Magandang Balita
Áttekintés: Short Bible stories from Genesis through the ascension. How to become a follower of Jesus. 40 sections. It has a picture book to go along with the recording.
Szkript száma: 395
Nyelv: Tagalog
Téma: Sin and Satan (Temptation, Deliverance, Light/Darkness, Sin, disobedience, Satan (the devil)); Christ (Jesus, Our Substitute, Resurrection of Jesus, Son of God, Saviour of Sinful Men, Birth of Christ, Ascension, Sacrifice / Atonement, Death of Christ, Life of Christ); Eternal life (Salvation, Eternal / everlasting life, Broad & Narrow Ways); Character of God (Love of God, Holy Spirit, Grace and Mercy, Nature, character of God, Word of God (the Bible), Power of God / Jesus); Living as a Christian (Fruit of the Spirit, Prayer, petition, New Nature, Worship, Witnessing, Church, Christianity, Second Birth, Obedience, No other gods, idols, Peace with God, Leaving old way, begin new way, Forgiveness, Faith, trust, believe in Jesus, Peace (between men), Children of God, Family, relationships, Spiritual Life, Christian values); Life event (Death); Bible timeline (Creation, Law of God, End Time, Second Coming, Gospel, Good News, People of God); Problems (Materialism, Evil Spirits, demons, Fear, Problems, troubles, worries)
Közönség: General
Stílus: Monolog
Műfaj: Bible Stories & Teac
Célja: Evangelism
Biblia Idézet: Extensive
Állapot: Approved
A szkriptek alapvető irányelvek a más nyelvekre történő fordításhoz és rögzítéshez. Szükség szerint módosítani kell őket, hogy érthetőek és relevánsak legyenek az egyes kultúrák és nyelvek számára. Egyes használt kifejezések és fogalmak további magyarázatot igényelhetnek, vagy akár le is cserélhetők vagy teljesen kihagyhatók.
Szkript szövege
Picture 1: In the Beginning
Kumusta kayo mga kaibigan? Dala ba ninyong ang inyong larawang aklat sa harapan ninyo? Buksan niniyo ang mga aklat sa susunod na pahina kung makarinig kayo ng tunog na katulad nito. Handa na ba kayo? Bueno magsisimula tayo. Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang napakagulong kalagayan walang mga tao, mga hayop mga puno at iba pang bagay. Nakapagdilim at walang kaayusan ngunit naroon ang Diyos.
Picture 2: The Word of God
Ang Aklat sa araw ay Banal na Kasulatan
Ang Diyos ay nakikipagusap sa atin sa pamamagitan ng banal ng kasulatan. Ang banal na kasulatan ay nagsasaad ng tungkol sa Diyos at sa pagibig sa mga tao. Ang banal na kasulatan ay nagtuturo ng daan tungon sa kaligtasan at kagalihayaan at kapayapaan.
Picture 3: Creation
Ginawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay gaya ng puno, mga hayop at lahat ng ginawa Niya ay mabuti. Nilikha din ng Diyos ang tao, ginawa ng Diyos ang tao upang maging tagapamahala sa lahat ng mga hayop.
Picture 4: Adan and Eve
Ang pangalan ng unang lalaki ay si Adan at ang pangalan ng unang babae ay si Eva sila ay namuhay ng masaya sa isang halamanan na tinatawag na Eden. Sinabi ng Diyos sa kanila, maaari niyong kainin ang lahat ng bunga ng mga punong kahoy sa halamanan, maliban sa isa huwag niyong kakainin ang bunga na puno na iyon. Sinabi ng Diyos na sila ay mapaparusahan kung kakainin nila ang bunga ng punong kahoy na iyon ngunit hindi sila sumunod, kinain ni eva at ni Adan ang bunga ng punong kahoy na ipinagbabawal ng Diyos at sila ay nagkasala. Makikita ninyo si Eva at Adan na ipinaaalis mula sa halamanan ng Eden, nagkasala sila at pinarusahan sila ng Diyos. Magmula noon sila nakaranas ng sakit, karamdaman at kamatayan, ngunit patuloy parin ang pagibig ng Diyos sa kanila. At ipinangako ng Diyos na magpapadala siya ng tagapagligtas na siyang magaalis sa kanilang kasalanan.
