Huwag kang matakot
Grandes lignes: Directs questions to listener about his fears. Fear of death, future, spirits, other. Those trusting Jesus (who has all power) need not fear these things. Two speakers take turns narrating. This translation replaces the last paragraph and verses with an invitation to come to Jesus for help finding a solution to whatever problems you may be facing.
Numéro de texte: 028
Langue: Tagalog
Thème: Christ (Son of God); Living as a Christian (Faith, trust, believe in Jesus); Eternal life (Salvation, Eternal / everlasting life); Problems (Evil Spirits, demons, Fear)
Audience: Animist
Objectif: Evangelism
Features: Dialog; Messages and Fiction; Extensive Scripture
Statut: Approved
Les scripts sont des directives de base pour la traduction et l'enregistrement dans d'autres langues. Ils doivent être adaptés si nécessaire afin de les rendre compréhensibles et pertinents pour chaque culture et langue différente. Certains termes et concepts utilisés peuvent nécessiter plus d'explications ou même être remplacés ou complètement omis.
Corps du texte
Victor: Ikaw ba ay madaling matakot? Takot ka bang mamatay? Takot ka ba sa gabi kapag madilim? ...Meron akong magandang balita para sa iyo.
Hindi mo dapat katakutan ang kamatayan. Ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak para ikaw ay iligtas sa iyong mga kasalanan. Sabi Nya... ang bunga ng kasalanan ay kamatayan, pero ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa papamagitan ni Jesus na ating Panginoon. “Ganun na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, na kung sino man ang sa Kanya ay sumampalatalaya ay maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan.” At hindi lang iyan, kung ikaw ay lalapit sa Diyos, aalisin Nya ang takot sa iyong puso.
Rose: Pagkaraan ng maraming taon, nung ipinadala ng Diyos si Jesus dito sa lupa, bilang isang sanggol, ipinadala Nya ang kanyang mensahe sa tao sa buong mundo: “Hwag kang matakot dahil pinadalhan kita ng balita ng kagalakan...Para sa iyo, ay ipinanganak ang manliligtas na si Hesu Cristo, na ating Panginoon.” Pinadala ng Diyos si Jesus, bilang ating tagapagligtas, para tayo ay iligtas nya sa kamay ni Satanas. Kapag tinanggap natin si Jesus, makakapaglingkod tayo sa Kanya ng walang takot.
Victor: Hindi mo na kailangang matakot sa gabi, o sa dilim. Hindi mo na kailangang matakot sa tao, o sa anumang sitwasyon ng buhay mo. Ang sabi ng Diyos, “Hindi kita iiwanan o pababayaan,” so masasabi mo ng buong tapang, "Kung ang Diyos ay panig sa akin, sino pa ang makalalaban sa akin?"
Hindi mo kailangang matakot kung ano mangyayari bukas. Sabi ng Diyos , “Lumapit ka sa Akin, at bibigyan kita ng kapahingahan." Ibig sabihin Nya, kapahingahan sa iyong kasalanan, kapahingahan sa iyong takot, kapahingahan sa iyong pagkabalisa, at pag aalala. Sabi Nya, “Huwag kang matakot, huwag kang matakot.” “Huwag mong isipin ang bukas.” “Unahin mo munang hanapin ang kaharian ng Diyos at ang kanyang katuwiran, at lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay nya sa iyo.” (Mateo 6:33)
Rose: Kaibigan, hindi ko alam kung ano ang situation mo ngayon, ikaw ba ay may problema, may sakit, o puno ng takot ang iyong puso? Pero ito ang masasabi ko sa iyo, ano man ang iyong problema, at nasa anumang sitwasyon ka man, anumang kasalanan ang nagawa mo, ano man ang kulay o religion mo, mahal ka ng Diyos, hinihintay ka lang nyang lumapit sa kanya. Ang solusyon sa iyong problema ay hindi ang pagsuko, o pag iisip na wakasan ang iyong buhay...Lumapit ka lang kay Jesus, at bibigyan ka nya ng lakas ng loob, at tutulungan ka nya na hanapin ang solusyon sa iyong mga problema.