unfoldingWord 43 - Ang Pagbuo ng Unang Simbahan
Obris: Acts 1:12-14; 2
Broj skripte: 1243
Jezik: Tagalog
Publika: General
Žanr: Bible Stories & Teac
Svrha: Evangelism; Teaching
Biblijski citat: Paraphrase
Status: Approved
Skripte su osnovne smjernice za prevođenje i snimanje na druge jezike. Treba ih prilagoditi prema potrebi kako bi bili razumljivi i relevantni za svaku različitu kulturu i jezik. Neki korišteni pojmovi i pojmovi možda će trebati dodatno objašnjenje ili će ih se čak zamijeniti ili potpuno izostaviti.
Tekst skripte
Nang makabalik ni Jesus sa langit nanatili ang mga alagad sa Jerusalem gaya ng inutos ni Jesus sa kanila. Lagi namang nagtitipon-tipon ang mga mananampalataya doon para magdasal.
Taun-taon, ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang mahalagang araw na tinatawag na Pentecost pagkalipas ng 50 na araw pagkatapos ng “Passover“. Ang Pentecost ay ang araw kung saan ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pag-ani ng mga trigo. Ang mga Hudyo mula sa lahat ng panig ng mundo ay nagtitipon-tipon sa Jerusalem para ipagdiwang ang araw ng Pentecost. Noong taong iyon pagkalipas ng isang linggo nang makabalik si Jesus sa langit, ipinagdiwang ng mga Hudyo ang Pentecost.
Habang magkakasama ang lahat ng mga mananampalataya, biglang napuno ng tunog na parang ugong ng malakas na hangin ang bahay kung nasaan sila. At parang may isang bagay na mukhang lumalagablab na apoy ang lumitaw sa ibabaw ng ulo ng lahat ng mananampalataya. Binigyan sila ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita ng iba’t ibang wika.
Nang marinig ng mga tao sa Jerusalem ang ingay, marami ang lumapit para makita kung ano ang nangyayari. Nang marinig ng mga tao na inihahayag ng mga mananampalataya ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos, namangha sila dahil naririnig nila ang mga iyon sa sarili nilang wika.
Pinaratangan ng ibang tao doon na lasing lang ang mga alagad. Pero tumayo si Peter at sinabi sa kanila, “Makinig kayo sa akin! Hindi lasing ang mga kasama ko. Ito ang katuparan ng propesiya ng propetang si Joel kung saan sinabi ng Diyos na ‘Sa mga huling araw ipagkakaloob ko ng lubos ang Espiritu ko sa mga tao.”’
“Mga mamamayan ng Israel si Jesus ay isang taong gumawa ng mga pambihirang pangitain at mga himala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, gaya ng alam niyo at nakita niyo siya pero ipinapako niyo sa krus!”
“Kahit pa namatay si Jesus, binuhay siyang muli ng Diyos. Katuparan iyon ng sinabi sa propesiya na nagsasabing, ‘Hindi mo hahayaang maagnas ang Banal mong Anak sa libingan.’ Saksi tayo sa katotohanan na muling binuhay ng Diyos si Jesus mula sa kamatayan.”
“Ngayon ay nailuklok na si Jesus at nakaupo na sa kanan ng Ama at ipinagkaloob niya ang Banal na Espiritu kagaya ng ipinangako niya. Kaya ang Banal na Espiritu ang may gawa sa lahat ng mga nakikita at naririnig niyo.”
“Ipinako niyo sa krus ang taong ito na si Jesus. Tandaan niyo ito, Ginawa siya ng Diyos na Panginoon at Messiah!”
Ikinalungkot ng labis ng mga taong nakinig ang mga bagay na sinabi ni Peter kaya tinanong nila si Peter at ang mga disipulo, “Mga kapatid ano ba ang dapat naming gawin?”
Sinagot naman sila ni Peter, “Lahat kayo ay dapat nang magsisi at mabawtismuhan sa pangalan ni Jesus para patawarin ng Diyos ang mga kasalanan niyo. Ipagkakaloob din niya sa inyo ang kapangyarihang nagmumula sa Banal na Espiritu.
Mga 3,000 katao ang naniwala sa sinabi ni Peter at naging alagad ni Jesus. Nabawtismuhan sila at naging miyembro ng simbahan sa Jerusalem.
Ang mga alagad ay patuloy na nakinig sa mga katuruan ng mga apostol, palagi silang nagtitipon-tipon, kahit sa pagkain, at sa pagdarasal. Ikinatutuwa nila ang pagpupuri sa Diyos na magkakasama at nagbibigayan sila ng kung anung mayroon sila sa bawat isa. Maganda ang tingin ng mga ibang tao sa kanila. Araw-araw ay nadaragdagan ang mga tao na nagiging mananampalataya.