Picture 5: Cain and Eve
Si Eva at Adan ay nagkasala at gayundin ang kanilang mga anak. Ang lalaking may hawak na kahoy ay si Cain na anak ni Adan, galit na galit siya sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya si abel. Si Cain ay nagkasala at ganun din ang mga sumunod na angkan ni Eva at Adan. Ikaw at ako ay nagkasala din.
Picture 6: Noah’s Ark
Ang mga angkan ni Adan ay patuloy sa paggawa ng kasamaan at dahil dito ay kailangan parusahan sila ng Diyos ngunit may isang tao ang sumunod sa Diyos. Siya ay si Noe sinabi ng Diyos kay Noe, “Gumawa ka ng isang Daong o Bapor, sapagkat magpapadala ako ng isang napakalaking baha, matapos gumawa ng bapor ay pumasok si Noe at ang kanyang mga anak sa loob. Inaanyayahan din ni Noe ang lahat ng tao na sumama sa kaniya sa loob ng daong, ngunit ayaw nilang maniwala na magpapadala ang Diyos ng isang malaking baha.
Picture 7: The Flood
Nang makapasok at ang kanyang mga anak ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at nagkaroon ng malaking baha, ang lahat ng bundok ay natakpan ng tubig ang lahat ng mga tao ay nalunod sapagkat hindi sila makapasok sa daong dahil isinara ng Diyos ang pintuan ng daong. Si Noe lamang at ang kanyang mga anak ang naligtas sapagkat sila ay sumunod sa Diyos.
Picture 8: Abraham, Sarah and Isaac
Si Abraham ay galing sa Angkan ni Noe at siya rin ay sumunod sa Diyos. Ipinangako ng Diyos kay Abraham at Sara na sila ay magkakaroon ng anak kaya kahit naman sila ay matandang matanda na sila nagkaroon sila ng anak na lalaki ang kaniyang pangalan ay Isaac. Ipinangako ng Diyos ang tagapagligtas na mag aalis ng lahat kasalanan ng tao at manggagaling sa angkan ni Isaac at maari niyang hugasan ang kasalanan ng lahat ng tao sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak.
Picture 9: Moises and the law of God
Si Moses ay galing sa angkan ni Abraham at Isaac. Si Moses ay naniwala sa Diyos sinabi ng Diyos kay Moses na nang umakyat siya sa bundok at doon ay ibibigay ng Diyos ang kanyang nasusulat na batas sa larawan natin makikita natin si Moses ay bumababa galing sa bundok dala-dala niya ang mga utos ng Diyos. Nais ng Diyos na tayo ay sumunod sa kanyang mga utos.
Picture 10: The Ten Commandments
Ilan sa mga batas ng Diyos na ibinigay niya kay Moses ay makikita natin sa larawan. Una, huwag kang sasamba sa diyos-diyosan at iba pang mga bagay. Ikalawa, tumigil ka sa paggawa isang araw sa isang linggo upang igalang ang Diyos. Ikatlo, ang mga bata ay kailangan na sumunod sa kanilang mga magulang ikaapat at sumusunod huwag kang papatay ng inyong kapwa, huwag kang maghahangad ng ibang babae maliban sa iyong asawa, Huwag kang maghangad ng gamit ng iyong kapwa tao sinabi ng Diyos na huwag kang magnanakaw at huwag kang magsisinungaling.
Picture 11: Sacrifice for Sin
Noong kapanahunan ni Abraham at ni Moses ang sinumang taong nagkasala ay kailangan na magalay ng hayop upang ipakita niya na siyay nagsisisi sa kanyang mga kasalanan ngunit ngayon hindi natin kailangan maghandog ng mga hayop sapagkat ipinadala nang Diyos Si Hesus na ating tagapagligtas upang magalis ng ating mga kasalanan siya’y namatay upang linisin ang ating mga kasalanan.
