unfoldingWord 46 - Naging Kristiyano si Paul
طرح کلی: Acts 8:1-3; 9:1-31; 11:19-26; 13-14
شماره کتاب: 1246
زبان: Tagalog
مخاطبان: General
نوع: Bible Stories & Teac
هدف: Evangelism; Teaching
نقل قول کتاب مقدس: Paraphrase
وضعیت: Approved
اسکریپت ها( سندها)، دستورالعمل های اساسی برای ترجمه و ضبط به زبان های دیگر هستند. آنها باید در صورت لزوم تطبیق داده شوند تا برای هر فرهنگ و زبان مختلف قابل درک و مرتبط باشند. برخی از اصطلاحات و مفاهیم مورد استفاده ممکن است نیاز به توضیح بیشتری داشته باشند، یا جایگزین، یا به طور کامل حذف شوند.
متن کتاب
Si Saul ang binatang lalaki na nagbantay sa mga kasuotan ng mga taong pumatay kay Stephen. Hindi siya naniniwala kay Jesus kaya pinagmamalupitan niya ang mga mananampalataya. Nagpunta siya sa bawat bahay sa Jerusalem para hulihin sila at ikulong, mapababae man o lalaki. Binigyan siya ng pahintulot ng pinakapunong pari na pumunta sa Damascus para huliin ang mga Kristiyano doon at ibalik sila sa Jerusalem.
Habang papunta si Saul sa Damascus, may nagniningning na liwanag mula sa langit na pumalibot sa kanya at dumapa siya sa lupa. Nakarinig siya ng boses na nagsasabing, “Saul! Bakit mo ako pinagmamalupitan?” Nagtanong si Saul, “Panginoon, sino po kayo?”Sinagot siya ni Jesus, “Ako si Jesus na pinagmamalupitan mo!”
Pagkatayo ni Saul, hindi na siya makakita kaya kinailangan pa siyang akayin ng mga kasama niya papunta sa Damascus. Hindi siya uminom o kumain ng kahit na ano sa loob ng tatlong araw.
May isang alagad sa Damascus na nagngangalang Ananias. Kinausap siya ng Diyos at sinabing, “Pumunta ka sa bahay na tinutuluyan ni Saul at ipatong mo ang kamay mo sa kanya para makakita siyang muli. Ngunit Sumagot naman si Ananias sa Diyos, “Panginoon, nabalitaan ko kung paano pagmalupitan ng taong ito ang mga mananampalataya.” Sinabi naman sa kanya ng Diyos, “Pumunta ka dahil pinili ko siya para ihayag ang pangalan ko sa mga Hudyo at sa iba pang mga tao. Marami siyang pagdaraanan na hirap sa ngalan ko.”
Pinuntahan nga ni Ananias si Saul at ipinatong niya sa kanya ang kamay niya at sinabing, “Pinapunta ako ni Jesus para makakita kang muli at para tanggapin ang Banal na Espiritu. Siya ang nagpakita sa iyo habang nasa daan ka papunta rito.” Nagbalik agad ang paningin niya at binawtismuhan siya ni Ananias. Kumain na rin si Saul at bumalik ang lakas niya.
Kaagad na nangaral si Saul sa Damascus at ipinapahayag niya sa mga Hudyo na, “Si Jesus ay ang Anak ng Diyos!” Namangha ang mga Hudyo dahil sa naniniwala na rin si Saul kay Jesus samantalang gusto niyang patayin ang mga mananampalataya dati. Mariing ipinaliwanag ni Saul sa mga Hudyo na si Jesus ang Messiah.
Pagkalipas ng ilang mga araw plinano ng mga Hudyo na patayin si Saul. Nagpapunta sila ng mga tao sa mga pintuang bayan ng lungsod para magmanman sa kanya at humanap ng pagkakataon para patayin siya. Nalaman ni Saul ang mga plano nila kaya tinulungan siya ng mga kaibigan niya para makatakas. Isang gabi inilagay siya sa isang malaking basket at ibinaba sa kabila ng pader ng lungsod. Nang makatakas siya sa Damascus patuloy na nangaral si Saul tungkol kay Jesus.
Pinuntahan ni Saul ang mga alagad sa Jerusalem pero takot sila sa kanya. Isang mananampalataya na ang pangalan ay Barnabas ang nagdala kay Saul sa mga apostol. Sinabi niya kung gaano katapang na nangaral si Saul sa Damascus. Pagkatapos noon tinanggap na siya ng mga alagad.
Ang ilang mga mananampalatayang umalis mula sa pagmamalupit sa Jerusalem ay nagpunta sa Antioch. Nangaral sila roon tungkol kay Jesus. Karamihan sa mga tao doon ay hindi mga Hudyo pero sa unang pagkakataon marami sa kanila ang naging mananampalataya. Pumunta roon si Saul at Barnabas para turuan pa ang mga bagong mananampalataya tungkol kay Jesus at para lalo pa silang mapalakas. Sa Antioch unang tinawag ang mga mananampalataya ni Jesus na “Kristiyano.”
Isang araw habang nananalangin at nag-aayuno ang mga Kristiyano sa Antioch sinabi sa kanila ng Banal na Espiritu, “Ibukod niyo sina Barnabas at Saul para sa gawaing inilaan ko para sa kanila.” Kaya ipinanalangin ng mga mananampalataya sa Antioch sina Barnabas at Saul. Ipinatong nila ang mga kamay nila sa kanila pagkatapos ay pinapunta nila sila sa maraming lugar para ipangaral ang mabuting balita tungkol kay Jesus. Nagturo sila sa mga iba’t-ibang lahi at marami ang naniwala kay Jesus.