ng nagagalak sa katotohanan ay nakikinig sa akin.” Tinanong siya ni Pilate, “Ano ang katotohanan?”

Matapos niyang kausapin si Jesus lumabas si Pilate at hinarap ang mga tao, “Wala akong nakitang kasalanan sa taong ito.” Pero nagsigawan ang mga pinuno ng mga Hudyo at ang mga tao, “Ipako siya sa krus!” Sumagot naman si Pilate, “Wala siyang kasalanan.”Pero sumigaw sila ng mas malakas pa. Sa pangatlong pagkakataon, sinabi ni Pilate, “Wala siyang kasalanan!”

Natakot si Pilate dahil baka gumawa ng gulo ang mga tao kaya pumayag siya na ipako ng mga sundalo si Jesus sa krus. Nilatigo ng mga Romanong sundalo si Jesus at dinamitan siya ng damit na panghari. Sinuotan pa siya ng korona na gawa sa mga tinik. Nilait nila si Jesus at sinabi, “Tignan niyo, ang hari ng mga Hudyo!”

Tengdar upplýsingar

Free downloads - Here you can find all the main GRN message scripts in several languages, plus pictures and other related materials, available for download.

The GRN Audio Library - Evangelistic and basic Bible teaching material appropriate to the people's need and culture in a variety of styles and formats.

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares it's audio, video and written scripts under Creative Commons