Picture 12: A Savior Promised
Ito’y dahilan sa pagpunta ni Jesus sa sanlibutan upang tuparin ang pangako ng Diyos na ipinangako kay Eva at Adan. Sa isang takdang araw ay nakipagkita ang isang anghel kay Maria na isang dalaga na nagsabi, “Ang banal na Espiritu ng Diyos ay tutulungan kang magkaroon ng isang anak na lalaki ang batang ito na siyang magiging tagapagligtas katulad ng pangako ng Diyos ang sanggol ay tatawaging Jesus at Siya ang magaalis ng kasalanan ng sanglibutan.” Ang anghel ay nakipagkita din kay Jose ang lalaking pakakasalanan ni Maria at sinabi ng anghel kay Jose ang tungkol sa sanggol na dadalhin ni Maria, “Hindi natulog si Jose sa tabi ni Maria hanggat hindi naipanganganak ang sanggol.
Picture 13: The Birth of Jesus
Tingnan ninyo ang unang larawan ipanganak na ni Maria ang sanggol na lalaki ngayon tingnan naman ninyo ang pangalawang larawan sa gabi rin na iyon ang mga anghel ng Diyos ay nagpakita sa mga apostol at ang isang anghel ay nagsabi. “Ito ang gabi na ang tagapagligtas na ipinangako ng Diyos ay ipinanganak.” Sinabi ng mga anghel sa mga pastol kung papaano sila’y makakasumpong ng sanggol at ang mga pastol ay nagtungo at nakita nila si Jesus at Siya ay kanilang sinamba.
Picture 14: Jesus the Teacher
Sa unang larawan ay makikita niyo si Jesus nung siya’y ay bata pa, sa gulang na labindalawa ay nakikipagusap na siya ng tungkol sa Diyos sa mga pangulo ng simbahan. Noong siya’y lumaki na ay tinuruan niya ang mga tao na tungkol sa Diyos na kanyang Ama. May mga taong naniniwala sa kanya, at marami din ang hindi naniwala kay Jesus. Ngunit sinabi ng Diyos na si Jesus ay anak ng Diyos at nais niyang tayo ay sumunod sa kanya.
Picture 15: The Miracles of Jesus
Si Jesus ay may kapangyarihan na katulad sa Diyos. Siya ay higit na makapangyarihan kaysa sa mga mangkukulam tingnan ninyo ang unang larawan. Pinagaling ni Jesus ang isang lalaking bulag, tingnan ninyo ang susunod na larawan, binuhay ni Jesus ang lalaking namatay na tingnan ninyo ang ikatlong larawan. Si Jesus ay lumakad sa tubig, Si Jesus ay maraming tagasunod na nanuod sa kanyang mga ginawa at nakinig sa kanyang sinabi.
Picture 16: Jesus Suffers
SI Jesus ay gumawa ng mabuti, Siya ay hindi nagkasala, ipinahayag ni Jesus ang tungkol sa Diyos at tinuruan niya ang mga tao na sumunod sa Diyos. Itinuro din ni Jesus na ang lahat ng mga tao ang makasalanan. Maraming mga relihiyosong tao ang ayaw tumanggap na sila ay makasalanan. Kaya nga sila ay nagalit kay Jesus at Siya’y hinuli ang mga taga sunod ni Jesus ay tumakbo. Si Jesus ay dinuraan ng sundalo at pinalo at hinamak ngunit si Jesus ay hindi lumaban, ito ay bahagi ng plano ng Diyos.
