unfoldingWord 18 - Nahati ang Kaharian ng Israel

unfoldingWord 18 - Nahati ang Kaharian ng Israel

Esquema: 1 Kings 1-6; 11-12

Número de guión: 1218

Lugar: Tagalog

Audiencia: General

Propósito: Evangelism; Teaching

Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture

Estado: Approved

Los guiones son pautas básicas para la traducción y grabación a otros idiomas. Deben adaptarse según sea necesario para que sean comprendidas y relevantes para cada cultura e idioma diferentes. Algunos términos y conceptos utilizados pueden necesitar más explicación o incluso ser reemplazados o omitidos por completo.

Guión de texto

Matapos ang maraming taon namatay si David at nagsimulang mamuno sa Israel ang anak niyang si Solomon. Kinausap ng Diyos si Solomon sa panaginip at tinanong kung ano ang pinakagusto niyang matanggap. Karunungan ang hiniling ni Solomon at natuwa sa kanya ang Diyos. Dahil doon pinagkalooban niya si Solomon ng karunungan na higit kaninoman sa buong mundo. Maraming bagay pa ang natutunan ni Solomon at naging mahusay siyang hukom. Pinagpala siya ng Diyos kaya naging napakayaman niya.

Itinayo ni Solomon ang Templo sa Jerusalem na si David na ama niya ang nagplano at lumikom ng mga ginamit para doon. Sa halip na sa Tolda, sumasamba at nag-aalay na ang mga tao sa Diyos sa Templo. Bumababa sa Templo ang presenya ng Diyos at naroon siya kasama ng kanyang mga tao.

Sinuway ni Solomon ang Diyos dahil marami siyang naging asawa mula sa iba’t-ibang mga bansa. Halos isang libo ang naging asawa niya! Karamihan sa kanila ay galing sa iba’t-ibang bansa at dinala nila ang mga diyos-diyosan nila para patuloy pa ring sambahin. Nang tumanda na si Solomon, pati siya sumamba na rin sa mga diyos-diyosan nila.

Nagalit ang Diyos kay Solomon. Bilang parusa dahil hindi siya naging tapat, ipinangako ng Diyos na hahatiin niya ang bansang Israel sa dalawang kaharian pagkatapos niyang mamatay.

Sa pagkamatay ni Solomon, naging hari ang anak niyang si Rehoboam na isang hangal. Lahat ng tao sa bansang Israel ay pumunta at nagtipon para kilalanin siya bilang hari. Nagreklamo sila sa kanya na mabigat ang mga trabahong pinapagawa ni Solomon at marami silang binabayarang buwis.

Sinagot sila ni Reheboam ng pabalang at sinabi, “Kung sa akala niyo mahirap ang ipinatatrabaho ng ama kong si Solomon sa inyo, gagawin ko pang mas mahirap ang trabaho kaysa sa ipinagawa niya noon. Paparusahan ko kayo ng mas matindi kaysa sa ginawa ng aking ama sa inyo.”

Sampung tribo ng Israel ang nagrebelde laban kay Reheboam. Dalawang tribo lang ang nanatiling tapat sa kanya. Nabuo sa dalawang tribong iyon ang kaharian ng Judah.

Pumili ng hari ang sampung tribo ng Israel na nagrebelde laban kay Reheboam at ang pinili nila ay si Jeroboam. Itinayo nila ang kaharian nila sa hilagang bahagi ng lupain at tinawag nila iyon na Kaharian ng Israel.

Nagrebelde si Jeroboam sa Diyos at nagkasala ang mga tao dahil gumawa siya ng dalawang diyos-diyosan para sambahin ng mga tao sa nasasakupan niya sa halip na ang Diyos ang sambahin nila sa Templo doon sa kaharian ng Judah.

Naging magkaaway ang Kaharian ng Israel at Judah at madalas silang maglaban.

Masama lahat ng naging hari sa bagong Kaharian ng Israel. Marami sa mga hari ay pinatay ng mga Israelitang gustong pumalit sa kanila bilang hari.

Mga diyos-diyosan ang sinasamba ng lahat mga naging ng hari at halos lahat ng mga tao sa kaharian ng Israel. Ang pagsamba nila sa diyos-diyosan ay may kasamang imoralidad at kung minsan pa nga, nag-aalay sila ng bata.

Ang mga naging hari ng Judah naman ay galing sa angkan ni David. Ang ilan sa kanila ay mabubuting tao na namuno ng matuwid at sumasamba sila sa Diyos. Pero karamihan rin sa mga naging hari ay masasama at gumagawa ng mali para makuha lang ang gusto nila, sumasamba rin sila sa mga diyos-diyosan at ang ilan sa mga haring ito ay naghahandog rin ng sarili nilang anak. Karamihan din sa mga mamamayan ng Judah ay tinalikuran na rin ang Diyos at sumamba na rin sa mga diyos-diyosan.

Información relacionada

Palabras de Vida - GRN tiene mensajes audios en miles de idiomas que contienen mensajes basados en la Biblia acerca de la salvación y la vida cristiana.

Descargas gratis - Aquí puede encontrar los guiones principales de GRN en varios idiomas y también imágenes y otros materiales relacionados. Todos están disponibles para descargar.

Librería de audio de GRN - Material evangelistico y de enseñanza adecuado a las necesidades y a la cultura en variedad de stilos y formatos

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares its audio, video and written scripts under Creative Commons