unfoldingWord 05 - Ang Anak na Ipinangako
Ուրվագիծ: Genesis 16-22
Սցենարի համարը: 1205
Լեզու: Tagalog
Հանդիսատես: General
Ժանր: Bible Stories & Teac
Նպատակը: Evangelism; Teaching
Աստվածաշնչի մեջբերում: Paraphrase
Կարգավիճակ: Approved
Սցենարները հիմնական ուղեցույցներ են այլ լեզուներով թարգմանության և ձայնագրման համար: Դրանք պետք է հարմարեցվեն ըստ անհրաժեշտության, որպեսզի դրանք հասկանալի և համապատասխան լինեն յուրաքանչյուր տարբեր մշակույթի և լեզվի համար: Օգտագործված որոշ տերմիններ և հասկացություններ կարող են ավելի շատ բացատրության կարիք ունենալ կամ նույնիսկ փոխարինվել կամ ամբողջությամբ բաց թողնել:
Սցենարի տեքստ
Sampung taon na ang lumipas mula nang dumating sa Canaan sila Abram at Sarai pero wala pa rin silang anak kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Tutal hindi ako pinayagang magkaroon ng anak at ngayon napakatanda ko na para magkaroon pa ng anak. Heto ang alipin ko na si Hagar, gawin mo rin siyang asawa para mabigyan niyo din ako ng anak.”
Napangasawa nga asawa ni Abram si Hagar. Nagkaroon sila ng anak na lalaki. Ishmael ang tinawag nila sa bata pero nagselos naman si Sarai kay Hagar. Nang 13 taon gulang na si Ishmael, kinausap ulit ng Diyos si Abram.
Sinabi ng Diyos, “Ako ang makapangyarihang Diyos. Makikipagkasunduan ako sayo.” Lumuhod si Abram sa lupa. Sinabi ng Diyos, “Magiging ama ka ng maraming bansa. Ibibigay ko sa iyo at sa mga apo mo ang lupain ng Canaan at ako ang magiging Diyos nila magpakailanman. Kailangan mong tuliin lahat ng lalaki sa pamilya mo.”
“Ang asawa mong si Sarai ay magkakaroon ng anak na lalaki. Siya ang anak na ipinangako. Isaac ang ipangalan mo sa kanya. Makikipagkasunduan ako sa kanya at magiging makapangyarihan siyang bansa. Magiging makapangyarihang bansa din si Ishmael pero mananatili kay Isaac ang kasunduan ko.” Pagkatapos pinalitan ng Diyos ang pangalan ni Abram ng Abraham, ang ibig sabihin, “ama ng marami.” Pinalitan din ng Diyos ang pangalan ni Sarai ng Sarah na ang ibig sabihin, “prinsesa”.
Nang araw ding iyon tinuli lahat ni Abraham ang lahat ng lalaking kabilang sa pamilya niya. Mga isang taon na ang nakakalipas nang 100 taon na si Abraham at 90 naman si Sarah, ipinanganak ni Sarah ang anak niya kay Abraham. Pinangalanan nila itong Isaac gaya ng inutos sa kanila ng Diyos.
Nang nagbinata na si Isaac, sinubukan ng Diyos ang pananalig sa kanya ni Abraham. Sinabi ng Diyos, “Isama mo ang nag-iisa mong anak na si Isaac at patayin mo siya bilang alay para sa akin.” Sumunod si Abraham sa utos ng Diyos. Naghanda nga si Abraham para ialay si Isaac.
Habang naglalakad sina Abraham at Isaac papunta sa lugar na pag-aalayan, nagtanong ni Isaac, “Ama mayroon na po tayong kahoy para sa pag-aalay pero nasaan ang tupa na pang-alay?” Sumagot si Abraham, “Ibibigay ng Diyos ang tupang pang-alay natin, anak.”
Pagdating nila sa lugar na kanilang pupuntahan, itinali ni Abraham si Isaac at inihiga sa altar. Papatayin na sana ni Abraham si Isaac nang biglang nagsalita ang Diyos at sinabing, “Huwag mong saktan ang bata! Napatunayan ko nang may takot ka sa akin dahil hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak.”
Sa di kalayuan nakakita si Abraham ng lalaking tupa na nakasabit ang sungay sa sanga. Binigay ng Diyos na alay ang tupa kapalit ni Isaac. Napakasaya ni Abraham nang iniaalay niya ang tupa.
Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Abraham, “Dahil handa mong ibigay sa akin ang lahat kahit na ang kaisa-isa mong anak, ipinapangako kong pagpapalain kita. Magiging mas madami kaysa mga bituin sa kalangitan ang mga apo mo. Dahil sinunod mo ako, lahat ng pamilya sa buong mundo ay pagpapalain ko sa pamamagitan ng pamilya mo.”