unfoldingWord 10 - Ang Sampung Salot
طرح کلی: Exodus 5-10
شماره کتاب: 1210
زبان: Tagalog
مخاطبان: General
هدف: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
وضعیت: Approved
اسکریپت ها( سندها)، دستورالعمل های اساسی برای ترجمه و ضبط به زبان های دیگر هستند. آنها باید در صورت لزوم تطبیق داده شوند تا برای هر فرهنگ و زبان مختلف قابل درک و مرتبط باشند. برخی از اصطلاحات و مفاهیم مورد استفاده ممکن است نیاز به توضیح بیشتری داشته باشند، یا جایگزین، یا به طور کامل حذف شوند.
متن کتاب
Pumunta sina Moses at Aaron sa Paraon. Sinabi nila, “Pinapasabi ng Diyos ng Israel, ‘Palayain mo ang aking mga tao!”’ Pero hindi sumunod ang Paraon sa kanila at sa halip na palayain ang mga Israelita ay sapilitan pa silang pinagtrabaho ng mas mabigat.
Patuloy na nagmatigas ang Paraon at ayaw niya talagang pakawalan ang mga tao, kaya nagpadala ng sampung salot ang Diyos sa Egypt. Dahil sa mga salot na ito, pinatunayan ng Diyos sa Paraon na mas makapangyarihan siya sa kanya at sa lahat ng mga diyos-diyosan ng Egypt.
Naging dugo ang tubig sa Ilog Nile dahil sa kapangyarihan ng Diyos pero ayaw pa rin palayain ng Paraon ang mga Israelita.
Nagpadala ng mga maraming maraming palaka ang Diyos sa buong Egypt. Nagmakaawa ang Paraon kay Moses na alisin ang mga palaka pero pagkatapos mamatay ng mga palaka, nagmatigas nanaman ang Paraon at hindi pa rin niya pinalaya ang mga Israelita.
Sa utos ng Diyos naglitawan naman ang mga salot na niknik at ang sumunod naman ay mga langaw. Ipinatawag ng Paraon sina Moses at Aaron at sinabihan na kung aalisin nila ang mga salot ay pwede ng umalis ang mga Israelita sa Egypt. Inalis ng Diyos ang mga langaw at niknik sa Egypt nang magdasal si Moses pero muling nagmatigas ang Paraon at hindi pinalaya ang mga Israelita.
Ang sumunod na salot ay ang pagkakasakit at pagkamatay ng mga alagang hayop ng mga Egipcio pero napakatigas ng puso ng Paraon at ayaw niya pa ring palayain ang mga Israelita.
Sinabi ng Diyos kay Moses na kumuha siya ng abo at ihagis sa harap ng Paraon. Ginawa nga ito ni Moses at pagkatapos ay nagkaroon ng mga napakasakit na bukol ang bawat Egipcio maliban sa mga Israelita. Ayaw pa ring palayain ng Paraon ang mga Israelita dahil sa pinagmatigas ng Diyos ang puso ng Paraon.
Pagkatapos noon nagpaulan ng yelo ang Diyos na sumira sa karamihan ng mga pananim sa Egypt at pumatay sa kahit na sinong lumabas. Ipinatawag ng Paraon sina Moses at Aaron at sinabi, “Nagkasala ako. Maaari na kayong umalis.” Kaya nagdasal si Moses at tumigil na ang pag-ulan ng yelo.
Pero nagkasala na naman ang Paraon at muling nagmatigas at ayaw niya pa ring palayain ang mga Israelita.
Dahil doon nagpadala ng salot na balang ang Diyos sa buong Egypt at kinain naman ng mga ito ang pananim na hindi nasira noong umulan ng yelo.
Pinagdilim rin ng Diyos ang Egypt sa loob ng tatlong araw. Hindi makaalis sa kani-kanilang mga bahay ang mga Egipcio sa sobrang dilim pero maliwanag naman kung saan nakatira ang mga Israelita.
Pagkatapos ng siyam na salot talagang ayaw pa ring palayain at payagang umalis ng Paraon ang mga Israelita. Dahil ayaw sumunod ng Paraon, napagpasyahan ng Diyos na ipadala na ang huling salot na makakapagpabago ng isip ng Paraon.