unfoldingWord 29 - Ang Kwento tungkol sa Lingkod na Ayaw Magpatawad
Esquema: Matthew 18:21-35
Número de guión: 1229
Lingua: Tagalog
Público: General
Finalidade: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Estado: Approved
Os guións son pautas básicas para a tradución e a gravación noutros idiomas. Deben adaptarse segundo sexa necesario para facelos comprensibles e relevantes para cada cultura e lingua diferentes. Algúns termos e conceptos utilizados poden necesitar máis explicación ou mesmo substituírse ou omitirse por completo.
Texto de guión
Isang araw tinanong ni Peter si Jesus, “Ilang beses ko ba dapat patawarin ang kapatid kong nagkasala sa akin. Hanggang pitong beses po ba? Sumagot si Jesus, “Hindi lang pitong beses kundi 70 x 7.” ang ibig sabihin dito ni Jesus ay dapat lagi tayong magpatawad. Kaya nagkwento si Jesus.
Sinabi ni Jesus, “Ang kaharian ng Diyos ay gaya ng isang hari na naniningil ng mga utang ng mga lingkod niya. Isa sa mga lingkod niya ay may malaking utang na katumbas ng sahod sa loob ng 200,000 taon.”
“Dahil hindi kayang magbayad ng lingkod, iniutos ng hari ‘Ibenta niyo ang lalaking ito pati ang pamilya niya para maging alipin at nang makabayad ng utang.”’
“Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nakiusap, ‘Pagpasensyahan niyo muna po sana ako, babayaran ko rin naman po ang lahat ng mga utang ko sa inyo.’ Naawa ang hari at dahil dito kinalimutan na niya lahat ng mga utang ng lingkod at pinayagan na siyang umalis”
“Pero paglabas ng lingkod, nakita niya ang kapwa niya lingkod na may utang din sa kanya na katumbas ng apat na buwang sahod. Sinunggaban niya ito at sinabi niya, ‘Magbayad ka na ng utang mo sa akin!”’
“Lumuhod sa harap niya ang kapwa niya lingkod at nakiusap, ‘Pagpasensiyahan mo muna sana ako, babayaran ko rin naman ang lahat ng utang ko sa iyo.’ Sa halip na maawa siya, ipinakulong pa niya ang kapwa niya lingkod hanggang sa makabayad ito ng utang niya.”
“Nakita naman ito ng mga kasamahan nilang mga lingkod at lubos silang nabahala kaya pumunta sila sa hari at nagsumbong.”
“Ipinatawag ng hari ang lingkod at sinabi sa kanya, ‘Napakasama mong lingkod! Kinalimutan ko lahat ng utang mo dahil nagmakaawa ka sa akin. Ganoon din dapat ang ginawa mo.’ Sa sobrang galit ng hari, ipinakulong niya ang masamang lingkod hanggang sa makabayad siya sa lahat ng mga utang niya.”
Pagkatapos sinabi ni Jesus, “Ito rin ang gagawin ng aking Amang nasa langit sa sinumang ayaw magpatawad ng buong puso.”