unfoldingWord 33 - Ang Kuwento tungkol sa Magsasaka
Áttekintés: Matthew 13:1-23; Mark 4:1-20; Luke 8:4-15
Szkript száma: 1233
Nyelv: Tagalog
Közönség: General
Célja: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Állapot: Approved
A szkriptek alapvető irányelvek a más nyelvekre történő fordításhoz és rögzítéshez. Szükség szerint módosítani kell őket, hogy érthetőek és relevánsak legyenek az egyes kultúrák és nyelvek számára. Egyes használt kifejezések és fogalmak további magyarázatot igényelhetnek, vagy akár le is cserélhetők vagy teljesen kihagyhatók.
Szkript szövege
Isang araw nagtuturo si Jesus malapit sa pampang at maraming tao ang nagpunta para pakinggan siya kaya kinailangang sumakay ni Jesus sa bangka na nasa lawa para magkaroon ng sapat na espasyo para makapagturo sa kanila. Umupo siya sa bangka at nagturo sa mga tao.
Ito ang kwentong sinabi ni Jesus, “May isang magsasaka ang lumabas para maghagis ng mga buto, ang ilan ay nahulog sa daan at may dumating na mga ibon at tinuka lahat ng mga ito.”
“Ang ibang mga buto naman ay nahulog sa mabatong lupa. Tumubo kaagad ang buto doon pero hindi naman nag-ugat ng malalim. Sa tindi ng init ng araw nalanta ang mga ito at namatay.”
“May iba namang mga buto na nahulog sa lupang may matitinik na damo. Nagsimulang umusbong ang mga buto pero nasakal ang mga ito ng damo kaya hindi nagbunga.”
“Mayroon ding mga buto na nahulog sa matabang lupa. Tumubo ang mga buto at may namunga ng tig-tatatlumpu, tig-aanimnapu at tig- iisandaan. Kayong may mga tainga, makinig kayo!”
Naguluhan ang mga alagad sa kwento kaya ipinaliwanag ni Jesus ang kahulugan nito, “Ang buto ay ang salita ng Diyos, ang daanan naman ay ang taong nakikinig ng salita ng Diyos pero hindi niya ito naintindihan kaya inaalis ng diyablo ang salita ng Diyos sa puso niya kaya nalimutan niya ito.”
“Ang mabatong lupa naman ay ang taong nakinig at tumanggap sa salita ng Diyos na may galak pero nang makaranas na ng hirap at pasakit unti-unti na siyang hindi sumusunod sa Diyos.”
“Ang lupang may matitinik na damo ay ang taong nakinig ng salita ng Diyos pero habang lumilipas ang panahon nadadaig ng mga alalahanin, kayamanan at luho sa buhay ang pagmamahal niya sa Diyos. Dahil dito hindi niya naipamuhay ang mga aral na narinig niya.”
“Pero ang matabang lupa ay ang taong nakinig, naniwala at naipamuhay ang salita ng Diyos.”