unfoldingWord 03 - Ang Baha

unfoldingWord 03 - Ang Baha

Ուրվագիծ: Genesis 6-8

Սցենարի համարը: 1203

Լեզու: Tagalog

Թեմա: Eternal life (Salvation); Living as a Christian (Obedience); Sin and Satan (Judgement)

Հանդիսատես: General

Նպատակը: Evangelism; Teaching

Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture

Կարգավիճակ: Approved

Սցենարները հիմնական ուղեցույցներ են այլ լեզուներով թարգմանության և ձայնագրման համար: Դրանք պետք է հարմարեցվեն ըստ անհրաժեշտության, որպեսզի դրանք հասկանալի և համապատասխան լինեն յուրաքանչյուր տարբեր մշակույթի և լեզվի համար: Օգտագործված որոշ տերմիններ և հասկացություններ կարող են ավելի շատ բացատրության կարիք ունենալ կամ նույնիսկ փոխարինվել կամ ամբողջությամբ բաց թողնել:

Սցենարի տեքստ

Pagkatapos ng mahabang panahon, madami ng tao sa mundo. Naging napakasama at napakarahas nila kaya nagpasya ang Diyos na wasakin ang buong mundo sa pamamagitan ng matinding baha.

Pero nalulugod ang Diyos kay Noah dahil matuwid siya kahit na kasama niyang namumuhay ang mga masasamang tao. Sinabi ng Diyos kay Noah ang tungkol sa plano niya na magkakaroon ng matinding baha. Inutusan niya si Noah na gumawa ng napakalaking bangka.

Inutusan ng Diyos si Noah na gumawa ng napakalaking bangka na 140 metro ang haba, 23 metro ang lapad, at 13.5 metro ang taas. Kahoy ang gagamitin sa paggawa ng barko na may tatlong palapag, may bubong, maraming kwarto at isang bintana. Ang barko ang magliligtas kay Noah at sa pamilya niya pati sa mga hayop na nasa lupa.

Sumunod si Noah sa utos ng Diyos. Siya, kasama ng tatlo niyang anak ay gumawa ng bangka gaya ng sinabi ng Diyos. Dahil sobrang laki ng bangka ilan taon din itong ginawa bago natapos. Sinabihan ni Noah ang mga tao na may darating na matinding baha. Sinabihan din niya na huwag na silang gumawa ng masama at sumunod na sa Diyos pero hindi sila naniwala kay Noah.

Inutusan din ng Diyos sila Noah at ang pamilya niya na mag-ipon ng maraming pagkain para sa kanila at sa mga hayop. Nang handa na ang lahat, sinabi ng Diyos kay Noah na oras na para sumakay sila sa barko kasama ng asawa niya, tatlong anak niyang mga lalaki at mga asawa nila. Bali walo silang lahat.

Pinapunta ng Diyos kay Noah lahat ng hayop at ibon. May tig-iisang lalaki at babae sa bawat uri ng hayop at ibon para makaligtas din sila sa pagdating ng matinding baha. Nagpapunta din siya ng lahat ng klase ng hayop na pwedeng gamitin sa pag-aalay, pitong paris na lalaki at babae sa bawat uri. Nang nasa barko na silang lahat, ang Diyos na mismo ang nagsara ng pinto.

Nagsimulang umulan ng umulan ng umulan. 40 na araw at gabi umulan ng walang tigil. Bumulwak pataas ang mga tubig galing sa lupa. Binaha ang buong mundo pati na ang mga pinakamatataas na bundok.

Namatay lahat ng nabubuhay maliban lang sa mga tao at hayop na nasa loob ng bangka. Palutang- lutang ang bangka sa tubig. Nakaligtas sa pagkalunod lahat ng nandoon.

Nang tumigil na ang ulan, limang buwan nagpalutang-lutang ang bangka hanggang sa bumababa na ang tubig. Pagkatapos sumadsad ang bangka sa ibabaw ng bundok pero natatakpan pa rin ng tubig ang mundo. Pagkatapos ng tatlong buwan pa, nakikita na ang tuktok ng mga bundok.

Pagkatapos ng 40 pa na araw, nagpalipad ng uwak si Noah para tingnan kung tuyo na nga ang tubig. Nagpabalik-balik sa paglipad ang uwak pero wala itong nakitang tuyong lupa.

Sa sumunod na pagkakataon, nagpalipad naman si Noah ng kalapati. Bumalik din ito kay Noah dahil wala pang nakitang tuyong lupa. Pagkatapos ng isang linggo, pinalipad ulit ni Noah sa labas ang kalapati at bumalik na ito na may natukang sariwang dahon ng olibo. humuhupa na ang tubig at tumutubo na ulit ang mga halaman!

Naghintay pa ulit si Noah ng isang linggo at sa ikatlong pagkakataon, pinalipad ulit niya ang kalapati. Nakahanap na ito ngayon ng madadapuan at hindi na bumalik pa. Natutuyo na ang tubig!

Pagkalipas ng dalawang buwan, sinabi ng Diyos kay Noah, “Pwede ka nang lumabas ngayon ng bangka kasama ng pamilya mo at lahat ng mga hayop. Magkaanak kayo ng marami para dumami ang tao sa mundo.”Kaya lumabas na nga ng barko si Noah at ang pamilya niya.

Paglabas nila Noah sa barko, gumawa siya ng altar. Nag-alay siya ng ilan sa mga uri ng mga hayop na pwedeng ialay sa Diyos. Natuwa ang Diyos sa mga alay kaya pinagpala niya si Noah at ang pamilya niya.

Sinabi ng Diyos, “Nangangako ako na hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa ginagawang masasama ng mga tao at hindi ko na rin sisirain ang mundo sa pamamagitan ng baha kahit pa makasalanan ang mga tao mula sa pagkabata nila.”

Pagkatapos ay gumawa ang Diyos ng bahaghari bilang palatandaan ng pangako niya. Kaya tuwing lilitaw ang bahaghari sa kalangitan, inaalala ng Diyos at ng mga tao ang ipinangako niya.

Առնչվող տեղեկություններ

Free downloads - Here you can find all the main GRN message scripts in several languages, plus pictures and other related materials, available for download.

The GRN Audio Library - Evangelistic and basic Bible teaching material appropriate to the people's need and culture in a variety of styles and formats.

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares it's audio, video and written scripts under Creative Commons