Picture 17: Jesus is Crucified
Si Jesus ay hindi lamang pinalo , Siya ay ipinako sa Krus, Ito ay kaugalian ng pagpaparusa sa mga criminal ng mga panahon iyon. Sinabi ng Diyos na ang kamatayan ni Jesus ay handog para sa ating mga kasalanan. Kinuha ni Jesus ang kaparusahan ng ating mga kasalanan noong siya ay mamatay. Kung taos tayong magsasabi na tayo ay makasalanan at tatalikod sa ating mga kasalanan ay patatawarin ni Jesus ang ating mga kasalanan. Naniniwala ba tayo sa sinasabi ng Diyos?
Picture 18: The Resurrection
Matapos na mamatay si Jesus sa krus ay inilibing ang kanyang katawan sa isang yungib ng kanyang kaibigan. Isang malaking bato ang isinara sa pintuan ng yungib at ito’y binantayan ng mga kawal. Upang huwag manakaw ang kanyang katawan. Pagkalipas ng tatlong araw. Ilan sa mga babaeng tagasunod ni Jesus ay nagpunta sa libigan ngunit wala siya doon. Isang anghel ang kanilang nakita at ito ang sabi sa kanila.
“Si Jesus ay buhay at wala Sya dito, ang anghel ay biglang nawala, Si Jesus ay buhay at magpahanggang ngayon at nakikinig sa atin kung tayo ay makikipagusap sa kanya sa pamamagitan ng panalangin.”
Picture 19: Thomas Believes
Matapos na mabuhay si Jesus na mag muli nakita at nakausap ng mga tao pati ng kanyang mga alagad. Si Tomas na isa sa mga alagad ay nagsabi malibang ng makita ko ang mga sugat sa kanyang mga kamay hindi ako naniniwala na siya ay muling nabuhay. Sa larawan makikita natin Si Jesus na lumapit kay Tomas at ipinakita niya ang kanyang mga Sugat. At si Tomas ay naniwala na si Jesus ay nabuhay na muli at dapat na kanyang Panginoon. Nais ng Panginoong Jesus na tayo ay maniwala sa Kanya kahit hindi pa natin Siya nakita.
Picture 20: The Ascension
Matapos ang apat napung-araw ng pagkabuhay na muli ni Jesus ay inanyayahan niya ang kanyang mga tagasunod sa isang burol at sinabi niya, “Ako ay pupunta sa langit pagalis ko ay kinakailangan sabihin ninyo sa lahat ng tao na ako ay napako upang akuin ko ang kaparusahan ng kanilang mga kasalanan ang bawat tao na susunod sa akin ay magkakaroon ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan at makakasama ko sila sa langit magpakailanman. At isusugo ko din ang aking Espiritu upang bigyan kayo ng kalakasan.” At nakita nila si Jesus na lagpas sa langit. Sinabi ng dalawang anghel sa mga tagasunod ni Jesus. Isang araw ang Panginoong Jesus ay babalik na muli, ito ang sinabi ng mga anghel at sila ay nawala sa paningin sinabi din ni Jesus na siya ay babalik upang sila ay dalhin sa langit at doon mabubuhay na kasama niya kung ikaw ay maniniwala kay Jesus ngayon ay maari na makakapunta ka rin sa langit.
Picture 21: Empty Cross
Ang krus ay nagpapaalala sa atin ng kamatayan ng Panginoong Jesus. Siya’y hindi nagkasala subalit handa na mapako at mamatay sa krus para sa atin. Ito’y ginawa niya upang akuin ang kaparusahan ng ating mga kasalanan, matapos siyang mamatay. Ang Panginoong Jesus nabuhay na magmuli siya ay handing tumulong sa mga taong susunod sa kanya. Kung tayo ay magsisisi at maniniwala sa Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan ay mawawala. Ang kanyang Espiritu ang tutulong sa atin upang sumunod sa Diyos at makasama natin sa langit magpakailanman.
