unfoldingWord 35 - Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama
Outline: Luke 15
Script Number: 1235
Language: Tagalog
Audience: General
Purpose: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Status: Approved
Scripts are basic guidelines for translation and recording into other languages. They should be adapted as necessary to make them understandable and relevant for each different culture and language. Some terms and concepts used may need more explanation or even be replaced or omitted completely.
Script Text
Isang araw nagtuturo si Jesus sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanang tao na nagsama-sama para pakinggan siya.
Naroon rin ang ilan sa mga pinuno ng relihiyon at napansin nilang tinuturing na kaibigan ni Jesus ang mga makasalanan at pinintasan nila ito kaya sinabi ni Jesus ang kwentong ito.
“May isang ama na may dalawang anak na lalaki. Isang araw sinabi ng bunso sa ama niya, ‘Ama, ibigay mo na ang mamanahin ko ngayon!’Hinati ng ama nila ang lahat ng ari-arian niya para sa dalawang anak niya.”
“Nang makuha ng bunso ang mana niya, nagpakalayo-layo siya at winaldas ang pera niya sa masasamang gawain.”
“Hindi nagtagal nagkaroon ng matinding tag-gutom sa lugar na kinaroroonan ng bunsong anak. Wala na siyang perang pambili ng pagkain kaya tinanggap niya ang nag-iisang trabahong nahanap niya na tagapagpakain lang ng baboy. Kawawang-kawawa siya at gutom na gutom kaya napilitan na siyang kumain ng kanimbaboy.”
“Bigla siyang napaisip dahil sa hirap ng kalagayan niya kaya nasabi niya sa sarili niya, ‘Ano ba itong ginagawa ko? Maraming pagkain ang mga utusan ng ama ko, samantalang ako dito ay mamamatay na sa gutom. Babalik na lang ako sa ama ko at makikiusap na ibilang niya akong isa sa mga utusan.’’’
“Kaya umuwi siya pabalik sa bahay ng ama niya. Malayo pa lang, natanaw siya agad ng ama niya at ito’y nahabag sa kanya. Patakbo niyang sinalubong ang anak niya. Niyakap at hinagkan niya ito.”
“Humingi ng tawad ang bunsong anak at sinabing, ‘Ama, inaamin kong nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako nararapat na tawaging anak mo”’
“Pero agad na inutusan ng ama ang isa sa mga alipin niya, “Dali! Kunin mo ang pinakamagarang damit at isuot mo sa anak ko. Suotan niyo siya ng singsing at sandalyas pagkatapos katayin niyo ang pinakamatabang baka at magdiwang tayo dahil namatay ang anak ko pero nabuhay siyang muli. Nawala siya pero ngayon, nahanap na!”’
“Kaya nagdiwang ang mga tao. Hindi nagtagal umuwi galing sa pagtatrabaho sa bukid ang panganay na anak. Narinig niya ang mga tugtugan at sayawan at nagtaka siya kung ano ang nangyayari.”
“Nang malaman niya na nagdidiwang sila dahil bumalik na sa bahay nila ang bunso niyang kapatid, galit na galit siya at ayaw niyang pumasok sa loob ng bahay. Kaya lumabas ang ama nila at nakiusap sa kanya na sumama sa kasayahan pero tumanggi siya.”
“Sinabi ng panganay sa ama nila, ‘Sa mga nagdaang taon, nagtatrabaho ako ng tapat para sa iyo. Ni minsan hindi kita sinuway pero hindi mo man lang ako nabigyan kahit maliit na kambing man lang para makapagsaya kami ng mga kaibigan ko, pero nang bumalik ang anak mong ito na lumustay ng pera mo sa masasamang gawain, nakuha mo pa siyang ipagkatay ng pinakamatabang baka.”’
“Sumagot naman ang ama, ‘Anak, palagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo rin. Dapat lang na magsaya tayo dahil namatay ang kapatid mo at ngayon, nabuhay siya. Nawala siya pero ngayon, nahanap na!”’