unfoldingWord 02 - Nagkaroon ng Kasalanan sa Mundo
Grandes lignes: Genesis 3
Numéro de texte: 1202
Langue: Tagalog
Thème: Sin and Satan (Sin, disobedience, Punishment for guilt)
Audience: General
Objectif: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Statut: Approved
Les scripts sont des directives de base pour la traduction et l'enregistrement dans d'autres langues. Ils doivent être adaptés si nécessaire afin de les rendre compréhensibles et pertinents pour chaque culture et langue différente. Certains termes et concepts utilisés peuvent nécessiter plus d'explications ou même être remplacés ou complètement omis.
Corps du texte
Masayang masaya si Adam at ang asawa niya sa pagtira nila sa magandang halamanan na ginawa ng Diyos para sa kanila. Wala silang mga suot na damit pero hindi pa sila nakakaramdam ng hiya dahil wala pang kasalanan noon sa mundo. Madalas silang maglakad sa halamanan at nakikipag-usap sa Diyos.
Pero may isang tusong ahas sa halamanan, tinanong niya ang babae, “Talaga bang sinabi ng Diyos sa inyo na huwag kayong kakain ng bunga sa kahit anong puno sa halamanan?”
Sinagot naman ng babae ang ahas, “Sinabi sa amin ng Diyos na pwede naming kainin ang bunga sa kahit anong puno maliban lang sa bunga ng puno na nagbibigay ng kaalaman ng mabuti’t masama.” Sinabi din sa amin ng Diyos, “Kapag kinain o kaya hinawakan niyo ang bunga, baka mamamatay kayo.”
Sinagot ng ahas ang babae at sinabi, “Hindi totoo iyan! Hindi kayo mamamatay. Alam ng Diyos na sa oras na kinain niyo ang bunga, magiging katulad niyo siya at malalaman niyo na rin ang mabubuti at masasama.”
Nakita ng babae na maganda ang bunga at mukhang masarap itong kainin. Gusto niya rin na magkaroon ng karunungan kaya pumitas siya at kumain ng bunga. Binigyan niya din ng bunga ang asawa niya na kasama niya at kumain din siya.
Biglang nag-iba ang pananaw nila at nakita nilang hubad sila. Sinubukan nilang takpan ang mga katawan nila sa pamamagitan ng pinagdikit-dikit na mga dahon para maging damit.
Narinig ng lalaki at ng asawa niya na naglalakad ang Diyos sa halamanan. Nagtago silang dalawa. Tinawag ng Diyos ang lalaki, “Adam nasaan ka?” Sumagot naman si Adam, “Narinig ko po kayong naglalakad sa may halamanan, natakot ako dahil nakahubad ako kaya nagtago po ako.”
Pagkatapos nagtanong ang Diyos, “Sinong nagsabi sa iyo na nakahubad ka? Kinain mo ba ang bunga na sinabi kong huwag mong kainin?” Sumagot ang lalaki, “Iyon pong babaeng ibinigay niyo sa akin ang nagbigay ng bunga.” Pagkatapos, tinanong rin ng Diyos ang babae, “Bakit mo ito nagawa?” sumagot ang babae, “Nilinlang po ako ng ahas.”
Sinabi ng Diyos sa ahas, “Susumpain kita! Gagapang ka sa lupa at alikabok ang kakainin mo. Magkakagalit kayo ng babae at pati mga anak niyo ay magkakagalit din. Manggagaling sa babae ang dudurog sa ulo mo at ikaw naman ang tutuklaw sa sakong niya.”
Pagkatapos sinabi ng Diyos sa babae, “Dadagdagan ko ang sakit sa panganganak mo pero kahit ganoon gugustuhin mo pa rin ang asawa mo at siya ang susundin mo.”
Sinabi ng Diyos sa lalaki, “Dahil nakinig ka sa asawa mo at sinuway ako. Ngayon ay sinumpa ang lupa, kailangan mong maghirap sa pagtatrabaho para may makain. Mamamatay ka at babalik sa alikabok ang katawan mo.” Tinawag ng lalaki na “Eve” ang asawa niya na ibig sabihi’y “Nagbibigay buhay” dahil siya ang magiging ina ng lahat ng tao. Pagkatapos dinamitan ng Diyos sila Adam at Eve ng damit na gawa sa balat ng hayop.
Sinabi ng Diyos, “Ngayon na tulad na natin ang tao na may kaalaman tungkol sa mabubuti at masasama, hindi sila dapat payagang makakain ng bunga na nagbibigay buhay para hindi sila mabuhay magpakailanman.” Kaya pinaalis ng Diyos si Adam at Eve sa magandang halamanan. Naglagay siya ng mga makapangyarihang anghel sa pasukan ng halamanan para walang sinuman ang makakain ng bunga na nagbibigay buhay.