Picture 22:The two Roads
Sinabi ni Jesus na may dalawang daan, isang malawak daan at isang makitid na daan, ang bawat tao ay nasa malawak na daan na patungo sa kaparusahan ito’y sa apoy na hindi namamatay. Sinomang taong mananampalataya at susunod kay Jesus ay magkakaroon ng pagkakataon na siya ay tutungo sa makitid na daan. Ang makitid na daan ay patungo sa buhay na kasama ang Diyos. Nais niyo bang maniwala kay Jesus? Sabihin ninyo sa kanya, Panginoon ipinapahayag ko sa iyo na akoy makasalanan, ako’y naniniwala na ikaw ay namatay sa Krus upang akuin ang kaparusahan para sa aking mga kasalanan. “Jesus patawarin mo ako at linisin mo ang aking puso upang ako ay manahanan na kasama mo maraming salamat Jesus Amen.” Kung ito okay Jesus kayo ay magiging anak ng Diyos at ang Diyos ay magiging ama ninyo.
Picture 23: God’s Children
Kung tayo ay maniniwala na ang Panginoon Jesus ay namatay upang akuin ang kaparusahan n gating mga kasalanan. Tayo ay mapapatawad mula sa ating mga kasalanan sa gayon matatawag natin ang Diyos na Ama, sapagkat tinanggap natin ang ating Panginoon bilang sariling tagapagligtas at tayo ay kanyang anak. Nais ng Diyos na ang bawat tao sa bawat tribo at bansa na sumunod sa Kanya nais ng Diyos na ikaw at ako ay maniwala sa kanyang anak na si Jesus at maging anak ng Diyos.
Picture 24: Born Again
Sa larawang ito makikita natin na ang Panginoong Jesus ay nakikipagusap sa isang relihiyosong lalaki na ang kanyang pangalan ay Nicodemo. Ang Panginoong Jesus ay nagpapaliwanag na kailangang magbago tayo upang makapunta sa langit. Ang Banal na Espiritu lamang ang makakapagpabago sa atin. Hindi natin mababago ang ating mga sarili sapagkat tayo ay nagkasala, kung ipapahayag natin na tayo ay makasalanan at maniniwala na maaaring hugasan ni Jesus an gating mga kasalanan ay gagawin ka ng Banal na Espiritu na bagong nilalang, kung hihilingin mo kay Jesus na patawarin ka sa inyong kasalanan gagawin ng Banal na Espiritu na ikaw ay bagong nilalang ang Espiritu lang ng Diyos ang magbabago sa iyo.
Picture 25: The Holy Spirit Comes
Matapos na mamatay si Jesus at mabuhay na mag muli, Siya ay muling umuwi sa langit. Matapos nito ang mga tagasunod ng Panginoong Jesus ay nagsamasama at nakipagusapa sila sa Diyos bigla nalamang bumaba ang Banal na Espiritu ng Diyos sa bawat isa at binigyan sila ng kapangyarihan na magpahayag sa mga tao ng tungkol kay Jesu., Ang Banal na Espiritu ang kanilang katulong upang maunawanaan nila ang salita ng Diyos at gumawa ng mga bagay na kaaya aya sa Diyos. Kung ibibigay mo ang iyong sarili sa Diyos ay ibibigay naman ng Diyos ang kanyang Banal na Espiritu na siya ang tutulong sa inyo.
Picture 26: Walking in the Light
Bago maniwala ang isang tao sa Panginoong Jesus, siya ay katulad ng Isang tao na lumalakad sa kadiliman na walang liwanag, matapos tayong maniwala sa Panginoong Jesus katulad natin na lumalakad sa liwanag sapagkat ang banal na espiritu ay laging handang tumulong at ipakita sa atin ang daan ng Diyos sa tulong ng banal na kasulatan.
Picture 27: A New Person
Ang isang tagasunod ni Jesus ay kailangan na mamuhay ayon sa sinasabi ng banal na Kasulatan. Ang banal na kasulatan ay salita ng Diyos, sinasabi sa banal na kasulatan na ang isang tagasunod ni Jesus ay hindi nakikiapid, hindi nakikipagaway, hindi magnanakaw at hindi sasamba sa diyos-diyusan o sa espiritu ng tao na patay na ang isang tagasunod ni Jesus ay tinatawag na mananampalataya o isang Kristiyano.
