unfoldingWord 40 - Ipinako si Jesus sa Krus
מתווה: Matthew 27:27-61; Mark 15:16-47; Luke 23:26-56; John 19:17-42
מספר תסריט: 1240
שפה: Tagalog
קהל: General
ז׳נר: Bible Stories & Teac
מַטָרָה: Evangelism; Teaching
ציטוט כתבי הקודש: Paraphrase
סטָטוּס: Approved
סקריפטים הם קווים מנחים בסיסיים לתרגום והקלטה לשפות אחרות. יש להתאים אותם לפי הצורך כדי להפוך אותם למובנים ורלוונטיים לכל תרבות ושפה אחרת. מונחים ומושגים מסוימים שבהם נעשה שימוש עשויים להזדקק להסבר נוסף או אפילו להחלפה או להשמיט לחלוטין.
טקסט תסריט
Pagkatapos laitin ng mga sundalo si Jesus pinalakad nila siya habang binubuhat ang krus kung saan siya ipapako at mamamatay.
Dinala ng mga sundalo si Jesus sa lugar na kung tawagin ay “Bungo.” Ipinako nila ang mga kamay at mga paa niya sa krus. Iniutos ni Pilate na sumulat sila ng ganito at ilagay sa itaas ng ulunan ni Jesus, “Hari ng mga Hudyo.”Ngunit kahit ganoon ang ginawa sa kanya sinabi niya, “Ama, patawarin ninyo ang mga taong ito dahil hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila.”
Pinagpustahan ng mga sundalo kung kanino mapupunta ang damit ni Jesus. Sa ginawa nilang iyon, tinupad nila ang propesiya na nagsasabing ganito, “Pinaghatian nila ang mga damit ko sa pamamagitan ng pustahan.”
Ipinako si Jesus sa gitna ng dalawang magnanakaw. Ininsulto ng isa sa kanila si Jesus pero pinagsabihan naman siya ng isa pang magnanakaw, “Dapat kang matakot sa Diyos dahil walang kasalanan ang taong ito at tayo ang may nagawang kasalanan. Nakiusap ang magnanakaw na iyon kay Jesus, “Alalahanin mo ako sa iyong kaharian.” Sinagot naman siya ni Jesus at sinabing, “Sa araw na ito, isasama kita sa Paraiso.”
Hinamak din ng mga pinuno ng Hudyo at ng mga ibang tao si Jesus. Sinabi pa nila kay Jesus, “Kung talagang ikaw nga ang Anak ng Diyos, bumaba ka nga mula sa krus at iligtas mo ang sarili mo at saka kami maniniwala sa iyo.”
Tanghali na noon pero biglang nagdilim ng husto ang kapaligiran ng tatlong oras.
Sumigaw si Jesus, “Tapos ko na! Ama,ipinapaubaya ko po sa inyo ang aking espiritu.” Pagkatapos ay yumuko siya at namatay. Nagkaroon ng lindol pagkamatay niya at napunit mula sa itaas hanggang ibaba ang malaking kurtina sa loob ng Templo. Ang kurtina na iyon ang naghihiwalay sa presensya ng Diyos at sa mga tao.
Ang pagkamatay ni Jesus ang nagbigay daan para makalapit ang mga tao sa Diyos. Nang makita ng sundalong nagbabantay kay Jesus lahat ng nangyari, nasabi niya, “Talagang walang kasalanan ang taong ito. Siya nga ang Anak ng Diyos.”
Pagkatapos may dalawang pinuno ng mga Hudyo na naniniwala sa Messiah. Ito ay sina Joseph na taga-Arimathaea at si Nicodemus. Hiniling nila kay Pilate ang bangkay ni Jesus. Binalot nila ito ng tela at saka ipinasok sa libingang gawa sa batong inuka. Tinakpan nila ng malaking bato ang pasukan ng libingan.