unfoldingWord 21 - Ipinangako ng Diyos ang Pagdating ng Messiah
Nomor naskah: 1221
Bahasa: Tagalog
Pengunjung: General
Jenis: Bible Stories & Teac
Tujuan: Evangelism; Teaching
Kutipan Alkitab: Paraphrase
Status: Approved
Naskah ini adalah petunjuk dasar untuk menerjemahkan dan merekam ke dalam bahasa-bahasa lain. Naskah ini harus disesuaikan seperlunya agar dapat dimengerti dan sesuai bagi setiap budaya dan bahasa yang berbeda. Beberapa istilah dan konsep yang digunakan mungkin butuh penjelasan lebih jauh, atau diganti atau bahkan dihilangkan.
Isi Naskah
Noong una pa lang plinano na ng Diyos na isugo ang Messiah. Una itong naipangako kina Adam at Eve. Ipinangako ng Diyos na manggagaling kay Eve ang dudurog sa ulo ng ahas. Ang ahas na nanlinlang kay Eve ay si Satan. Ang pangako na iyon ay nangangahulugan na tuluyang matatalo ng Messiah si Satan.
Ipinangako ng Diyos kay Abraham na sa pamamagitan niya, ang iba’t-ibang lahi sa mundo ay tatanggap ng pagpapala. Ang pagpapala na ito ay matutupad pagdating ng Messiah sa takdang panahon. Ang Messiah ang magiging daan para magkaroon ng pag-asa ang mga tao sa lahat ng panig ng mundo na maligtas.
Ipinangako din ng Diyos kay Moses na may darating na isa pang propeta na kagaya niya sa takdang panahon. Ito ay isa sa mga pangako tungkol sa Messiah na darating sa mga susunod na panahon.
Ipinangako ng Diyos kay Haring David na manggagaling sa pamilya niya ang maghahari sa mga tao magpakailanpaman. Ang ibig sabihin nito ay isa sa mga apo ni David ang magiging Messiah.
Ipinangako din ng Diyos na gagawa siya ng Bagong Kasunduan sa pamamagitan ng propeta na si Jeremiah pero hindi kagaya ng kasunduan ng Diyos at mga Israelita na ginawa sa Bundok Sinai. Sa Bagong Kasunduan para bang isusulat ng Diyos ang mga utos niya sa puso ng mga tao at mas makikilala nila siya. Magiging sakop sila ng Diyos at papatawarin niya ang mga kasalanan nila. Magsisimula ang Bagong Kasunduan pagdating ng Messiah.
Sinabi din ng mga propeta ng Diyos na ang Messiah ay isang Propeta, Pari at Hari. Ang propeta ay isang tao na kinakausap ng Diyos at hinahayag niya ang mga narinig niya sa mga tao. Ang Messiah na ipinangakong isusugo ng Diyos ay magiging isang dakilang propeta na tanging makakagawa ng kagustuhan ng Diyos.
Ang mga paring Israelita ang naghahandog ng alay ng mga tao sa Diyos bilang kapalit ng kaparusahan sa mga kasalanan nila. Ipinagdarasal din ng mga pari ang mga tao sa Diyos. Ang Messiah naman ay kataas-taasan at bukod tanging Pari na maghahandog ng mismong sarili niya bilang malinis at kaaya-ayang alay sa Diyos.
Ang isang hari ay namumuno sa kaharian at nagbibigay hatol sa mga tao. Ang Messiah naman ay ang bukod tanging Hari na mamumuno gaya ng matinong pamumuno ni David. Maghahari siya sa buong mundo magpakailanman at magiging makatarungang Hukom siya at ang mga hatol niya ay palaging tama.
Nakapagsabi ang mga propeta ng Diyos ng maraming bagay tungkol sa Messiah. Ayon kay Malachi, may darating na dakilang propeta bago dumating ang Messiah at ayon kay Isaiah, ipapanganak ng isang birhen ang Messiah. Sinabi ng propetang si Micah na ipapanganak siya sa bayan ng Bethlehem.
Sa propesiya ni Isaiah nasabi niya na maninirahan ang Messiah sa Galilee, papalakasin niya ang mga taong may mga pusong nasaktan, ihahayag niya ang kalayaan sa mga bihag at papalayain niya ang mga ito. Pagagalingin din ng Messiah ang mga taong may sakit, mga hindi makarinig, makakita, makapagsalita, o makalakad.
Ayon pa kay Isaiah, kamumuhian at itatakwil ang Messiah ng walang dahilan. Sinabi rin ng mga ibang propeta na magpupustahan ang mga taong papatay sa Messiah para malaman kung sino ang makakakuha sa damit niya at pagtataksilan siya ng isang kaibigan. Si Zecariah naman ang nagsabi na pagtataksilan ang Messiah ng isang kaibigan niya kapalit ng 30 pirasong baryang pilak.
Sinabi ng mga propeta kung papaano mamamatay ang Messiah. Ayon kay Isaiah duduraan, lalaitin at hahampasin ang Messiah ng mga tao. Sasaksakin rin siya at mamamatay dahil sa sobrang sakit at paghihirap kahit wala siyang kasalanan.
Ayon din sa mga propeta walang kapintasan ang Messiah at hindi siya magkakasala. Mamamatay siya para tanggapin ang kaparusahan ng mga tao at ito ang magdadala ng kapayapaan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Para matupad ito kasama sa plano ng Diyos na mamamatay ang Messiah.
Ayon sa mga propeta mamamatay ang Messiah at bubuhayin siyang muli ng Diyos mula sa kamatayan. Sa pamamagitan ng pagkamatay ng Messiah at muling pagkabuhay niya, tutuparin ng Diyos ang plano niya para iligtas ang mga makasalanan at sisimulan niya ang Bagong Kasunduan.
Ipinakita ng Diyos sa mga propeta ang maraming bagay tungkol sa Messiah pero hindi ito dumating sa panahon ng kahit sino sa mga propetang iyon. Mahigit sa 400 na taon pagkatapos maibigay ang mga huling propesiya isusugo ng Diyos sa takdang panahon ang Messiah para sa mga tao dito sa mundo.