Picture 28: The Christian Family
Ang isang tagasunod ni Jesus ay kailangan mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Ang isang kristiyanong lalaki ay kailangan mahalin nya ang kanyang kabiyak. Ang isang kristiyanong babae ang dapat nyang igalang ang kanyang asawa. Ang magasawa ay kailangan magtulungan kailangan alagaan nila ang kanilang mga anak at turuan sila tungkol kay Jesus.
Picture 29: Love your Enemies
Ang Diyos ay nagtuturo at tumutulong sa mga mananampalataya na umiibig sa kanyang mga kaaway. Sa pangalawang larawan ay makikita ninyo ang isang lalaki na tumutulong sa isang tao na galing sa kanilang kaaway sa kabilang tribo, ang isang mananampalataya ay kailangan na gumawa ng mabuti sa lahat ng tao kahit pa sa tao na gumagawa ng mabuti sa kanya.
Picture 30: Jesus is the Powerful One
Sa larawang ito ay makikta ninyo ang dalawang mananampalataya na sinusunog nila ang kanilang diyos-diyusan at anting-anting. Ang isang mananampalataya ay sumasamba lamang at humihingi ng tulong sa Diyos sa Pangalan ni Jesus. Ang Panginong Jesus ay higit na makapangyarihan kaysa mga mangkukulam, diyos diyusan, sanggalang o mga espiritu ng mga taong namatay.
Picture 31: Casting out Evil Spirits
Sa larawang ito ay makikita ninyo at isang taong inaalihan ng masamang espiritu. Napuputol niya ang bawat lubid, kadena sapagkat ang masamang espiritu na nananahan sa kanya ay malakas at ang taong ito ay napagaling ni Jesus ang mga masamang Espirito ay lumabas sa kanya sapagkat si Jesus ay higit na makapangyarihan kaysa sa diyablo ang masamang espiritu at kahit na ang satanas ay takot kay Jesus sapagkat Siya ay anak ng Diyos. Huwag kayong sumamba sa espiritu kung ikaw ay binabagabag ng mga masamang espiritu ay maaring mong hingin na paalisin sila ni Jesus.
Picture 32: Temptation
Nais ng Diyos na susunod ang mga tao sa kanyang salita ngunit sa larawang ito ay makikita natin ang isang tao na dinadaya ni satanas, hinahandugan siyani satanas ng maraming pera, magagarang mga damit at iba pang mga bagay upang ang mananampalataya ito ay hindi susunod sa salita ng Diyos ngunit hindi ito ang kailangan ng mananampalataya nais niyang sumunod ka kay Jesus, nais mo bang laging susunod kay Jesus? Kung hindi ka sumusunod kay Jesus ay hilingin mo na patawarin ka niya at linisin sa iyong mga kasalanan.
Picture 33: If we Sin
Sa larawang ito makikita ninyo ang larawan ng isang batang lalaki na maraming kasalanan. Sinayang niya ang pera na ibinigay sa kanya ng kanyang ama sa mga babae, pagsusugal, at binigyan niya ng kasiyahan ang kanyang sarili noong wala na siyang pera ay nawala narin ang kanyang mga kaibigan, siya ay nagsisi sa kanyang kasalanan at bumalik sa kanyang Ama, Siya ay pinatawad at tinanggap namuli. Kung tayo ay magkakasala kailangan magsisi tayo at tumalikod sa ating kasalanan at ipahayag ang ating mga kasalanan kay Jesus. Mahal tayo ni Jesus at Siya ay namatay upang alisin ang lahat ang ating mga kasalanan.
Picture 34: Sickness
Ang lahat ng mga tao ay maaaring magkasakit kung ikaw ay may sakit manalangin ka kay Jesus, humingi ka ng tulong kay Jesus at hindi sa mga albolaryo o espiritu ng mga patay. Si Jesus ay higit na makapangyarihan.
Picture 35: Death
Kung ang isang tao na naniniwala ang Panginoong Jesus ay namatay. Ang kanyang katawan ay ililibing ngunit ang kanyang kaluluwa ay pupunta sa langit sapagkat ang kanyang kasalanan ay pinatawad na ng Panginoong Jesus ngunit ang taong hindi naniniwala sa Panginoong Jesus ay mapaparusahan sa impyerno sapagkat siya ay makasalanan pa. Kung hilingin mo na alisin ni Jesus ang iyong kasalanan at hayaan mong baguhin ka niya hindi ka kailangan na matakot sa kamatayan, kukunin ni Jesus ang kaululuwa mo sa langit.
Picture 36: The Body of Christ
Ang bawat bahagi ng ating katawan ay may sariling gawain, ang mata para sa paningin, ang bibig sa pagsasalita at pagkain, ang tainga sa pakikinig kung ang isang bahagi ay may sakit ang buong katawan ay makakaramdam din ng sakit. Sinabi ng Diyos na ang lahat ng mananampalataya ay bahagi ng isang katawan at ang bawat isa ay may Gawain. Ang halimbawa nito ay pagawit, pagluluto at pagtuturo sa iba ngunit ito ay dapat gawin ng bawat isa upang matulungan ang iba pang mga mananampalataya. Hindi dapat sabihin ng isang mananampalataya na higit na mahalaga ang kanyang gawain kaysa kapwa niya mananampalataya ang bawat bahagi na kailangang magibigan at magtulungan sa bawat isa.
Picture 37: Meeting for Worship
Itinuturo ng Diyos na makakabuti para sa mga mananampalataya ang magsama-sama upang manalangin, umawit at sumamba sa kanya. Ang buong katawan ng mananampalataya ay tinatawag na simbahan, kailangan may panahon sa pagpupulong at pagbahagi ng salita ng Diyos. Kailangan din ng panahon sa pakikipagusap sa Diyos at panahon na pagbibigay ng handog para sa gawain ng Diyos.
Picture 38: Jesus will return
Si Jesus ay nagpunta sa langit ngunit isang araw siya ay babalik na muli. Pagbalik niya ang lahat ng naniniwala sa kanya ay dadalhin sa langit. Kahit pa ang mga mananampalataya na namatay at nabuhay na muli, ngunit ang mga tao na hindi naniniwala kay Jesus ay kay Jesus ay maiiwan at mapaparusahan sa apoy. Kayo ba’y handa ng pumunta sa langit ngayon kung darating ang Panginoong Jesus?
Picture 39: Bearing Fruit
Sinasabi ng Banal na kasulatan na ang sanga na hindi nagbubunga ay puputulin din at susunuging katulad na nasa larawan. Inaasahan natin ang isang puno ay magbubunga kaya gayundin ang mga naniniwala kay Jesus, umaasa siya na ang isang mananampalataya ay magbubunga. Ang ibig sabihin nito ay tutulungan ka ng banal na espiritu na magpapakita ng pagibig, kaligayahan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, at pagpipigil sa sarili at kusang loob na pagtulong sa kapwa. Ang lahat ng mga ito ay bunga ng Banal na Espiritu sa buhay mo. Ang isang tao na naniniwala kay Jesus ay higit na mabuti ang kanyang buhay kaysa noong hindi pa siya nananampalataya.
Picture 40: Witnessing
Sinabi rin ni Jesus na kailangan sabihin ng bawat mananampalataya ang tungkol sa Diyos. Kailangan sabihin natin na ang sinumang magpapahayag ng kanyang mga kasalanan at maniniwala kay Jesus ay mapapatawad at magkakaroon ng bagong buhay. Sa larawang ito ay makikita ninyo ang isang mananampalataya na sumusunod sa salita ni Jesus. Ikaw sasabihin mo din ba sa iba ang tungkol sa Panginoong Jesus? Ipaliwanag mo sa kanila ang mga bagay na napagaralan mo na.